Sobrang lagkit ng kanyang ulo at katawan dahil sa tumapong iced choco. Malamig din iyon dahil sa yelo na kasama nitong nabuhos sa ulo niya. Pigil ang kanyang luha habang pinupunasan ang sarili. Naaawa siya sa sarili lalo na at ang lahat ng mga mata ng mga estudiyante sa canteen na iyon ay nasa kanya. Iyong iba ay parang tuwang-tuwa pa sa nakikitang itsura niya. Para bang sinasabi pa ng mga ito na dapat lang sa kanya ang kanyang sinapit. Wala man lang mababakas sa mukha ng mga ito na kahit kaunting simpatya sa nangyari sa kanya. “Siraulo talaga iyong babaeng iyon!” inis na sabi ni Kelly sabay baling sa kanya. “Ayos ka lang ba?” “Naku, pasalamat siya inilayo na siya ni Robert kung hindi, nasabunatan ko talaga siya!” sabi ni Kelly na gigil na gigil. “Mabuti pa, magpalit ka na ng damit. May

