“Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang isang tulad mo ay pinag-aagawan ngayon ng dalawang guwapong lalaki?” ani Kelly sa kanya na tila malalim ang iniisip. Nakalagay pa sa baba nito ang mga daliri at bahagyang pinipitik. Nakatingin rin ito sa taas na para bang doon nito makikita ang sagot. Naroon sila ngayon sa hidden pavilion. Tapos na ang kanilang lunch kaya naman napagpasyahan nilang doon na magpalipas ng oras habang hindi pa nag-uumpisa ang kasunod na klase para sa hapon. “Huwag mo na kayang aksayahin ang pag-iisip mo sa bagay na iyan. Ang mabuti pa magbasa-basa ka ng libro baka biglang magkaroon tayo ng surprise quiz sa Araling Panlipunan,” sabi niya na lang kahit ang totoo, ginugulo rin ng isiping iyon ang kanyang utak. Hindi pa rin siya makapaniwala na para ngang pinag-aagaw

