HINDI TUMIGIL sa paghahanap ang mga tauhan ni Nathan. Pati sina James at Dylan ay pumunta na rin sa pinangyarihan ng pagsabog. Hindi rin sila naniniwala na patay na si Nathan, dahil alam nilang magaling ito sa paglangoy sa dagat. Isa ito sa naging training noon ni Nathan ang lumangoy sa dagat na walang oxygen. Ilang bases din niyang tinawid ang isang island sa Thailand noon, nagte- training pa lang siya, para maging isang Mafia. Hindi rin biro ang naging training ni Nathan, ngunit naipasa niya lahat ang mga pagsubok sa kanya. Kaya naniniwala si James na naka ligtas ang kanyang panganay sa pagsabog. "Ikutin n'yo ang buong paligid. Baka naka ahon siya at nasa gilid lang na nag papahinga." Utos ni James sa kanilang mga tauhan. "Yes Master!" sagot naman nila sa kanya. Agad din nagsikilos

