Betty
Huwaaaaa late nako late nako.. hindi manlang ako ginising ni Jinie matapos niya akong paiyakin ng isang timba kagabi dahil sa mga kinwento niya masakit padin yung mata ko dahil namamaga sa sobrang tagal naming nag-iiyakan kagabi grabi.
Hindi ko alam na ganoon pala yung nangyare sa kanila ni Cole :( pero mamaya kona ikukwento sa inyo kase late na talaga ako. *insert panick face*
"G-goodmorning..."
Bati ko sa kanila medyo madami ng customer mag e-eleven na kase pero ang pasok ko 9 lagot talaga ako kay hunter. shocks speaking of hunter? luminga linga ako para makita siya pero mukhang wala naman siya dito kaya safe ang lola niyo hay nako buti nal---
"AKO BA HINAHANAP MO?"
"Ay kamote!"
Grabi dapat kabuti ang nasabi ko eh. itong si hunter parang kabuti bigla bigla nalang sumusulpot sa kung saan.
"H-hindi no bakit naman kita hinahanap."
Sabi ko pagkababa ko ng gamit ko.
"Anong oras na miss diwata?"
Nako patay..
"E-eh.. sir wala po ba kayong relo? may orasan po diyan sa office.."
Sabi ko pa pero hindi ata nakatulong dahil dumilim yung paligid bigla.
Bad aura si Hunter .
"Are you fooling me cassandra?"
Kinabahan naman ako sa tono ng boses niya. nakakatakot.
"And what happened to you?"
Napatingin ako sa kanya.
"Ha?"
She cupped my face na ikinagulat ko.
"Your eyes is red. did you cry last night?"
Sasabihin ko bang oo? syempre hindi. letse kase yung story ni Jinie nakakaiyak
"Ano kinagat lang to ng ipis"
"Wow.. that cockroach is very clever how come na pantay ang pagkakakagat niya."
Ekk. .
"Ah basta. lumabas kana at magbibihis nako"
Pero hindi parin siyan natinag humalukipkip pa siya sa harap ko. wala ka talagang balak umalis ha?
Nagsimula nakong tanggalin yung damit ko susubukan ko kung makukuha siya sa konsensya.
Matatanggal ko na yung blouse ko at sando nalang ang matitira pero hindi parin siya lumalayas letseng lalake to oo.
Sa inis ko ibinato ko sa kanya yung paper bag na unang nakita ng mata ko.
"Sht. what the? do you have any idea how much they treasure my face tapos ikaw babatuhin mo lang?"
"Che! wala akong pakialam kesyo kamukha mo pa si channing tatum o si liam ng one direction wala akong pakialam ang mahalaga aay lumabas ka! p*****t! maniac!"
Sabi ko habang ibinabato lahat ng madampot ko tatawa tawa naman siyang umalis.
Loko nayon wala talagang balak lumayas.
Kahit pa highest paid model siya sa US lakompake.
Naikwento na din pala sakin ni Jinie yon kaya pala sikat siya sa mga babae at tinatanong niya sakin noon kung kilala ko siya nun pala sikat siya eh paano ko nga ba kasi malalamang sikat siya eh wala naman akong cellphone ni hindi ako active sa mga social sites ni f*******: nga wala ako eh masyado akong busy makahanap ng pera.
Pero hindi naman ako nagmumukhang pera diba?
"Betty inenroll na kita magpasalamat ka sakin."
Paglabas ko yan agad ibinungad ni Shawn sakin. inenroll na niya ko? eh teka saan siya kumuha ng pambayad?
"Et d---atmkfkhhknmkgjs! "
"Pinautang muna kita."
Sagot ni shawn.
Hindi ako nakapagsalita tinakip niya kase sa mukha ko yung kamay niya. buti nalang nagkaroon ako ng mababait na kaibigan.
"Malapit na nga pala pasukan niyo no? "- ate cindy
"Oo.. pahirapan nanaman." sabi ko
Tama lalo pa't nadagdagan yung trabaho ko.
"Magkaklase ba kami ni Jinie shawn?"
Sana magkaklase kame ayokong mahiwalay kay jinie tagapagtanggol ko sa school yun eh haha de joke.
"Oo? sila cole din kaklase mo ulit tsaka yung bago nating boss.."
"Ahh.. "
Sabi ko habang nagpupunas ng table.. buti naman kaklase ko si Jinie tapos yung tatlo din pati na..
"Ano?! pati yung bagong nating boss?!"
"Bakit may problema ka don Cassandra?"
Biglang sabi naman ni hunter sa tabi na ka crossed arms pa.
Pansin ko lang ang dami na naming customer dahil sa kanya halos pulos babae ang nagiging customer namin tapos kundi si shawn ang matatypan si kuya rall kaya itong si ate cindy todo bantay.
"Wala po, bossing."
*Bell rings
"GoodMornin--
Napahinto ako sa pagsabi ng goodmorning ng makita ko kung sino yung pumasok.
"Betty anong problema?"
Andito nanaman yung babaeng mahadera.
Tumingin sakin yung isabele na girlfriend ni Gio at kumapit pa sa braso ng boyfriend niya. huh?! akala mo naiinggit ako? no way madami nakong narealise at sawang sawa nako sa mg katangahan ko kaya kahit magtukaan pa kayo ulit ng boyfriend mo sa harap ko di ako ingget! never!
"Bettina kunin mo order nila."- kuya rall
"YES SIR."
Sabi ko ng may pagka seryoso tapos narinig ko pang nagsalita si Shawn ng 'anyare?'
Pagkalapit ko sa kanila halatang nagulat si Gio aba itong isabele lang ata ang may masamang motibo sa pagpunta dito eh.
"Sir/mam may i take your order?"
Sabi ko ng may malawak na ngiti. grr.. sarap ikasikas sa sahig na puno ng lumot yung pagmumukha ng babae nato oh akala ko noon anghel ang loka angel in disguise lang pala kalahi din ng mga may sungay ang gaga.
"Uhm.. babe anong orderin mo? ganun nalang din yung shaken ahe~"
Pagkasabi niya nayan tumingin pa saken. ha? hindi ako ingget. kaderder ang arte magsalita dinaig pa si Vice ganda.
"Ah.. one slice ng caramel cake at iced tea nalang.."
Sabi ni Gio inilista ko kaagad.
"Yun lang po sir?"
Tanong ko yung isabele nato ahas ba at kung makalingkis eh parang makakawala yung nililingkis niya?
"Babe ehe, diba shabi mo dadalhin moko sha park?"
May ano kaya sa ngala ngala to? ehe babe diba shabi dadalhin moko sha park? pabebe ang hanep.
"Later.. after nating kumain."
"Talaga? i love you na talaga babe.. shagad muahhh :* 21 walang titibag."
Sa narinig ko hindi ko napigilang tumawa.
Shet. 21 WALANG TITIBAG? ano yon mga bato sila?
21 walang titibag. hahahaha
Sumama yung tingin sakin ni isabele.
"Anong problema mo? bakit ka tumatawa?"
Tanong niya sakin .
"Wala po" sabi ko habang pinipigil yung tawa ko at agad na dinala yung order nila kay kuya rall.
Hanep.. hindi matanggal sa isip ko.
21 walang titibag.
21 walang titibag.
21 walang titibag.
HAHAHA laughing my ass off.
"Oh baket?"-
Tanong ni ate cindy sakin ng makitan niyang napapahagikgik ako.
"W-wala hahaha"
"Hay nako bettina napaka weird mo."
Yun nalang ang nasabi niya ng maiabot na sakin ni kuya rall yung order nila Gio dinala ko na ito agad sa kanila baka mamaya maghuramentado pa yung malditang isabele nayun eh sabihin ang tagal ng order nila.
"Sorry for waiting maam sir here's your order.."
Sabi ko sabay lapag nung pagkain nila napadako yung tingin ko kay isabele nakabusangot siya tapos inirapan pako.
ng wala na silang kailangan naglakad nako paalis don pero ganoon nalang ang gulat ko ng madapa ako.
"Ooopps my bad nakaharang pala yung paa ko.. "
Malditang mahadera nakakarami nato ah bibingo na sakin to.
"Betty okay ka lang ba?"
Lumapit sakin si ate cindy at itinayo ako.
"Oo malayo sa bituka." sagot ko naman kay ate cindy
Tiningnan ko ng masama si isabele pero nginisian niya lang ako. may araw kadin sakin mamarkahan kita sa kalendaryo.
Hindi ko nalang pinansin at pinatulan bumalik nalang ako sa counter kasama si ate cindy pero tong si ate cindy gusto pa resbakan namin si isabele.
"Ano kaba ate baka siraan nila itong cofee shop kapag ginawa natin yon. tasaka kapag pinatulan ko siya wala narin akong pagkaka iba sa kanya siguro gaganti ako pero sa malinis na paraan hehehe"
Tama makakaganti din ako sa babaeng yon makikita niya masyado siyang nagmamaganda eh. 21 walang titibag. HAHAHA hindi halata sa itsura na jejemon pala siya :D
"Betty pinapatawag ka ni Hunter sa office niya"-
Tawag sakin ni shawn napa arko naman ang kilay ko tinatawag ako ni hunter? wala naman akong maalala na nagawa sa kanya ah? ay shet late nga pala ako pero nasermonan na niya ako kanina hindi paba tapos yon? may continuation pa? grabi naman.
"Sige..."
Sabi ko nalang kay shawn. diko rin lubos maisip na mag-aaral siya sa skwelahan namin hindi paba graduate yon? tsaka model siya diba? paano kung magkagulo sa school dahil sa kanya? tiyak araw araw may aabang sa kanyang babae sa gate o titili kapag makakasalubong siya sa daan juice ko sakit sa ulo non.
Pagkarating ko sa office kumatok muna ako bago pumasok.
"Pinatawag mo daw ako SIR?"
"Sit."
Naupo naman ako sa bangko sa gilid ng table niya.
"May sasabihin kaba Sir?"
Humalukipkip siya at tuingin sakin mata sa mata.
Nakakintimidate naman itong tumingin bigla tuloy ako napayakap sa sarili ko.
"What are you doing?"
Sabi niya ng may pagka irita sa boses.
"Eh SIR ang lamig niyo kase tumingin ano po bang kailangan niyo saken?"
Diretso kong tanong sa kanya hindi siya sumagot pansin ko naman yung pagtwitch ng lips niya.. shete na gatas *lip bite* bakit ngayon ko lang napansin yung labi niya? parang nagslow mo yung pag galaw ng mga labi niya sa paningin ko habang ako panay naman ang kagat sa labi ko.
Gising betty! pinagnanasaan mo yung enemy mo!
Ehe pero ngayon lang naman.
"Cassandra what are you doing? daydreaming?."
Sabi ni hunter. doon ako bumalik sa katinuan ko.
"A-ah.. hindi no!"
Palusot ko. hehe
Pansin ko lang ha? Cassandra yung tawag niya sakin. siya palang yung tumatawag sakin sa second name ko lahat kase o karamihan ang tawag sakin Betty o Bettina.
"Ipinatawag kita because i want you to.. resign in cole's bar."
Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. grabe bakit naman gusto niya akong magresign doon? serte ko nga at nadagdagan pako ng isang pagkukuhanan ng mga pangangailangan ko sa buhay eh.
"What? sir desisyon ko na po iyon kung dapat akong magresign o hindi sa pagkakaalam ko okay na kay Cole yung nangyare bakit gusto mokong magresign?"-
Magulo din tong si Hunter eh.
"Because of that work nalelate ka dito sa Coffee shop"
Sabi ko na eh hindi pa tapos yung sermon niya sa pagkakalate ko.
"Sorry but hindi naman dahil doon yung pagkakalate ko eh.."
Totoo naman pinapatulog na nga ako ni Jinie kagabi pero pinilit ko paring ipakwento sa kanya yung sa kanila ni Cole kaya inabot na kami ng madaling araw.
"Ngayon lang naman ako nalate."
"Peksman next time hindi nako malelate."
Nangunot nanaman yung noo niya.
I find it cute whenever he did that :3
"Peksman what the hell? whats that?"