Chapter 44

1119 Words
Hunter Kinabukasan... “Gising ka na pala.” Pagbati ko kay Jinie ng pumasok ito sa kusina habang nagluluto ako ng agahan. “Arghhh!” mahinang anya nito. “Hangover?” tanong ko. Pagkayaring magluto, inaya ko na siya para kumain. Tahimik naman itong umupo sa hapag habang hawak pa rin ang kaniyang ulo. “Pagkakain mo inumin mo itong gamot na to sa para sa hangover.” Pag-abot ko sa kaniya sa gamot habang patuloy siya sa pagkain. Alam ko na sasakit ang kaniyang ulo dahil sa dami ng ininom niya kagabi kaya naisipan ko na rin siyang bilhan ng gamot ng mag-grocery ako. Kanina ko pa napapansin ang pag-iwas nito ng tingin sa akin. Kapag tatanungin ko ito, tatango lamang o hindi sasagot ang kaniyang pagrespond. Nang matapos kumain agad ko ng niligpit ang pinagkainan habang siya ay pumunta sa banyo.   Ilang minuto din ang tinagal niya sa banyo ng lumabas siya. Naabutan niya ako sa sala na prenteng nakaupo habang kanina pa siya hinihintay para kausapin. “Siguro naman makakausap na kita ng maayos ngayong hindi ka na lasing.” Seryosong anya ko habang nakahalukipkip ang kamay. Tumango naman ito bilang sagot at tahimik na umupo sa aking harapan. “May problema ba sa mansiyon?” bungad na tanong ko habang nakatuon sa kaniya ang tingin. “Alam kong hindi lang dahil sa takot kang iwasan ng mga kaibigan mo kaya ka sumama sa kanila.” Iniangat nito ang tingin sa akin at nagsimulang magsalita. “Si Papa at Mama nagsisimula na naman silang magtalo.” Mahinang anya nito. “Palagi ko na lang naririnig ang pag-aaway nila dahil madalang na lang umuwi sa mansiyon si Papa.” Napakuyom ang kamay ko dahil sa narinig. Siguro pinupuntahan na niya ang anak niya sa labas. From that thought, hindi ko maiwasang lalo pang magalit kay Papa. Paano niya nagagawa na lokohin ang pamilya niya. “Kamusta si Tita?” nagaalalang saad ko. Pagkarinig sa pangalan ng kaniyang Mama, bumagsak ang mga luhang kanina pa pala nito pinipigilan. “Nag-iba na si Mama.” Panimula nito. “Hindi na siya kagaya ng dati na palaging masaya, madalang siyang lumabas ng kuwarto maging ang pagkain nakakalimutan na din niya.” Patuloy na iyak nito. “Nag-aalala ako kay Mama.” Pag-iyak nito. Tumiim ang bagang ko mula sa narinig sa kaniya. “I want you to listen to me.” Pagtawag ko sa kaniyang pansin. Humihikbing nakinig naman ito sa akin. “I want you to monitor Dad and update me, everytime.” “I want you to stay strong for Tita, I will figure this out okay?” mahinahong saad ko. “Come here.” Pagkalapit niya sa akin agad ko siyang niyakap. “Trust Kuya.” Mahinang bulong ko dito. Tumango naman ito bilang sagot.   Dahil sabado ngayon inihatid ko na si Jinie sa mansiyon at baka nag-aalala na sa kaniya si Tita. Hindi na ako bumaba ng taxi pagkahatid sa kaniya. Maya-maya pa nakatanggap ako ng tawag mula kay Cole. “Why?” bored na anya ko pagkarating sa condo. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ang bumungad sa akin ay si Cole na tanging boxer laman ang suot. “What the-“ gulat na anya ko. “What are you doing here?” nagtatakang saad ko at ibinaba na ang tawag dahil nasa harapan ko na ang tukmol. Nagtanong pa ako, nalaman nga pala niya ang passcode ko nung minsang may nakalimutan ako na project at ipinakuha sa kaniya dahil siya lang ang available ng mga oras na yun. Dapat pala ibahin ko na at walang privacy privacy sa mokong na to. Agad naman siyang lumapit sa akin at hinawakan ang aking mukha. Napalayo naman ako kaagad dahil sa kaniyang inakto. “Saan ka nagpunta kagabi? Hinanap ka namin nila Caden nawala ka bigla.” Saad nito habang patuloy pa rin sa pag-suri sa akin. “Tumigil ka nga.” Napipikang wika ko. “May emergency lang.” Paliwanag ko at saka siya nilagpasan at tumuloy sa kusina para kumuha ng tubig. Sumunod naman ito sa akin. “Hindi ka man lang nagsabi.” Tila nagtatampong anya nito habang nakatingin sa akin. “Shut up Cole!” “If I know the three of you were busy with your girls that you didn’t came back to our sits.” Litanya ko pagkainom ng tubig. “Paano mo nalaman?” nagbibirong saad naman nito. Napailing naman ako sa kaniyang litanya at naisipang manuod na lamang ng T.V kaysa kausapin ito dahil wala naman itong kuwentang kausap. Agad naman itong tumabi sa akin at kinuha pa mula sa kamay ko ang kinuha kong junk food. “Alam mo Hunter? Kulang ka sa lambing kaya ang cold mo.” Wika nito habang nasa telebisyon ang atensiyon. “Whatever.” Litanya ko at iniwan siya sa sala at tumungo sa kuwarto para magpahinga. Hindi ako gaanong nakatulog kagabi dahil inasikaso ko si Jinie at ilang beses itong sumuka dahil sa hangover. Naalimpungatan lang ako ng may marinig na nagdodoorbell sa pinto. Pagtingin ko sa oras, 2 pm na pala. Nakalimutan ko ng mananghalian dahil sa puyat. Naghihikab na bumangon na ako. Pagkarating sa sala wala na doon si Cole. Tiningnan ko mula sa peephole kung sino yung kumakatok. “Bakit?” pagbungad ko kay Jinie pagkabukas ng pinto. “Kanina pa ako tumatawag sayo.” Panenermon nito pagkapasok sa loob. “Nakatulog ako.” Litanya ko. “Teka nga bakit ka nandito? Kakahatid ko lang sayo kanina diba?” nagtatakang anya ko pagkasunod sa kaniya na pumunta sa kusina at naghalungkat sa ref ko. “Wala ka man lang matinong pagkain dito.” Wika nito pagkatapos makita ang laman ng ref. May nakita itong mansanas sa lamesa kay yoon na lang ang kinuha nito at kinagatan. “Why are you here?”paguulit ko sa tanong. “Diba sabi mo sabihin ko sayo mga ginagawa ni Papa.” Paliwanag nito. Upon hearing our father’s name I became attentive and serious. “What?” seryosong anya ko. “Apparently, hindi na naman siya umuwi kagabi.” Malungkot na wika nito. “And I heard from one of our maids na umalis si Daddy na may dala-dalang bag na naglalaman ng kaniyang mga damit.” “Kuya what is really going on?” nagtatakang tanong nito sa akin. “I have a hunch but I need evidence that’s why continue monitoring Dad for the mean time.” Seryosong sagot ko sa kaniya. “Okay, I trust you on this Kuya.” Seryosong anya din nito.   Akala ko kapag nahuli ko na siya sa akto, okay na ang lahat ngunit iyon pala ang malaki kong pagkakamali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD