Dhaira
“What?!.. Bakit sasama mo pa ako? Ayokong makita yung hambog mong pinsan” protesta ko. Hinawakan nito ang kamay ko at pinag saklop. “Tara na sa kotse mo.. doon na tayo mag usap” sabay hila saakin. Siya narin ang nag prisinta na mag drive. Tahimik ako dahil medyo Naiilang pA din ako ng konti sobrang gwapo kasi eh.
“Theo is like my brother Coco.. katulad natin we keep in touch simula ng nag tungo ako sa US mabait yun pag nakilala mo siya yeah he’s crazy sometimes pero trust me he’s very like me too” sinulyapan ko ito at inirapan.
“Apollo Kung mag Kaugali kayo ni Theo Hindi kita kakaibiganin noh” natawa ito sa sinabi ko at hinawakan muli ang aking kamay. “Just give it a shot.. you two are one of the most important person in my life kaya sana mag kasundu kayo please” Sabay halik sa kamay ko. Papano ba naman akong makakatanggi sa ganito kagwapong nilalang. “Ok.. but I’m doing this for you Apollo dahil tinutulungan mo din ako sa problema ko..” masungit kong Sagot. “Ang cute talaga ng girlfriend ko” bakit ganon sarap pakinggan. Damang dama ko ang sinseridad niya sa mga kilos niya at salitang binibitawan niya or sadyang hopia lang ako. “ Didiretso ba tayo sa bahay niyo Coco or sa condo ko?” Tanong nito. “Ahh sa condo mo nalang I think you need to rest first Mukang pagod kana next time na yung sa mga magulang ko. Unahin natin yung pinsan mong mayabang” sinulyapan ako nito at muling ngumiti. Parang aliw na aliw itong Naiinis ako sa pinsan niya. Nang makarating kami sa condo niya nag paalam na din ako.
“Hindi na kita ihahatid sa loob ng condo mo ha.. kailangan ko na din umuwi eh.” Napakunot ang noo nito.
“Why? You don’t want to spend time with me kahit sandali lang?” Parang bata itong nagtatampo
“May dinner date pa tayo diba kasama yung pinsan mo.. so you need to rest” paliwanag ko
“Please coco kahit sandali lang I miss you I want to spend more time with you” at ayun na nga ang babaeng marupok Sumama sa loob ng condo.
“Ganda ng condo mo Apollo.. saiyo ito? Kailan pa?” Usisa ko. “Ohh.. matagal tagal na din.. I bought it para pag nauwi ako I have my own place to live” Sagot nito. “Ang linis niya parang May Nakatira” napaka usisera ko talaga dahil para akong nag condo raid.
“Yeah once a month May nag lilinis dito and bago ako umuwi nag pa grocery na din ako.. do you want something to drink?” Tumango ako. “Juice please” Sinundan ko ito sa kitchen niya. “Gusto mo pag Luto kita? Gutom kaba?” Tanong ko kay Apollo. Nag salin ito ng juice sa baso sabay abot saakin. “No I’m fine Coco thank you though.. ikaw gutom kaba?” May halong pag aalala ang tanong nito. “Ha? Hind busog pa ako thank you” biwisit ang awkward sobra. Nag lakad ito patungo sa living room kaya Sinundan ko ito. He opened his suitcase. “I have something for you Dhaira” excited nitong saad. “Naku ikaw talaga Apollo nag abala kapa.. lam mo naman ikaw lang sapat na” napalingon ito saakin. Huli na para bawiin ko ang mga salitang binitiwan ko. “ I know Coco.. ako din having you in my sight is enough and gives me comfort.. but this one is very special pina custom made ko.” inabot nito ang pahabang black na velvet box. I opened the box at isang gold necklace ang laman na May heart pendant at may mga diamond sa gilid. Sobrang Ganda at Mukang mamahalin.
“Buksan mo ang pendant nabubuksan yan” Utos nito. Nanubig ang mga mata ko ng makita ko ang picture sa loob ng pendant. “ it’s the same picture I have in my Wallet Apollo” Sambit ko. it’s our last picture together bago siya pumunta sa Amerika. “Alam mo ba Dhaira.. that day is still fresh in my mind.. dahil it’s the saddest day of my life knowing I’m leaving you” Hindi ko na napigilan ang mga luha ko na magbagsakan because I felt the same that day. “Ako din Apollo.. pakiramdam ko pag umalis ka wala nang mag tatanggol saakin” he wiped my tears at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. “Ano bang sinasabi mo diyan.. Ikaw nga lagi nag tatanggol saakin noon” mas siniksik ko pa ang Ulo ko sa leeg niya. “That’s what you think.. pero ang Hindi mo alam you always protect me emotionally.. when I’m with you I never felt sad I’m always happy.. kapag may nang bubully saakin yeah I can protect my self physically pero emotionally you protected me I can be myself when I’m with you because you never judge me and I know you love me for who I am” mas humigpit pa ang yakap nito saakin. “ that’s why I’m back my Coco to make sure you will be happy for the rest of your life I want to make sure that someone will take care and love you” sobrang sweet talaga ni Apollo. Walang babaeng Hindi mag kakagusto sakanya. Sana nga siya nalang mag alaga saakin at mag mahal forever. Tinignan ko muli ang pendant.
“Bakit walang picture yung isang side?” Taka Kong tanong. He just smiled and kiss my forehead.
“You’ll know what to put in there someday” makahulugang Sagot nito.
Nang makauwi ako sa bahay ay agad akong sinalubong ng mommy.
“Anak kasama Mo naba ang boyfriend mo?” Excited na tanong nito. “Ah Hindi po mommy hinatid ko muna po sa condo niya para makapag pahinga tapos po May dinner kami mamaya with his cousin” kay lapad ng ngiti ni mommy ng marinig ang tinuran ko. “You look beautiful sa suot mo iha.. what about dinner with us kailan ?” Usisa ng mommy. “Ahh.. kailan po ba niyo gusto?” Nag lakad na ako paakyat sa kwarto ko at nakasunod naman ang mommy. “ tomorrow dinner time ok Lang ba?” Mabilis nitong sagot. “Ok po sabihin ko kay Apollo” nakita kong Tuwang tuwa ito at excited. “Perfect.. ano bang paboritong kainin ni Apollo para yun ang pA Luto ko” nagtungo ako sa walk in closet ko to get my clothes that I’m going to wear for the dinner. “ kahit ano po mommy Hindi po maselan si Apollo at Wala din po siyang allergy” nakita nito ang inilabas kong damit. “Dhaira Bakit yan ang isusuot mo sa dinner nakakahiya sa pinsan niya mag bibihis lalaki ka” napa Ngiti ako ng pilit sa sinabi ng mommy. Ito ang ibig kong sabihin kay Apollo kanina. Kapag May mga taong Kung maka judge dahil lang sa suot ko si Apollo ang nag bibigay saakin ng assurance na I’m beautiful In my own way he protected me mentally and emotionally. “Ayaw po ni Apollo na nag susuot ako ng pang babae kapag May ibang lalaki kaming kasama” kaila ko. “ oh really?! Kaya ka ba ng bibihis lalaki dahil your boyfriend is getting jealous..oh my he so sweet” nag nininingning ang mga mata nito. In love din Yata ito kay Apollo. Sigurado ako dahil sa abs ni Apollo yun ahaha.
Tinext nalang ni Apollo ang address ng restaurant dahil susunduin daw siya ni Theo ất Sabay sila pupunta sà restaurant. Nang makarating ako sa restaurant naka Ilang buga muna ako ng hangin bago bumaba ng sasakyan dahil alam kong maiimbyerna lang ako Kay Theo but for my Apollo I will try my best na Hindi patulan yung pinsan niya. Pumasok na ako sa loob ng restaurant. Sinalubong ako ng waitress “ahh may I help you” tanong nito
“Yeah reservation for Apollo Cervantes I’m Dhaira Velasquez” Sagot ko
“Oh yeah mam come here this way please” Sinundan ko ang babae at mayamaya lang natanaw ko na yung gwapong boyfriend ko kasama yung pinsan niya feeling ko eh noh. Huminga ako ng malalim bago ako lumapit sa table nila. Apollo wave at me at agad tumayo at lumapit saakin.
“Hi.. I miss you” bati nito sabay kiss sa pisngi ko.
“I miss you too.. you’re drinking?” Nag paawa face naman ito dahil alam niyang ayaw ko siyang umiinom.
“Konti lang champagne lang” pinag saklop nito ang aming kamay at nag lakad patungo sa table nila. “ Theo meet my girl Dhaira” nang magtama ang mga mata namin ni Theo nakita ko Kung papano nawala ang ngiti nito.
“She’s your girl?” Hindi makapaniwalang tanong nito.
“Yeah she’s my CoCo” Sagot naman ni Apollo. Tumawa naman si Theo ng nakaka insulto.
“Coco? Baka Coco-ling .. dahil may kuliling yan eh” Hindi na ako nakapag pigil ất sinagot ko ito. “Excuse me!! Baka ikaw ang may tuliling Theo-ling!” Sabay irap ko. “Theo please konting respeto naman.. she’s my best friend..She’s my girl” Napa sulyap kaming pareho ni Theo kay Apollo. Nakakahiya naman talaga inasal namin ni Theo para kaming mga bata. “Dhaira please sit down first” Utos ni Apollo. “Sisimulan ko ulit.. Dhaira si Theo ang aking pinsan he’s like a brother to me.. Theo si Dhaira my best friend and my girl” Hindi ako kumibo at Hindi din kumibo si Theo.
“Oh common you two para kayong mga bata kakadating ko lang oh.. pareho kayong importante saakin mahal ko kayang dalawa so Im hoping you guys will get along” napailing si Theo matapos ay nag salita ito.
“Nice meeting you Dhaira” ayoko mang sumagot pero kailangan eh.
“Nice meeting you too Theo.” Sagot ko. “ great! Ahh.. coco punta lang akong CR ha” paalam ni Apollo. “Sama ko?” Nagulat naman ito sa sinabi ko. “I mean CR din ako” pagtatama ko. “Don’t worry Dhaira Hindi ako nangangagat.” Biro ni Theo. “Just stay here talk to Theo para makilala niyo ang isat isa” wala na akong nagawa Kung Hindi sundin si Apollo. Nang makaalis si Apollo ang tahimik namin ni Theo walang nag sasalita hanggang sa ito na ang bumasag ng katahimikan.
“So paano kayo nag kakilala ng pinsan ko sa Dangwa din ba?” May laman ang ibig sabihin nito pero Hindi ko ma gets.
“No..” Maiksi kong Sagot.
“Siguraduhin mo lang wala kang masamang intensiyon sa pinsan ko lagot ka talaga saakin” banta nito.
“Excuse me!!! Ako May Masamang intensiyon baka ikaw!!” Galit kong Sagot. “Ako?! Kanino saiyo ? Sa gwapo kong ito?!!” Sarkstiko nitong sagot. “Gwapo? ikaw? Baka gago.. Wala ka nga sa kalingkingan ni Apollo eh gwapo na mabait pa!!” sasagot pa sana ito pero dumating na si Apollo. “Ok.. are you guys ready to order?” Hindi ako kumibo dahil Naiinis na talaga ako Kay Theo.
“Hey are you ok May ginawa ba si Theo saiyo?” Tanong ni Apollo.
“I’m ok Apollo ikaw nalang mag order ng food ko you know what I want anyway” nakangiti kong sagot. “Ok Coco” He then kissed my forehead sa harap ni Theo kaya dinilaan ko ito. Napailing naman si Theo. “Well I’m hoping na while I’m here sa Pinas we can all spend time together kaya may mga plano akong puntahan and I hope makasama kayong dalawa”
“What?!!” Sabay pa kaming na what ni Theo.
“Bakit kailangan tayong tatlo pa pwede namang tayong dalawa tapos mag plan ka ng sainyong dalawa ni Coco-ling” protesta ni Theo.
“Kung ayaw mo akong kasama mas ayaw kitang kasama noh!!! Theo-ling!!” Naiinis Kong Sagot. “You two are starting again.. it doesn’t make sense na mag kaiba pa ang schedule lalo na Kung pareho lang ang pupuntahan.. but I can’t force you guys kung Hindi sasama ang isa sainyo hindi ko na lang tutuloy ang Plano ko” malungkot na Sagot ni Apollo. Narinig ko ang pag buntung hininga ni Theo. “You’re really good at that Apollo mang guilt trip!! Ok I’ll go kahit saan pa yan at kahit sino pang kasama natin” tinignan naman ako ni Apollo waiting for my answer.
“Ok” tangi Kong Sagot.