Chapter 3

1919 Words
Jirah Pagkatapos ng pag uusap namin ni ate Ella ay bumalik na kami sa dorm at niyaya na ako na matulog. Doon na lang daw ako sa kwarto niya mag stay since mag isa lang siya sa kwarto. May bago na daw na roommate si Marge, yung isang sophomore na hindi ko kilala na ka batch nung ibang nasa sala kanina. "Kailan ka maglilipat ng gamit?" tanong ni ate Ella habang binubuksan ang pinto. "Bukas siguro, pagkatapos ng training," makita ko kaya sa gym si Julia bukas? Mukhang athlete naman siya dahil naka pang training siya at may hawak na gym bag. Ewan ko ba, hindi siya mawala sa isip ko eh, lalo na yung singkit niyang mata tapos ang ganda niya lalo pag galit. Pagkapasok namin ay nakita namin si Marge na nanonood sa sala. "Bebe Marge, bakit gising ka pa?" si ate Ella habang  kumukuha ng tubig sa ref. Nakatayo lang naman ako doon at nakatingin kay Marge. Pagbalik niya ay mukhang naramdaman niya ang tension sa'min ni Marge at nagpalit palit ng tingin sa aming dalawa. Tumayo si Marge at pumunta sa kusina. Sinundan naman namin siya ni ate Ella at umupo sa harap ng mesa. "Kumain ka na ba, Ji?" tanong ni Marge habang tumitingin ng makakain sa ref. Bago pa ako makasagot ay sumingit na si ate Ella. "Ako, di mo tatanungin, Margarita?" "Hindi," bale walang sabi ni Marge at patuloy lang sa paghalungkat sa ref. "Did you eat na, Ji?" ulit na naman siya. Siniko ako sa tagiliran ni ate Ella kaya tiningnan ko siya, she mouthed 'tinatanong ka' sa akin bago ko ibinalik ang tingin kay Marge. Narinig ko naman, hindi lang akong sumagot dahil di pa din ako makapaniwala na kinakausap na niya ako. "Hindi pa, besh," sagot ko. Nalabas si Marge ng bacon at kumuha ng pan. Napangiti naman ako, favorite ko kasi yon. "I'll cook for you, you should eat bago matulog." "Marge ako, ipagluluto mo din?" kulit talaga ni ate Ella. "Hindi. Kumain na daw kayo sa labas sabi ni ate Den kanina, si Jirah lang ipagluluto ko dahil hindi niyo naman daw siya kasamang lumabas," paliwanag ni Marge. Nag pout si ate Ella at tumayo na. "Bahala na nga kayong dalawa dyan. Good night," nagdadabog na umakyat na siya iniwan kami ni Marge. Lumapit naman ako at tumayo sa likod ni Marge. Nakatayo lang ako doon habang nakapamulsa ang mga kamay sa likod ng pantalon ko. "Besh, kakausapin mo na ba ako?" nahihiyang tanong ko. Baka kasi ayaw niya pa din akong kausapin eh. "After you eat," hindi man lang ako nilingon. Naglakas na ako ng loob at yumakap sa likod niya. "I'm sorry, besh. Patawad na po, please," malambing na sabi ko kanya. "Magpapaliwanag ka pa sa'kin kaya wag kang magapa cute dyan. Umupo ka na." saway niya pero nararamdaman ko na naka ngiti siya. Bumitaw ako sa kanya at mabilis na bumalik sa upuan ko. Mahirap na baka magbago pa isip eh. Habang kumakain ako ay pinagmamasdan ako ni Marge kaya na conscious tuloy ako bigla,"bakit ka nakatitig, besh? Ang cute ko ba masyado?" Tumaas naman ang kilay niya at hindi sumagot, itinuro lang niya ulit ang pagkain ko. "Para nagtatanong lang eh," bulong ko. Pagkaubos ng pagkain ko ay saka ulit nagsalita si Marge. "I'm sorry, Ji," malungkot na sabi niya. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Bakit ka nagso – sorry? Wala ka naman kasalanan sa'kin, ako nga yung may kasalanan sa'yo o." Hinawakan ni Marge ang kamay ko,"hindi, besh, alam mo nagalit ako sa'yo nung umalis ka at hindi sinagot ang mga tawag ko, sabi ko noon sa sarili ko ang selfish mo pero ngayon na tinitingnan kita na realize ko na ang selfish ko din pala." "Anong sinasabi mo, besh?" "You look happy right now, maaliwalas yung mukha mo, not like nung few months bago ka umalis na parang ang bigat bigat ng dala mo, and I know it's because of me. Ang inconsiderate ko sa feelings mo, nagtapat ka sa'kin and you asked for space nung sinabi ko na hanggang kapatid lang ang turing ko sa'yo pero hindi ko binigay. Natakot kasi ako na baka iwan mo ako, at yon na nga yung nangyari,." "Wala kang kasalanan doon, I left because I had too, besh. I needed it, gusto kong hanapin yung sarili ko at nahanap ko naman kaya ngayon bumalik na ako sa inyo. Sa iyo," paliwanag ko. "Patatawarin kita basta hindi ka ulit aalis. Mag promise ka, Jirah." Natawa ko, "I promise, saka may hahanapin pa akong tao." "Sino naman?" curious na tanong niiya. Si Miss Sungit, sagot ako sa isip ko pero hindi ko na pinarining. "Besh, matutulog na ako, bukas na tayo magkwentuhan ulit ah." "Doon ka na sa room ko, tulog na si ate Ella for sure, wag mo na gisingin, and makakapag catch up pa tayo." "Okay pero paano yung roommate mo?" "Si Jia? Hindi naman siya umuwi, you could sleep in her bed." "Jia? Ang cute naman ng name niya." "Oo, mabait yon, for sure magkakasundo kayo. Let's go?" Humiga ako sa kama nung Jia habang nasa bathroom si Marge. At paghiga ko parang familiar yung amoy. Ang bango naman, naalala ko na naman si Julia, parang ganito yung amoy niya eh. Napailing ako, kailangan ko na  talagang makita siya. Kinuha ko sa bag ko yung I.D niya na nahulog niya at pinagmasdan siya. Julia Melissa C. Morado. Kailan kaya kita ulit makikita? *** Pagkagising ay nagpaalam ako na pupunta sa therapy ko at susunod sa gym para manood ng training. Habang nasa therapy ay iniisip ko kung paano ko makikita ulit si Julia at maibabalik ang I.D niya. I really wanna see her na, lalo na yung maganda niyang mata. Okay lang kaya siya? Masungit pa din kaya siya sa'kin pag nakita ko siya ulit, kung ipagtanong ko kaya or magpatulong ako na hanapin siya? Wag na baka magka crush pa sa kanya yug tutulong sa'kin. Ako lang dapat ang may crush kay Julia my love. Kinikilig na naman ako kaya nagulat ako nang madiinan ni kuya therapist yung paa ko. "Aray naman,kuya, dahan dahan naman," reklamo ko. "Ang likot mo kasi eh, naiihi ka ba?" "Hindi, kuya, kinikilig lang, ang dami mong alam eh. Tapos na po ba?" Napakamot na lang si kuya ng ulo, "sige, sige alis na, bumalik ka day after tomorrow." "Okay, kuya, salamat." Dali dali akong umalis at pumunta sa gym. Nakita ko naman agad ang mga teammates ko na abala sa pag eensayo. Nakuha naman nung setter sa court nila ate Ly ang attention ko. Ang graceful naman mag set nito, at ang bilis ah. Parang familiar siya pero di ko masyadong makita yung mukha dahil medyo malayo. "Jirah!" Naalis ang tingin ko sa babae nang tawagin ako ni coach Parley, yung assistant coach ng team. "Hi, coach, kamusta po?" bati ko sa kanya. "Guma gwapo ka yata lalo, coach, iba talaga pag Champion," natawa naman si coach sa sinabi ko. "Makulit ka pa rin, nasabi na ni boss Sherwin na babalik ka na daw pero di pa makaka train masyado, pwede ka na ba sa mga drills?" "Pwede na, coach, pwede na po ba akong magsimula?" "Ipapakilala kita sa main setter natin, kilala mo naman na si Gizelle dahil batch mate ka'yo, kay Jia na lang," tinawag ni coach yung Jia na kalaro pa din nila ate Ly, ako naman ay inikot ang paningin ko sa gym. "Yes, coach?" sabi nung tinawag at agad na bumalik yung tingin ko sa kaharap ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino yung nagsalita. Shocked din naman na nakatingin lang siya sakin, I flinched nang makita ko yung maliit na band aid sa gilid ng ulo ni my love. "Jia, this is Jirah, kababalik lang niya sa team galing kung saan. Jirah this is Jia, setter natin, maging mabait ka sa kanya para bigyan ka ng set sa practice," yon lang at tatawa tawang umalis na si coach Parley at iniwan kami. Jia and Julia, bakit ba hindi ko naisip na pwede palang Jia ang for short ng Julia? Pambihira naman. "You!" Nagulat ako nang ituro ako ni Julia. At siyempre, galit na naman po siya. "Me?" tanong ko naman. "Ikaw yung stupid na may gawa sa'kin nito," itinuro niya yung sugat niya sa ulo. "I'm sorry, hindi ko naman sinasadya eh. I'm Jirah nga pala," inilahad ko yung kamay ko para sana makipag shake hands pero inirapan lang niya ako at nag crossed arms. Natulala na naman tuloy ako. Maya – maya ay napapadyak si Jia sa frustration at ibinaba ang kamay ko, "para kang tanga, bakit mo ba ako tinititigan, huh?" "Ang ganda mo kasi eh," sincere na sabi ko. Medyo namula naman si Jia. Yes, score for Jirah! "Wag mo nga akong binobola, at wag kang magpa cute kundi tutusukin ko yang mata mo," ang sungit niya po. "Nagsasabi lang ako nang totoo, ang ganda mo, lalo na pag galit ka. Well, di pa naman kita nakausap ng di ka galit eh so..." hindi ko na tinuloy yung sasabiihin ko dapat dahil ang sama na talaga ng tingin niya sa'kin. Kakainin na yata ako ng buhay, di bale, maganda pa din siya. "Uh, how's your head?" "May sugat, obvious ba?" Nagtatanong lang eh, bulong ko. "May sinasabi k aba?" "Wala po, miss Jia." Sasagot pa sana siya pero narinig ko ang pangalan ko na tinawag ni besh. Napangiti ako. Nagpalipat lipat ng tingin sa'kin at kay Marge si Julia bago hinawakan ang mukha ko ng dalawang kamay at iniharap sa kanya. "Wag kang ngumiti, mukha kang tanga," inilagay ko ulit ang mga kamay niya sa mga pisngi ko saka ngumiti ulit. "I like your hands, malambot. Dyan na lang yan forever." "Heh, manahimik ka," may sasabihin pa sana siya pero nakalapit na sa'min si besh kasama si ate Ella. "Hi besh, hi Jia, magkakilala na kayo?" tanong ni Marge. "Ipinakilala kami ni coach Parley," bakit ang bait ng boses niya sa iba sa'kin ang sungit. "Baby Ji, musta therapy," tanong ni ate Ella. "Okay lang, masakit." "Besh, lilipat ka na sa dorm? Si ate Ella daw ang roommate mo, nga pala kay Jia yung bed kung saan ka natulog last night, mag thank you ka sa kanya. Tara na, ate Ells, tawag na tayo," at hinila na niya si ate Ella paalis. "You slept in my bed?!" hayan, kapag ako yung kausap balik sa pagiging amazona pero sa ibang tao naman ang bait. Hay nako. Itinaas ko ang dalawang kamay ko,"hindi ko naman alam na sa'yo yon." "Wag mo nang uulitin yon, kundi patay ka sa'kin," tss. Sungit. "Oo na. Sasama ka ba kung aayain kitang lumabas?" "Hindi," sagot niya at naglakad na pabalik sa court. Sinabayan ko naman siya. "Bakit naman hindi?" "Wala kang pakialam. Wag mo akong sundan." "Hindi kita sinusundan, papunta din ako dyan," Bigla na lang siyang huminto at tiningnan na naman ako ng nakamamatay niyang tingin na wala naman epekto dahil nagagandahan lang ako lalo sa kanya. "Basta wag kang sumunod," yon lang at nagakad na siya ulit. Naiwan na lang ako na sinusundan siya ng tingin. "Ji, magkakilala na kayo dati ni Jia?" tanong ni ate Ella na nakalapit na pala sa'kin. "Hindi no, bakit?" "Para kasing galit siya sa'yo eh, anong ginawa mo? Super bait kaya ni Jia." "Wala akong ginawa, ate Ella. Dyan ka na, susuyuin ko pa si Jia ko." "Hoy, hindi sa'yo si Jia," pahabol pa niya. Hindi pa. Sa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD