Theo
“Let’s go Coco” Hindi ko pinansin si Marga ng tinawag ako nito. “Theo tinatanong ka nung babae Bakit Hindi mo pinansin?” Bulong na tanong ni Coco. “Kasi pag pinansin mo lalong mag papapansin yan ahaha” sabay kindat ko. Pero si Marga ayaw talagang paawat. “So you will just ignore me Theo?”Lumakad ito papalapit saamin. “Why not? Pwede ba you’re blocking our way May importante kaming pupuntahan” sabay hila ko kay Coco at lumakad palayo kay Marga. “I didn’t know bumaba na pala standard mo sa babae” pahabol nito. Lalapitan ko pa sana ito pero naramdaman ko ang pag higpit ng hawak ng kamay ni Coco saakin. “Huwag na Theo” Awat nito saakin. Pero Hindi ko mapapalagpas ang sinabi nito kay Coco. “ paki ban yang babaeng yan sa building ko ayoko ng makita siya dito” bilin ko sa mga guard. Narinig ko pa ang pag tutol ni Marga habang nag lalakad kami ni Coco palabas ng building. “You can’t do this to me Theo”
“I’m sorry Coco sa sinabi ni Marga” Ngumiti ito saakin at kumapit sa braso ko. I suddenly felt butterflies in my belly. Bakit parang nakaramdam ako ng kuryente same feeling nung nag hike kami. “Ok lang sanay na ako Theo..hindi ko alam how people can judge someone dahil lang sa suot na damit.. that’s why I love Apollo he’s never like that to me he loves me for who I am” Halos walang pumasok sa utak ko sa sinabi niya. All I can think of is what I’m feeling right now. Sinandal pa ni Coco ang ulo niya sa balikat ko kaya lalo akong nakaramdam ng kuryente. “Tahimik mo Theo Hindi ako sanay” sabay hampas sa balikat ko. Natawa ako kasi napansin pala niyang parang wala ako sa sarili. “ I’m sorry Coco.. ako man ay nag ka Mali din sa pang huhusga saiyo.. but let me tell you this” hinawakan ko ang mga balikat nito at Pinaharap ko siya saakin tinitigan ko ang mga mata niya. “You are beautiful Dhaira swerte si Apollo that he has you” nagulat ako ng halikan ako nito sa pisngi. Para akong tanga na natulala it’s definitely not my first kiss but why it felt like It’s my first.
“Thank you Theo I appreciate you” lumakad na kami patungu sa Kotse ko pero Hindi ko mapigilan ang pag guhit ng ngiti sa muka ko. “Sh!t kinikilig ba ako?” Sigaw ng utak ko. Pinag buksan ko ito ng pintuan at mabilis kong tinungo ang driver seat. “Saan mo ako dadalin Theo?” Excited nitong tanong. “Basta I promise you, you will love it” she just smiled at binaling ang atensiyon sa daan. “Ok ka lang Coco?” Bigla kasi siyang nanahimik, “yes May naisip lang ako excited lang siguro akong makita ang pupuntahan natin” naka ngiti nitong sagot. Hinawakan ko ang kamay niya. “Relax you’ll love it” napa kagat ako ng labi ng pag saklupin ni Coco ang aming kamay. Sabay tingin sa daan. Naisip ko tuloy kung nararamdaman din ba niya yung nararamdaman kong kuryente. Nang makarating kami sa lugar agad akong bumaba at pinag buksan ko siya ng Pintuan. “Where here Coco” sinamaan ako nito ng tingin. “Bakit mo ako dinala Sa gubat” natawa ako kasi Kung maka gubat naman siya. Hinila ko nalang ito at naglakad papunta sa lake. “Wow ang Ganda Theo parang small paradise” mangha nitong sambit. “Let’s go sakay tayo sa bangka” turo turo ko ang maliit na bangka
“marunong ka?” Tanong nito. “Oo sagwan lang naman yan eh” mabilis kong Sagot. Inalalayan ko siyang sumakay sa bangka Matapos ay sumakay na din ako.
“Palagi ka ba pumupunta dito?” Tanong ni Coco. “Ahhhmmmm.. whenever I feel like going,,when I want to be outdoor but at the same time peaceful and quiet nag gigitara lang ako and taking pictures” tumango tango naman ito, “yeah maganda nga mag picture picture dito” nilabas nito ang phone niya and started taking pictures. “Theo smile” I smiled big kasi masaya ako na kasama ko siya. She makes me happy yung ibang level ng happiness. “Marami ka ng dinalang babae dito Theo” tanong nito while taking pictures. “Ikaw palang” nakita ko ang pag sulyap niya saakin at napailing. “Huwag kang sinungaling!! Ihuhulog kita sa bangka” Sabay irap nito saakin.
“I’m serious Coco-ling.. ikaw pa lang ang unang babaeng dinala ko dito.. sabi mo saakin ako ang unang lalaking pinag luto mo kaya I want to return the favor by bringing you here in my safe haven..nakikita mo ba yung bahay doon?” Turo turo ko ang malaking bahay na nasa harap namin. “Yeah ang Ganda pero mukang luma na at walang nakatira” Sagot nito. “That’s my lolo ang Lola’s house too. Ayokong ipagbili at ayoko din ipa remodel marami kasi kaming Masasayang alaala sa bahay na yan eh.” Hinawakan ni Coco ang kamay ko. “Thank you for bringing me here I appreciate it lalo na at special pala ang lugar na ito saiyo” nag katitigan kami saglit tapos nag picture picture nanaman ito.
“Theo selfie tayo” tumayo ito sa bangka at naglakad palapit saakin. “Coco-ling tutumba tung bangka Huwag kang tumayo!!” Bawal ko dito. Pero Huli na at tumaob na nga ang bangka at nahulog kaming dalawa. Pag ahon namin nag katitigan kami at Tumawa ng malakas. Hindi pa din na Awat ito sa pag kuha ng Selfie namin. I held her waist sa ilalim ng tubig at hinila ko palapit saakin. Pinagdikit ko din ang aming ulo. “Smile coco-ling” Bakit ganon parang ayoko na siyang bitiwan.
“Theo papano yan basang basa tayo” natatawa nitong tanong. “Punta tayo sa bahay ng mga Lola doon tayo mag pA Tuyo” nilakad lang namin ang bahay ng lola. Napansin kong yakap yakap nito ang sarili niya habang kami ay naglalakad. “Come here Coco hug me” nagulat ito sa sinabi ko at Hindi alam Kung Yayakapin ba ako oh hindi. Kaya ako na ang yumakap sakanya. I wrapped her arms around my waist at kinulong ko siya saaking mga braso while we’re walking. “Iba na talaga nararamdaman ko kay Coco-ling at gusto ko na ayaw ko ang nararamdaman ko sakanya haayyyy!! Ewan ko!!! Theo-ling na nga ako” Kastigo ko sa sarili ko.
Dhaira
Hindi alam ni Theo na Tuwing nag kakadikit kami parang sinisilaban ang aking katawan tapos super clingy pA niya. “My gosh tino torture mo ako Theo” at the back of my head pakiramdam ko nag kakasala ako kay Apollo. Siguro last ko na tong pag sama ko kay Theo dahil ayokong tuluyang mahulog loob ko sakanya, dahil pag nag ka taon Hindi lang ako ang masasaktan pati si Apollo. Hinayaan ko nalang siyang yakapin ako at yakapin siya. Naramdaman ko pa nga ang pag halik niya sa tuktok ng aking ulo. Ayoko yung nararamdaman ko kay Theo pakiramdam ko ang sama Sama kong kaibigan at girlfriend kay Apollo.
Nang makapasok kami sa bahay ng Lola niya Kaagad itong kumuha ng twalya at roba. “Coco May bathroom doon sa hallway sa right side tanggalin mo muna yung mga damit mo i dryer natin isuot mo muna yung roba” Utos nito. Mabilis ko naman tinungo ang bathroom nila. Nag shower na din ako Matapos ay Sinuot ko ang roba at bịnalot ko ng twalya ang buhok ko. Nang makalabas ako sa bathroom wala pA si Theo kaya nag lakad lakad muna ako. Ang Ganda ng bahay kahit luma sa labas mukang alaga naman sa loob. Nakita ko ang malaking portrait na nakasabit sa wall. Sigurado ako ito ang Lolo ni Theo kamuka niya eh. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang labi ni Theo sa aking tenga. “Sila ang grandparents namin ni Apollo” bulong nito. Yun lang ang sinabi niya pero Bakit parang nag init ang buo kong katawan ang sexy ng pag Kaka sabi niya. “Haaayyyy!!! Baliw na nga ako” pinipigilan ko ang nararamdaman ko kay Theo pero papano ko gagawin yun kung lagi itong dumidikit saakin. “Kamuka mo Lolo mo Theo” Sabay lakad ko palayo sakanya. “Gusto mo ng drinks.. water juice wine beer” alok nito. “Juice nalang Theo.. thank you” Kung mag aalak pa ako lalo lang akong mag iinit. Habang inaantay namin ang aming damit matuyo nag kwentuhan muna kami ni Theo inilibot din niya ako sa loob ng Bahay. “ liblib na lugar to Theo siguro dito mo dinadala mga ka date mo?” Biro ko pero gusto ko lang marinig na ako pa lang ang unang babaeng dinala niya dito. “Hindi no baka multuhin ako ng Lola at lolo kapag nag dala ako ng ka date dito. “So ako palang nadadala mo dito?” Paniniguro ko. “to be honest no.. Meron akong babaeng gustong gusto ko na dinala ko dito pero may ibang mahal eh..” nawala naman ang kilig ko dahil May nauna pala saakin. “Hindi ko nga alam Bakit yung mga nagugustuhan ko laging may ibang mahal” napalingon ako dito at nakita kong Mariin siyang nakatitig saakin. “Sa gwapo mong yan maraming babaeng mag kakagusto saiyo” sabay iwas ko ng tingin. “Ayoko yung gusto nila ako dahil Gwapo ako at isa akong Cervantes” ramdam ko ang pag lapit niya saakin. Hinawakan ang aking balikat habang nakatalikod ako sakanya. “Parang masArap mahalin yung taong ayaw saiyo nung una but when you get to know each other better you started liking each other then fall in love” Sambit nito. Hindi ko alam Anong sasabihin ko kasi guilty ako eh. I hate him so much pero ngayon I’m starting to like him. Ganon din kaya nararamdaman niya saakin. Humarap ako sakanya. “ anong ibig mong sabihin Theo?” Mas lumapit pa ito saakin at at hinawakan ang aking beywang. “What I mean is..” bigla namang ng buzzzz yung dryer pareho kaming nagulat kaya napa bitiw ito sa aking beywang. “F*ck!” Dinig kong mura nito
“Ah Theo Tuyo na yata yung mga damit natin kukunin ko lang ha” mabilis pa ako sa kidlat nilisan ang aming posisyon. Napasapo ako saaking noo. “My gosh ano ba yung eksena namin ni Theo kanina” Hindi ko alam Kung hahalikan ba niya ako oh ano pero sobrang lapit ng muka niya sa muka ko. “Pero Hindi.. imposibleng May gusto siya saakin sabi nga niya saakin Hindi niya ako type” Kastigo ko sa sarili ko. Kapag pinag patuloy ko pa ang pag papantasya kong May gusto saakin si Theo masasaktan lang ako sa Huli. Nang makapag bihis kami pareho nag lakad na kaming muli pabalik sa kotse niya. Tahimik kami pareho hanggang sa makarating sa kotse. He leaned over to put my seatbelt on. “Ah Dhaira send mo sakin yung mga pictures natin” napa Ngiti ako ng maalala ko ang mga pictures namin. “Send ko na ba ngayon?” Excited kong tanong. “Yes please” I sent all our pictures together. Isa isa niyang tinignan ito. Pareho kaming naka ngiti habang pinag mamasdan ang mga pictures namin.
“I love this one Coco” pinakita nito ang picture naming dalawa nung nahulog kami sa bangka. “ yeah it’s nice I love it too” naka ngiti kong Sagot. Nakita kong ginawa niya itong screen saver sa phone niya. “Theo baka May makakita niyan nakakahiya baka ano isipin nila” binaba nito ang phone niya na parang walang narinig. He started the engine at nag simulang mag drive. “I’m serious Theo.. papano kung makita ni Apollo yan Anong iisipin niya” mariin kong tanong. “What if I don’t care? What if I want to keep it as my screen saver? What are you gonna do about it?” Seryoso din nitong tanong.