TANGHALI na nagising sina Nathan at Samantha. Mainit na rin ang sikat ng araw na tumatama sa kanilang balat. Ngunit pareho parin silang inaantok, dahil sa pagod at puyat nila sa buong magdamag. "Good morning hon..." pagbati ni Nathan sa asawa. Hinalikan din niya ito sa pisngi at hinawi pa ang buhok nito na tumatakip sa kanyang mukha. "Morning..." sagot din ni Sam. Nakapikit pa rin siya, dahil gusto pa niyang matulog. Masakit din ang buo niyang katawan, dahil sa mga ginawa nilang mag asawa kagabi. Masakit din ang kanyang gitna. "Gutom kana ba? Gusto mong magpadala ako ng pagkain natin dito sa room?" tanong ni Nathan. "Hhm." tugon ni Sam, tumango din siya, upang malaman ni Nathan na gusto niya ng kumain. Agad na tumawag si Nathan sa intercom, upang madalhan sila ng pagkain sa loob n

