LYNDSAY'S POV SPEACHLESS ako habang pinagmamasdan ko ang aking mga anak. Hindi ko rin inakala na makaka buo kami ng asawa ko ng quadruplets. Hindi rin naging madali sa akin na dalhin sila sa aking sinapupunan ng siyam na buwan. Halos hindi ako makagalaw noong mag pitong buwan na ang tiyan ko, dahil sa laki. Mabuti na lang at laging naka alalay sa akin si Luke, ganon din sina Mommy at Daddy. Napaka suwerte ko, kasi sila ang naging biyanan ko. Mahal na mahal din nila ako. Sa kanila ko naramdaman ang pagmamahal na hinahanap ko sa isang magulang. Kahit lumaki ako na walang magulang ay mapalad parin ako, dahil sila ang ibinigay sa akin ng maykapal na maging inlaws. "Hija, bakit ka umiiyak?" nag aalalang tanong sa akin ni Mommy. Agad ko naman pinunasan ang luha ko. Hindi ko pala namalayan

