DINALA kami ni Trayce sa restaurant nila kung saan ako nagtatrabaho at hinayaan kaming order-in ang lahat ng gusto naming kainin. Mayamaya ay napatingin ito sa akin at saka nginitian ako. Ako naman ay ginantihan lang siya ng ngiti at itinuon ang tingin sa menu na hawak ko. Ilang sandali pa ay lumapit siya sa akin. "Are you okay? Ba't parang namumutla ka diyan?" ang nakangiting tanong niya. "H-Hindi, okay lang ako. May iniisip lang," ang sagot ko. "Who's your thinking about? Boyfriend mo?" ang tanong niya. "Ha? Wala akong boyfriend," ang tanggi ko. Natawa siya. "Kung sino man 'yang iniisip mo, huwag kang mag-alala dahil hindi naman kita kukunin. May girlfriend na ako," ang sagot niya habang nakangisi. Tumango lang ako at saka ngumiti sa kaniya. Bakit parang nasaktan ako? Hindi ko ala

