Gulat na gulat kaming dalawa habang magkatitigan kami sa isa't isa. "Ano ang ginagawa mo rito?" tanong niya sa akin. "Pinatawag ka ni Tito" nauutal na sabi ko at saka napaiwas ng tingin. Sh*t bakit ba mukha siyang lalaking straight sa harap ko ngayon. "Ano sis? May balak ka bang gahasain ako? Layas!" mapang-asar na sabi niya kaya naman tumino ako at saka sinamaan siya ng tingin bago lumabas ng kuwarto niya. Napahawak naman ako sa dibdib ko nang maramdaman kong bumibilis ang pagtibok nito. "Ano ba ang nangyayari sa iyo?" sabi ko sa sarili ko na sinasampal sampal pa ang sarili pero mahina lang. Bababa na sana ako sa hagdan nang makasalubong ko si Misaki na paakyat. "Oh? Bakit ang tagal mo? Nasaan si Maggy?" salubong na tanong niya naman sa akin. "May ginagawa pa raw siya, saglit lan