Chapter 28

1202 Words
    Betty “Seriously, andito si Camille at mukhang hindi maganda ang bagay na ito.” Mahinang saad ko sa sarili ko. Sa sobrang pag-iisip ko hindi ko namalayan ang pagpasok nila Hunter at ng mga kaibigan niya. While my classmates are listening to the lectures, I am in a deep thought about Camille. At sa buong umagang klase siya lang ang nasa isip ko, hanggang sa tumunog ang bell para sa lunch break. Ang mga estudyante ay kaniya-kaniya sa pag-alis, hanggang sa tawagin ako ni Jinie. “Betty, may problema ka ba?” nag-aalalang saad ni Jinie “kanina pa kasi kita napapansin na ala ata sa klase ang atensiyon mo at malalim ang iyong iniisip”. “Kilala mo ba si Camille?” nagtatanong na saad ko. Pagkaayos ko ng aking mga gamit. “Oh, may ano kay Camille?” nagtatakang anas nito. “May nakakita sa kaniya sa labas kayakap si Hunter.” Saad ko. Nagaalala ako para kay Hunter at Collin dahil hindi pa nga sila magkaayos pero bumalik na ang dahilan ng kanilang pagaaway. “What? Aba’t bumalik pa talaga siya, ano na naman ang pakulo niya.” Nagagalit na sabi nito. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Jinie dahil dati magkakaayos silang magkakaibigan kasama si Collin pero dahil kay Camille nasira ito. Pero ala ako sa posisyong husgahan si Camille unless na makilala ko siya ng tunay. “Naku, huwag na nating isipin yun baka mawalan pa ako ng ganang kumain, tara na sa canteen.” Pagaaya nito. Habang papunta na kami sa pinto, may nakita akong babae na nakatayo rito tila may sinisilip sa loob ng aming silid. “Ayan na nga ba sinasabi ko speaking of?.” Pagmamalditang saad ni Jinie. Sa totoo lang hindi ko pa nakikita si Camille, dahil sa kuwento ni Hunter ko lang siya nakilala. But upon seeing this tall girl with a petite body with a white porcelain skin and pointed nose, as well as her curly brown hair and a hazel nut eyes. Now I know why, because suddenly I feel so small. I cannot stop myself comparing my physical appearance to her. “Excuse me?.” Nahihiyang saad niya habang nakatingin sa akin at kay Jinie. “Andito ba si Hunter?” nagtatanong na anas nito. “Wala siya at hindi ka welcome dito.” pagtataray na saad ni Jinie. Di ko alam ang sasabihin ko dahil obvious na nagsisinungaling si Jinie dahil nasa loob pa si Hunter. “Hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin Jinie, kalimutan na natin ang nakaraan dahil nagsisi na ako.” Malungkot na sabi ni Camille at ako ang kaniyang binalingan ng tingin kung kaya hindi ko napigilan ang aking sarili na sabihin ang totoo. Sa totoo lang ang amo ng kaniyang mukha at para siyang anghel. “Nasa loob siya.” Nahihiyang saad ko. Mahina akong kinurot ni Jinie kaya pasimple ko yung pinalis. Di na namin siya pinigilan na pumasok at kausapin si Hunter. At itong mga mata ko naman di rin napigilang sundan ng tingin kung paano siya ngitian at kausapin ni Hunter. “Hunt, let’s go sabay na tayo maglunch.” Nakangiti nitong saad kay Hunter. “Okay.” Tipid na sagot nito. Ngunit di nakaligtas sa paningin ko ang pagakbay niya ng kaniyang kamay kay Camille at ang pagdi niya pansin sa akin at dire-diretso sila sa paglabas. Para silang may sariling mundo na dalawa, na ako mismo ay hindi katanggap-tanggap, dahil sino nga ba naman ako sa buhay ni Hunter. At that thought, suddenly a tear fell from my eye. “Betty, uy umiiyak ka?” nagaalalang wika ni Jinie. I suddenly wipe the tears and give her a bright smile to ease her worriness. “Wala ito, napuwing lang ako.” Pilit na ngiting saad ko. “Tara na maglunch.” Pag-aya ko sa kanya. Sa canteen… Usap-usapan sa mga estudyante ang babaeng kasama ni Hunter. Marami sa mga ito ang hindi makapaniwala dahil noon lang nilang nakita ito na may kasamang ibang babae at hindi lang basta bastang babae kundi napakagandang babae na maging ibang lalaki ay sinusundan ito ng tingin. Ngunit lamang sa mga nakatingin sa dalawa ang mga babaeng may masama ang tingin. “Hey, Betty alam niyo ba na nandito si Camille?” saad ni Cole habang ang paningin nito ay na kay Jinie lamang. “Kanina ko lang din nalaman, narinig ko lang na pinaguusapan ng mga classmate natin.” Anas ko “Mukhang hindi magandang balita ito, buti ala kanina si Collin dahil nagkaroon ng meeting ang basketball team kundi gulo na naman ito.” Nagaalalang wika ni Caden. “Sinabi mo pa, mahal na mahal pa naman ni Collin si Camille to the point na hindi na healthy.” Pagsang-ayon ni Elliot. Habang nakapila kami para bumili ng pagkain, hindi ko mapigilan ang sarili ko na magnakaw ng tingin sa gawi nila Hunter. At sa tuwing makikita ko ang sweetness nila sa isa’t isa hindi ko mapigilang masaktan dahil alam ko sa puso ko na may parte na si Hunter dito. At hindi na lang basta ito pagkagusto dahil hindi ako masasaktan ng ganito at ayoko ng feeling na ito. Sawang-sawa na akong masaktan, pede ba pahinga naman. “Huwag mo na silang tingnan Betty, please ayoko ng nakikita kong expression sa mukha mo.” Nagaalalang wika ni Jinie. “Okay lang ako ano ka ba.” Pilit na tawang wika ko. Pagkabili namin ng aming pagkain, mas pinili namin ni Jinie na umupo na malayo kila Hunter, samantala sila Cole, Elliot at Caden ay mas piniling pumunta kila Hunter. Habang kumakain, mas pinili kong pigilan ang sarili kong tingnan si Hunter. At sa sobrang pokus ko sa pagkain hindi ko namalayan ang pag-upo ni Collin sa tabi ko at pag-akbay nito sa upuan ko. “Uy, huwag mo na akong isipin masyado, eto na ako sa tabi mo mahal na prinsesa.” Nakangiting saad nito. “Assuming ka masyado, huwag ganun Collin.” Masungit na saad ko habang natatawa. “Ngumiti ka rin, huwag ka masyadong seryoso sa pagkain baka mamaya niyan di mo mamalayan kasing taba mo na yung mga zumo wrestler.” Mapang-asar at natatawang saad nito. “Hoy grabe ka hindi noh, nakakainis ka Collin.” Galit na wika ko. Habang nag-aasaran kami ni Collin, di ko napigilan ang sarili ko na kurutin ang pisngi niya sa sobrang gigil ko sa kaniya. “Nigigigil mo si ako hah.” Gigil na saad ko habang tumatawa. “Aray naman Cassandra, tama na masakit na.” Naiiyak pero natatawang anas nito. Habang nagkakasiyahan kami, nagulat at natahimik ang lahat ng bigla na lang may tumaob na bangko. Pagtingin ko kung saan galing ang ingay na yun, nakita ko na lang si Hunter na palabas ng canteen kasunod si Camille. At tumatawa naman ang mga kaibigan niya sa puwesto nila. “Ano problema nun?” tanong ko kay Jinie pagkatapos kong pakawalan ang pisngi ni Collin dahil sa gulat. “Nagjejelly eh hahaha.” Tawa nito “Hah?” naguguluhang wika ko. Ang gulo mo talaga Hunter ano ba talaga? Bakit pakiramdam ko may pagtingin ka din sa akin.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD