Cole~
Hindi ko alam kung ano ang gustong mangyari ni Collin pero sa palagay ko kung ano man iyon ayaw ni Hunter don. kanina pa kase masama ang mood ni hunter simula ng pumasok sila ni bettina ng magkasabay kanina at simula ng makita niya si Collin.
"Sa totoo lang hindi nako magtataka kung one day isang araw si Miss Diwata magkagusto dun kay Collin."- elliot
Hindi kaya niya nararamdaman yung itim na presensya na bumabalot kay hunter?
"Ako din . hindi kase hinihiwalayan ni Collin palagi silang magkasama."- caden
Isa pa to eh.
Nitong nakaraan kase palagi nalang magkasama si Collin at Bettina. well si Collin ang palaging lumalapit. kahit halata naman kay bettina na naaasar siya.
"Hunter naaalala mo paba nung sinabi mong. SHE'S MINE? ano ng nangyare don?" - caden
"Kaya nga you look CALM .."- elliot..
*Dark aura..
Omo.
"MUKHA BA AKONG CALM?????"
Kitams? hindi na nga niya nagugustuhan yung nakikita niya wala parin siyang ginagawa.
"Alam mo hunter hindi masamang kumilos hano? yung isang bagay na gustong gusto mo makukuha na ng iba dahil sa kakupadan mo."- shawn
"Mawawala si Bettina sayo kung panonoorin mo lang ang gingawa ni Collin, sabay silang pumasok, maglunch at umuwi. sabihin man ni Collin na hindi na siya gaganti alam natin at alam mong gagawa parin siya ng paraan para maramdaman mo kung ano yung naramdaman niya noon."
Huminga ng malalim si Shawn at nagsalita ulit.
"Hindi mo man aminin alam namin na gusto mo si Bettina. "
This time hindi na nagreak si hunter pero dati kapag sinasabi naming may gusto siya kay bettina at type niya ito hindi paman kami tapos magsalita sinasabi na niyang wala siyang gusto rito.
"Walang mangyayare kung tutunganga ka lang diyan. wag kang magsisisi kung bukas iannounce ni Lolo Alfonso na si Collin at Bettina eh enggaged na."
Pagkasabi niya non umalis na siya.
Hindi malayong mangyare yung sinabi ni Shawn.knowing Lolo ALfonso. 18 na si bettina at iniisip na niyan ngayon kung sino ang ipapareha dito para magmana ng kumpanya at sa maniwala kayo't sa hindi noong bata kame, kami ang napili niyang magmana ng kumpanya niya itetrain daw niya kami but we refuse because ayaw namin na matali sa isang kumpanya.
At ngayon nga na aali aligid si Collin kay Bettina hindi malayong isipin ni Lolo Alfonso na bagay ang dalawa at since isa sa pinagkakatiwalaan niya ay si Collin malamang sa malamang ipagkakasundo niya yung dalawa.
Ewan ko ba kay hunter kung anong iniisip niya.
Betty
Nandito ako sa room. kami lang ni hunter maaga kasi akong pumasok para hindi ko makasabay yung si Collin. araw-araw nalang na pumupunta siya sa bahay para isabay akong pumasok, inaabangan akong dito sa tapat ng room pagmag lalucnh na at hihitakin nalang ako sa kung saan tapos pati sa pag uwi ko siya ang kasama ko. nakakaimbyernasss.
"G-Goodmorning.."
Bati ko kay hunter.
Hindi naman siya sumagot. ano kayang problema niya? nito kasing nakaraan eh hindi na niya ako kinakausap o inaasar. nakonsensya na kaya siya sam ga pinag gagagawa at sinasabi niya sakin?
"Uh.. m-may problema kaba?"
Hindi siya sumasagot. iniharap ko yung bangko ko sa desk niya kaya magkaharap kami ngayon.
Nakatingin lang siya sakin.
Ay juice ko po nagsisisi na ata ako at humarap pako sa kanya.
Nagsalumbaba siya sa harap ko at tinitigan ako.
then I heard him cussed.
"Damn it."
Tapos pinaling nanaman niya sa ibang direksyon yung mukha niya.
Bakit ba lagi niyang ginagawa yon?
"Hunter? ano bang problema?"
"I dont have problem."
"We? lahat ng tao may problema.. "
"Napansin ko kase nitong nakaraang araw parang wala ka lagi sa mood. hehe *kamot batok* tapos ang tahimik mopa kaya naisip ko na baka may problema ka."
Kahit na masama ang ugali niya sakin at may pagka bipolar minsan hindi ko parin maiwasan na mag-alala sa kanya sa twing napapansin ko na hindi siya okay.
Napatingin siya ulit sakin . umayos naman siya ng upo.
This guy in some ways.. can make my heart beat so fast. na parang katatakbo ko lang ng maraming beses.
"If you're having problems do you mind telling me about them? because after all Hunter's one of my friend right?"
Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.
Holy cow..
"I wont let anyone take you away from me. even Collin."
Eh?
Kinabukasan...
"Harujusko po!"
"A-Ahehe Goodmorning din po Lolo.."
Napapakamot pakong bumabati kay Lolo ng bigla siyang sumulpotsa harapan ko.
"A-ahm hija anong nangyare sa iyo bakit ganyan ang itsura ng mga mata mo? hindi kaba nakatulog ng maayos?"
"Sa ikalawang beses napakamot nanaman ako sa ulo ko.
"Hindi nga po eh.."
Sabi ko.
"Ay bakit? malamok ba hija? o baka naman may problema ka?"
Naupo na kaming parehas sa hapag tinanaw ko pa nga kung nasaan na si Dad.
"Hindi naman po malamok, wala din po akong problema pero Lolo.."
"Oh hija?"
Nagsimulang maglagay ng pagkain si Lolo, ngayon nasa tabi na niya ako naka-upo dati kase parehas kaming nasa dulo paano kami magkakarinigan kapag nag-usap diba? eh long table pa naman ito sa sobrang long dinaig pa yung long table ng AlDub.
"Lolo paano ba kapag hindi ka makatulog dahil lang sa sinabi ng isang tao?"
Napansin kong napahinto si lolo sa paglalagay ng gatas sa baso niya.
"A-Ah hehehe nako kalimutan niyo napo hindi naman mahalaga."
Sabi ko at nagsandok narin ng pagkain, tumuhog ako ng isang hotdog at kumagat doon.
"Pag hindi ka makatulog? edi ibig sabihin mahalaga sa iyo yung tao na iyon dahil sa salita palang niya hindi kana makatulog."
Nagulat ako sa biglang sinabi ni Lolo kaya nasamid ako.
"Nako Miss eto po ang tubig."
Sabi sakin ng maid na nasa tabi ko agad ko namang kinuha iyon at nilagok.
"Hay.. akala ko madedeads nako don, lolo naman kase nanggugulat!"
Sabi ko with himas himas sa sikmura.
"What's happening here?"
"Goodmorning sunshine!"
Bati sakin ni Dad.
"Mrning po.."
Sabi ko at hinalikan niya ako sa pisngi.
"Anong pinag-uusapan niyo?"
Tanong ni Dad, hindi ko na siya hinintay na magsandok ng pagkain niya dahil ako na ang gumawa.
"Dad, coffee? or milk?"
Tanong ko sa kanya.
"Coffe nalang baby. "
He said smiling.. Nakakatuwa isipin na ganito na kami kaclose.
"So what are you guys talking about?"
Pagkatapos kong ipagpalagay ng pagkain si Dad ay naupo na ako.
"Ito kasing si Bettinahindi nakatulog dahil daw sa sinabi ng isang tao sa kanya."
"Oh? Sino iyon baby?"
Nanlaki ang mata ko at umiling ng sunod sunod.
"N-Nako! wala po!"
"Goodmorning!"
Harujusko. ano nanamang ginagawa ni Collin dito?
"Oh? Collin? it's too early why are you here?"
Lolo asked him. nako for sure kukulitin lang niyan ako.
"Since it's saturday naisip kopo na mamasyal kasama si Cassey."
He said na ikinalaki nanaman ng mata ko. Jusmi baka mamaya kasing laki na ng tarsier mga mata ko dahil sa miya't miyang paglaki nito.
"Oh.. nagkakamabutihan na ba kayo ni Collin apo?"
Sunod sunod akong umiling.
"N-nako hndi po! friends lang po kami!"
"Oh, that;s new you're considering me as one of your friend now Cassey, Nice!"
Collin said at nag thumbs up pa siya napasapo naman ako sa noo at ipinagpatuloy nalang ang pagkain ko habang si Collin ay nakisalo nadin sa amin dahil niyaya siya ni Lolo.
Nang matapos kaming mag-agahan tinext ko si Jinie na baka pwedeng magpunta siya sa bahay dahil naiinip ako wala namang magawa pero ang bilis niyang makareply ng 'Busy ako sa iba k nalang magpasama' kaya si Ate Cindy ang tinect ko pero tulad ng tinext ni Jinie ganun din ang sinabi niya may gagawin din daw the next guy na tinext ko ay si Kuya Rull pero ang sabi niya may date sila ni Ate Cindy kaya naman pala bawal si Ate Cindy ang sumunod na pumasok sa isip ko si Shawn pero nagdalawang isip ako dahil mapapanisan ako ng laway don.
"Argghhhhh.."
Walang gana akong nahiga sa kama ko at tiningnan nalang ang kisame ng kwarto ko.
*tok tok
Napabangon ako agad ng marinig ko iyon.
"Baby?"
Si Dad!
"Pasok po.."
Nang makita ko si Dad ang luwang ng ngiti niya pero hindi ko ata nagustuhan ang nilalaman niyon.
"Pwede ka bang makausap?"
Sabi niya, naupo ako sa gilid ng kama at ganoon din siya.
"Ano po ang sasabihin niyo dad?"
"Anak gusto mo ba si Collin?"
Okay alam kong paulit ulit pero sasabihin ko ulit.
Nanlaki iyong mata ko sa sinabi ni dad!
"Nako hindi po ah, hindi po talaga na misunderstood niyo lang po ni Lolo iyon."
Sabi ko with matching wagay way pa ng kamay sa harap ko.
"We? But if you like him just tell us mabait ang batang iyon nagisnan namin ang paglaki kaya alam namin na mapupunta ka sa mabuting kamay kng sakali."
He said, nako eto na nga ba ang sinasabi ko eh baka ipagkasundo achuchuchu ako ah tulad nung mga napapanood ko sa mga Koreanoela kapag mayaman yung bida inaarrange marriage sa hindi mo gusto.
"Dad hindi niyo naman po siguro ako ipagkakasundo kay Collin diba?"
Sabi ko ng diretso.
"Hahaha Anak nga kita napaka diretso mo."
"Syempre hindi. hindi kita ipagkakasundo sa taong hindi mo naman mahal.. ikaw ang bahalang mamili ng taong gugustuhin mo at hindi kami ng lolo mo.."
Napahinga ako ng malalim sa sinabi ni Dad mabuti naman pala kung ganun.
"Pero kung gusto mo talaga si Collin sabihin mo lang sakin at tutulungan kita. hahaha"
"Dad! hindi nga si Collin yung gusto ko si Hunt-
Napatigil ako sa pagsasalita.
"Sino?"
Tanong ni Dad ng nakangiti.
"W-Wala po.."
"Sino? may sinabi ka eh sabi mo Hun.. sino iyon Anak?"
Nanunukso niyang tanong . juske bakit ba diredireto itong bibig ko?!
"Wala talaga dad!"
Pero ganoon nalang ang gulat ko ng kilitiin niya ko.
"HHAAHA dad naman wala nga po! nabibingi lang kayo!"
"Hindi meron talaga akong narinig eh!"
"Hahahaha wala po talaga! hahaha dad! t-tama na! hahaha"
Bumaba ako sa hagdan ng masaya nakajogging pants ako ng black at nakawhite plain sleevless.
"GoodMorning Cassey!"
Bati ni Collin hindi ko siya tinitingnan nakita ko namana siya kanina.
Kumuha ako ng tubig sa Ref at hindi ko talaga siya tiningnan araw araw ko na nga siyang nakikita sa school pati ba naman sa bahay?
"Cassey hindi mo manlang ba ako titingnan?"
Collin said. hindi ko parin siya pinansin nakatalikod parin ako sa kanya.
"Cassey-
"Cassandra"
Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses na iyon agad akong napalingon at nakita si Hunter na nakapamulsa at animo nanalo ng isang trophy dahil sa malapad ng ngiti na meron siya.
"H-Hello?"
Sabi ko nang nakataas pa iyong kamay ko. Napadako ako kay Collin na nakasimangot na nakatingin sakin nagkibit balikat lang ako sa kanya at naglakad na papntang sala.
"Ano bang ginagawa niyo dito?"
Tanong ko sa kanila.
"Binibisita ka."
Collin said.
"Tutor."
Sabi naman ni Hunter.
Ohsht. ngayon na nga pala yon! every weekend ang tutor ko kay Hunter! bakit ba nakalimutan ko iyon?
"Tuturuan din kita Cassey, I'll teach you History."
"She don't need you here Collin."
"Oh yes she need me here Ethan."
"She don't"
"Yes She did."
"She don't"
"She did."
Napataban ako sa noo ko at iniwan ko sila doon. Bahala sila sila nalang dalawa ang magturuan.