Alfonso Choi
Sa matagal na paghahanap namin sa apo ko at sa tagal ng panahon nawalan na talaga ako ng pag-asa.
Noong nakita ang patay na katawan ni Eufemia hindi niya kasama ang apo ko na si Anasthasia Cornelia kaya't nagka pag-asa kami na baka buhay pa ito pero sa paghahanap namin ng halos matagal at inabot narin ng mahigit 18 taon ay nawalan na kami ng anak kong si Cassicor ng pag-asa ngunit hindi ko inaasahan na isang araw may darating na babae sa aking bahay at sinabing buhay pa ang apo ko at inalagaan niya ito.
Ipinaliwanag sa akin ng babae ang lahat. noong una ayokong maniwala dahil ayokong umasa na buhay pa ang apo ko ngunit ikinwento niya sa akin ang lahat. kung paanong napunta sa kanya ang apo ko at kung ano ang nangyare kay Eufemia.
Ang batang inalagaan daw niya ay pinangalanan niyang Bettina Cassandra ngunit hindi daw niya alam kung nasaan ang batang ito dahil ipinadala niya ito sa bahay ampunan nagalit pa ako sa ginawa niya nasabi kopa na bakit hindi sa akin kaagad ibinalik si Anasthsia at kinupkop pa niya. ang sabi naman niya sa akin ay natatakot siya na baka balikan siya ng mga taong pumatay kay eufemia. hingi siya ng hingi ng tawad sa akin pinatawad ko din naman siya dahil wala din naman siyang kasalanan.
Ipinahanap ko ang batang sinasabi ni Sally ang babaeng nagsabi na buhay pa ang apo ko. makalipas ang isang araw dumating ang mga impormasyon tungkol sa bata na pinaimbestigahan ko kasama ko noon si Cassicor ng ibigay sa akin ang mga papel na naglalaman ng impormasyon sa bata at unang kita ko palang sa larawan nang hina na ang tuhod ko.
"Dad! ayos lang po kayo?"- Cassicor
"Mr. Alfonso.."- Kan
Napatingin ako sa anak ko at kaagad namuo ang luha sa mga mata ko..
Tiningnan ni Cassicor ang papel na taban ko at laking gulat niya ng matungo ang mukha niya sa larawan ng batang babae dito.
"Eufi.."
Iyon nalang ang nasabi niya at nagsimulang magsibagsakan ang luha niya maski ako at si Kan ay hindi narin napigilan ang pagluha.
Sa tagal ng paghahanap namin nakita narin namin siya.
Ang nag-iisa kong apo..
Kuhang kuha niya ang mukha ng ina niya..
"Kan.. magkamukhang magkamukha sila hindi ba?"
"Para po silang pinagbiyak na buko Mr. Cassicor.."
At ng masigurado nga namin na siya nga si Anasthasia ay binigyan ko ng dalawang araw si Sally para kausapin ang apo ko dahil nais niyang humingi ng tawad rito.
Nang ang pang huling araw na hindi nako nakatiis at pinapuntahan ko na kay Kan ang apo ko at laking gulat kopa na ang mga kaibbigan ng apo ko ay ang mga anak ng mga business partners ko.
"Dad.. tadhana na pala ang naglalapit sa atin kay Anasthasia.."
"Tama ka anak, biruin mo at anak pala ni Sy ang kasa kasama ng apo ko sa Apartment ay sobrang bait ng batang iyon hindi ko alam na ganoon pala kalapit sa atin ang apo ko pero hindi natin alam.."
Hindi lang ang apo ko ang pinasama ko dito sa mansion pinasama ko nadin ang mga kaibigan niya at ng makarating na nga sila sa bahay at ng makita namin siya sobra kaming nagalak dahil walang hinala na siya talaga..
.. Ang nawawala kong apo..
Betty
"Jinie parang hindi parin ako makapaniwala.."
Nandito kami ni jinie sa apartment at huling tulog ko nadin to na magkasama kame.. ang gusto kase ni Mr. Cho-- este lolo sa mansion nako tumira.
"Maniwala kana ang dami nilang ebedensya.. tsaka ayaw mo ba niyan? hindi mo na kailangang magtrabaho at imaintain ang grades sa school para sa scholar mo pwede ka naring umabsent kung kelan mo gusto hahaha."
Loka talaga.. mamimiss ko siya..
"Oo nga, pero paano yung mga nakasanayan ko dito? yung pangungulit ko sayo? yung pag hiyaw ko ng 'Jinie wag mokong uubusan ng ulam huh?!'
Sigurado ako na maraming magbabago..
Natahimik si jinie sa sinabi ko.
"Mamimiss ko nga yon pero Bettina sila ang tunay mong pamilya.. at alam kong masaya karin na makita sila hindi mo nga lang maramdaman ngayon pero nakita mo ba kanina? si lolo at tito cassic sobra pa sa sobra ang naging tuwa ng makita ka? nawalan na nga sila ng pag-asa sa tagal na makita ka eh kaya Betty kung ano man ang magbago andito lang kami palagi.."
"Ugh-- the best bestfriend ka talaga! kaya hindi kita maitapon eh. HAHAHA"
Sabi ko sa kanya. napaka swerte ko talaga sa kanya
Kung tutuusin nga hindi na niya kailang na mag apartment eh pero nandito parin siya ..
Anong nangyare kay Mama? ayun masaya na din siya binigyan siya ng bahay ni Lolo bilang kabayaran sa pagkupop sakin dati kahit na hindi naging maganda ang nakaraan namin tsaka may pamilya nadin kase si mama..
At ako? simula bukas magbabago na ang lahat dahil pumayag na ako na sa bahay nila Lolo tumira..
School~
"Goodmorning miss diwata how's your tulog?"- elliot
"Okay naman. nanaginip daw ako ng yumaman ako A-HAHAHAHA-aray."
Hhindi ka nanaginip what happened yesterday's all true Cassandra."
"Hoy Hunter! makabatok ka huh?!"
Aga aga namumwisit siya.
"BIG NEWS! BIG NEWS! YUNG APO DAW NI MR. CHOI NAKITA NA!"
Sa narinig ko nalunok ko yung candy na kakasubo ko palang..
"B-Bettina? baket? bakit mo sinasakal sarili mo?"- jinie
"Ack--ackkkk ack ack--"
Gaga! yung candy!
"Omg namumutla kana!"
GAGA! YUNG CANDY NALUNOK KO!
Nagulat nalang ako ng may humawak sakin sa likod at inipit yung tiyan ko.
At tumurit ang Max Candy na may kagagawan ng lahat.
"HAAAA... akala ko katapusan ko na.."
Sabi ko, sila sa candy lang na tumurit nakatingin ako naman nanghihinang dumkdok don sa desk ko.
"Bettina ang Candy tinutunaw hindi nilulunok ng buo."- jinie
"Hehehe kase yung lalakeng sumigaw sa labas nagulat ako nalunok ko tuloy."
Sabi ko.
Uniform day nanamin ngayon kaya naka uniform nako ang cute nga ng uniform namin eh hindi nagbabago hahaha.
"So miss diwata lilipat kana kila tito cassicor? "- caden
Tumango ako..
"What about your surname hindi ba nila babaguhin?"- cole
O nga pala .. mas gusto ko padin ang pangalan kong Bettina Cassandra Diwata..
"Ewan ko eh.. "- ako
"Cassy."
Napalingon ako sa likod ko. Did Hunter called me CASSY?
Nang magtama yung tingin namin parang namula yung mukha niya kaya lumapit ako sa kanya.
"May sakit kaba?"
I touch his forehead.
"Hindi ka naman mainit."
"Dont touch me."
Sabi niya sabay palis ng kamay ko.
Anong problema non?
Uwian~
"Paano ba yan miss diwata? andyan na ang sundo mo."- caden
Oo nga.. grabe agaw pansin itong itim na sasakyan nato.
"Miss Anas--
"Bettina nalang Kan, mas sanay ako doon eh."
"Sige po miss bettina, nasa mansyon na nga po pala ang mga gamit niyo si miss jinie po bumalik narin sa bahay nila.."
Bumalik nadin pala siya..
Hay mamimiss ko talaga ang babae nayon kahit hindi niya sabihin alam ko naman na kaya siya nagaapartment ay para samahan ako,
Si hunter..
Napatingin ako sa kanya.
Hindi ko na siya boss ngayon..
Wala nakong dahilan para kausapin pa siya o ano..
"Nakakuha nako ng kapalit mo dont worry."
Yun lang ang sinabi niya sakin at umalis na.
Arouch nmaan may kapalit na pala ako eh.
Kay cole naman ako napatingin.
"Ah.. hehe may nakuha nakong banda. boys band siya kaya dont worry sa trabaho mo."
Napangiti namn ako pero hindi umabot sa tenga.
Sabi ko na nga ba eh hindi magiging madali para sakin to.
Kase tiyak maraming magbabago.