"Stùpidò!" sigaw ng ama ni Luke, kasabay ng malakas na pagsampal nito sa mukha ng binata. Galit na galit siya, dahil sa biglang pag cancel ni Lyndsay sa kasal nila ng anak niya. Hindi na rin nila mahagilap si Lyndsay, kung nasaan na ito. Sarado na rin ang bahay ng dalaga at walang makapag sabi kung saan ito pumunta. "Sorry, Dad! Hindi ko naman alam na pupunta sa condo ko si Lyndsay at makikita niya ako sa akto. Alam ko kasalanan ko ang lahat! Kung hindi sana ako pumayag sa plano nila Liam at Mark na magkaroon kami ng Stag Party sa Condo ko. Siguro hindi mangyayari ito at hindi magagalit sa akin si Lyndsay. Hindi sana niya ako iniwan." umiiyak na sagot ni Luke sa ama. Lumuhod din siya sa harapan ng mga magulang, habang umiiyak. "Ano na lang ang sasabihin ng mga kakilala natin? Alam pa n

