"Last night na natin ngayon. Kaya dapat sulitin natin ang mag damag na 'to. Baka pag balik natin sa bahay ay hindi na naman ako maka score, dahil sa anak natin." wika ni Luke, habang hinahalikan ako sa labi. Kasalukuyan kaming naka babad ngayon dito sa Jacuzzi Bathtub ng room namin. Ine-enjoy namin ang maligamgam na tubig ng Jacuzzi, habang umaandar ito at nagbubuga ng malakas na tubig sa aming katawan. Nakaka relax ang hatid nito sa katawan, dahil parang menamasahe nito ang aming katawan. Hinila din ako ni Luke, palapit sa kanya. Agad naman akong lumapit at yumakap ako sa kanyang malaking katawan. Ipinilig ko rin ang aking ulo sa kanyang dibdib. Agad naman na hinawakan ni Luke ang baba ko, at inangat ang mukha ko palapit sa kanyang mukha. Hinalikan din niya ang lips ko na naka awang

