Trevor
Nakaupo ako sa swivel chair ko, habang isa isang ini-scan ang mga folders na nasa ibabaw ng table ko nang biglang may kumatok sa pinto ng office ko.
"Come in," walang gana kong sagot.
"Mr. Davinson, the witness is already here."
Huminga muna ako ng malalim at saka iniikot ang swivel chair paharap sa secretary ko na si Laila.
"Let her in," sagot ko habang naka-crossed arms. Mayamaya pa ay pinapasok niya na ang isang babae.
"Please be seated," utos ko sa kaniya at saka sinenyasan si Laila na lumabas na muna.
"What did you see?" diretsang tanong ko.
"I didn't see anything like what I've said to the police a while ago," pagpupumilit niya at bakas sa kaniya ang pagkapikon.
"And where are you then? when the accident was happened?"
"I told them that I came to the comfort room, didn't they tell you?" Bakas ang inis sa kaniyang mukha pero mas nananaig ang pagsisinungaling niya.
"Your boyfriend was shot at the 69 Hotel, room 106. Since the CCTV's on that side are not working, we cannot identify the suspect. But you, you are the only one who witnessed it."
"I didn't see anything," pagmamatigas pa rin niya.
Tumayo ako at saka lumapit sa kaniya at pumunta sa bandang likuran niya, bali parehas kaming nakaharap sa table ko.
Malakas kong hinampas ang lamesa sa bandang likuran niya kaya sa sobrang gulat niya ay napasigaw siya at nilingon ito.
"Gaya nang ginawa ko na ingay mula sa likuran mo ay napalingon ka at napasigaw kaya sabihin mo sa akin na hindi ka napasigaw at lumingon sa mga oras na pinagbabaril ang kasintahan mo," sabi ko sa kaniya, kaya natigilan siya at bakas ang gulat sa mga mata niya.
"Tell me who are they?" tanong ko at bigla naman siyang humagulhol at umiyak.
"They said, they will kill me too if I tell the truth," umiiyak na sabi niya.
"Don't you want a justice for your boyfriend?" I asked.
"Of course, I want!" She shouted.
"Then, who are they?"
"They are the friends of my boyfriend," sabi niya, at saka ikinuwento ang lahat nang nangyari at ibinigay ang mga impormasyon tungkol sa mga suspek.
Pagkatapos ay ipinahatid ko na siya kay Laila. Naupo pa ako sandali para magpahinga at saka tumayo na at kinuha ang susi ng motor ko.
Paglabas ko ng opisina ay sumalubong kaagad sa akin ang mga workers dito sa company at pinagbabati ako lalo na ng mga babae. Pero di ko sila pinansin gaya nang palagi kong ginagawa kahit pa magsawa sila.
Pagkabukas ng elevator ay kaagad akong pumasok at pinindot ang button papunta sa parking lot. Nang tumunog muli ang elevator ay hudyat ito na nandito na ako sa parking lot.
8:00 pm na, pagtingin ko sa relo ko habang naglalakad papalabas ng elevator.
Nagpunta kaagad ako sa motor ko at saka nag-helmet at mabilis itong pinaharurot.
Habang nagmo-motor ay may napansin ako na sumusunod sa akin, kaya naman lumiko ako sa lugar kung saan hindi matao. Napansin ko na kaagad namang sumunod ang itim na kotse sa akin. Malayo pa lang ay lumiko na ako sa isang maliit na eskinita na alam kong hindi nito nakita.
Ilang segundo lang ay narinig ko na ang sasakyan na nilagpasan ang eskinita kaya naman lumabas ako roon at saka pinaharurot ang motor ko papunta sa harap ng sasakyan niya kaya prumeno siya ng malakas at hindi ako natamaan. Lumabas ang apat na lalaki sa sasakyan at saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Who are you?" tanong ko.
"Kumusta? Attorney Trevor Davinson," may diin na sabi ng isa sa unahan.
"Sino ang hihingian mo ng hustisya?" walang ganang tanong ko.
"Ipinatapon mo lang naman ang kaibigan namin sa kulungan."
"Bakit ba nagtatapon? Kasi basura," maikli at walang ganang sagot ko. Bakas sa kaniyang mukha ang inis.
"G*go ka, ah?"
"Tss! Ikaw na mismo ang nagsabi na basura ang kaibigan niyo."
"Hindi ka ba natatakot sa amin, ha?"
"At bakit naman ako matatakot?"
"Matapang ka lang sa korte pero ngayon mo ilabas ang tapang mo, Davinson," sabi niya na isinenyas pa ako sa mga kasamahan niya.
"Iligpit na 'yan," utos niya kaya agad-agad nagsisugod ang mga alagad niya.
Bago pa makalapit ang isa ay ipina-ikot ko ang aking motor, at saka ihinampas sa kaniya ang unahan dahilan para tumalsik siya.
Nakita ko pa siyang napadaing sa sakit habang nakabulagta sa semento.
Mabilis ko namang itinukod ang motor at saka bumaba at sinipa ang papalapit pa sa akin na isa.
Kaagad namang lumapit sa akin ang isa pa na akmang susuntukin ako, kaya kaagad ko rin na hinawakan ang kamao niya at saka mariin na dinurog iyon sa mga palad ko.
"Arrrghhhhh! Aray, ang sakit!" hiyaw niya nang makita niyang bumabaon ang mga kuko ko sa balat niya at magtalsikan ang mga dugo sa damit ko. Kaagad ko siyang sinipa sa nanghihina niyang tuhod na kaagad naman niyang ikinatumba kaya inapakan ko nang mariin ang kanang kamay niya na duguan.
"Aghhhhh!" napahiyaw pa siya dahil sa sobrang sakit na idinulot ko.
Kaagad namang bumangon ang sinipa ko kanina at saka patakbong lumapit sa akin kaya naman hinila ko ang kamay niya na pasuntok na dapat sa akin at saka iniuntog nang malakas ang kaniyang ulo sa helmet na suot ko, dahilan para mawalan siya ng malay.
Tumayo naman kanina ang tumalsik, at akmang sisipain ako nang paikutin ko ang paa nito at isinabit sa leeg nito. Narinig ko pang nabali ang buto niya kaya napahiyaw din siya sa sakit.
Nang makita ko na nakabulagta na ang tatlo ay kaagad akong tumingin sa nasabing leader nila na 'di makakilos sa sobrang gulat. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at bakas sa kaniya ang takot at panginginig.
Tinanggal ko muna ang helmet na nakasuot sa akin at saka nagsalita.
"Sino nga ulit ako?" Pagtatanong ko sa kaniya na ipinagtaka naman niya kaya kaagad siyang sumagot.
"T-Trevor D-Davinson.." utal na sagot niya kaya naman walang pasabi ko siyang hinampas sa ulo ng helmet na ikinawalang malay niya.
Tsk! tsk! tsk!
Sumakay na ako sa motor ko pagkatapos ng eksena ko sa kanila at saka paharurot na pinaandar ito papunta sa Helly bar.
Pagkapasok ko sa loob ng bar ay sumalubong kaagad ang iba't ibang uri ng amoy ng alak at sigarilyo. Pati na rin ang napakaingay na tugtugan.
Kaagad akong dumiretso sa ground floor kung saan nandoon ang mga VIP rooms. Nag-swipe ako ng VIP card ko na agad-agad din na bumukas. Kung doon sa taas ay malala na ang nakikita mas malala rito dahil kali-kaliwaan ang mga nagme-make-out.
"Hey! Boy!" pagbati pa sa akin ng isang babaeng walang saplot, ngunit hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa room 04
Pagkapasok ko ay kaagad sumalubong sa akin sila Rui at Seth na naninigarilyo habang naglalaro ng baraha.
"Oh, kumusta pre? Long time no see, akala namin namatay ka na," biro ni Rui at saka ibinaba ang baraha niya.
"Talo na naman!" inis na sigaw sa kaniya ni Seth, at saka uminom ng alak.
"Nasaan si Ulyssis?" pagtatanong ko sa kanila.
"Haha! Saan pa nga ba?" sabi nila na ini-nguso pa ang daan papunta sa kuwarto ni Ulyssis.
Pag-aari ni Rui ang bar na ito at legal 'to pero liblib ang daan papunta rito. May mga rooms din dito kaya itong room 04 na ito ay para sa amin lang. Para rin itong condo unit, dahil kumpleto rin sa gamit at may apat itong kuwarto na tig-iisa kami. Lumakad na ako papunta sa kuwarto ni Ulyssis ngunit
hindi pa man ko nakakalapit sa kuwarto niya ay naririnig ko na ang palitan nila ng ungol ng babae niya.
Sinipa ko nang hindi gaanong kalakas ang pinto na kaagad namang nagbukas at tumambad sa akin ang babaeng nakaibabaw kay Ulyssis.
"Pre, wrong timing ka naman kung kailan nagkakainitan na, eh!" inis na sabi ni Ulyssis at saka nagbihis at pinalabas na ang babae.
Hindi ko siya inimikan at bumalik na lamang sa sala kung nasaan sila Rui at Seth, at saka naupo at kumuha ng isang sigarilyo na sinindihan ko at kaagad na hinithit.
"Aba! Mukhang nakipagkita ka muna kay kamatayan bago ka pumunta rito, ah?" tanong ni Ulyssis na itinuro pa ang kanang kamay ko na may bahid ng dugo at saka damit na may dugo rin. Ini-abot sa akin ni Seth ang alcohol at bulak kaya kaagad ko itong nilinis.
"Hanep ka pare! Hindi ka man lang nabangasan, oh! Ano na? Si kamatayan ba ang inilibing mo?" sabi ni Rui at kaagad naman silang nagtawanan ni Ulyssis.
"Kumusta, pare?" tanong ni Seth, sa lahat ng kausap ito ang pinaka matino. Kaya kami na lang ni Seth ang nag-usap.
"Hinarang ako sa daan."
"Nino?"
"Part of being a Lawyer," maikling tugon ko bago humithit at ibinuga ang usok ng sigarilyo.
"Nagpunta ka lang dito, dre, para i-tsismis 'yan? Eh, sanay naman na kami sa basag ulo mo inistorbo mo pa ang releasing time ko!" pagrereklamo ni Ulyssis na kaagad ko namang sinamaan ng tingin.
"Mahirap talagang maging Lawyer lalo na at kinakalaban mo ang mga kriminal. So ano'ng dahilan mo at pumunta ka rito? Ngayon ka lang namin nakita ulit, ah? Sobrang busy ba?" sabi ni Seth. Mabuti pa ito maayos kausap.
"More than 15 cases a day ang tinatapos ko. Hindi pa kasama roon ang pagtatangka sa akin ng iba," sagot ko naman.
"Ano'ng nangyari sa mga humarang sa 'yo?" tanong ni Rui habang nagbabalasa ng mga baraha.
"Hindi ko naman sila pinatay, sinaktan ko lang," sabi ko, at saka humithit at nagbuga ng usok.
"At saka isa pa. Kailangan ko ng tulong niyo," dagdag ko, at natigil naman sila sa pinaggagagawa nila, at saka tumitig sa akin, habang hinihintay ang sasabihin ko. Humithit pa muna ako sa sigarilyo ko, at saka pinatay ang baga sa astray at ibinuga ang usok bago magsalita.
"Nalaman ko ang mga ginagawa ni Wilson," sabi ko na mas lalo silang nakinig.
Si Wilson ay dati naming kasamahan pero tumiwalag siya dahil sa akin. Matalik kaming magkakaibigan nila Rui, Seth ako at si Ulyssis. Si Rui ay alaskador si Seth naman ay tahimik, ako naman ay mainitin ang ulo at saka si Ulyssis naman ay babaero pero ang pinagkaparehas naming lahat ay ang pagiging basag ulo.
"Nalaman ko sa isang tauhan ko na sa isa sa mga Isla ni Wilson idinadala ang mga kini-kidnap nila at saka pinagpapatay. Kilala natin si Wilson basta pera kapit sa patalim. Ang dami ng lumapit sa akin at humingi ng hustisya para sa mga bangkay na natatagpuan na lamang sa tapat ng kani kanilang bahay. May mga nahuli na rin pero hindi nila sinasabi na si Wilson."
"At paano mo nalamang si Wilson kaagad kung hindi naman nila sinasabi?" tanong ni Rui.
"Dahil ako mismo ang nakaalam."
"Sa paanong paraan?" tanong ni Ulyssis
"Nakita ko sa isang bangkay ang marka niya na 'W' at alam ko na alam niya na ako ang naghahawak ng kaso dahil sa ganoong paraan ay binigyan niya ako ng hint. At isa pa sa isang bangkay ko lang nakita iyon at sa iba ay wala na."
"Pero Trev, kung sa isang bangkay lang baka 'yon lang ang napatay nila Wilson. At baka grupo or samahan ng iba ang marka na nakita mo," sabi ni Seth. May punto siya pero hindi nila ako maintindihan, dahil iniisip pa rin nila na kaya ko ito nasasabi ay dahil sa nangyari dati, ngunit hindi ako maaaring magkamali. Si Wilson ay isang tuso.
"Kaya nga, nagpapatulong ako sa inyo dahil pupuntahan natin ang lungga nila sa nasabing isla."
"Trev, hanggang ngayon ba ay pinaghihinalaan mo pa rin si Wilson? Tungkol sa pagkamatay ng Girlfriend mo?" seryosong tanong ni Seth, ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. Tumayo ako at inayos saglit ang sarili ko bago magsalita.
"Mauna na ako. Sa ngayon, kailangan ko nang magpahinga para masimulan na nating magplano, don't worry babalik ulit ako," sagot ko at saka nagdirediretsong umalis na hindi man lamang hinihintay ang mga sasabihin nila.
Sumakay na ako sa motor ko at mabilis itong pinaharurot palayo sa bar habang nag-iisip.
Misaki
Nakatulog ako sa pagtapos ng mga assignments kaya naman pagtingin ko sa orasan ay 7:00 pm na.
Tumayo ako at saka bumaba sa sala para tingnan kung ano'ng ginagawa nila.
Nakita ko si Miyuki at Manang na nanunuod sa sala ng TV kaya naman kumuha muna ako ng maiinom sa ref at saka umupo sa tabi nila.
"Grabe na ang panahon ngayon. Kali-kaliwa na ang balita patungkol sa pag-kidnap at pagpatay haruyjusko!" Napatingin ako kay Manang na seryoso sa panunuod kaya naman tiningnan ko ang pinapanuod nila at pina-flash ang mga blurred na pictures kuha sa mga bangkay na natatagpuan nila.
"Kawawa naman sila," bigla kong naisambit na ikinagulat nila.
"Oh, gising ka na pala! Aba'y 'di man lang kita naramdaman," gulat na sabi ni Manang.
"Eh, paano po kasi Manang ay kinikilabutan ka sa mga pinapanuod mo," sabi naman ni Miyuki sa kaniya.
"Nakatulog ako kakatapos ng mga assignments, hays!" Humikab pa ako na kunwari ay inaantok pa.
"Hay! Tigilan mo nga ako Meyuke! Basta lagi kayong magkasama na dalawa at huwag maghihiwalay naiintindihan niyo? Aba lagi kayong dumikit sa maraming tao at huwag pupunta kung saan-saan, Mesake!" pangaral ni Manang, habang palipat-lipat ang tingin sa aming magkapatid.
"Manang Sol, sinabi na hong Miyuki at Misaki," pagtatama ni Miyuki sa kaniya.
"Basta kapag talaga si Manang Soil ang nagbabanggit ng pangalan natin ay pumapangit, hahaha!" biro ko pa at kaagad naman akong hinampas ni Miyuki sa braso pero mahina lang.
"Hay! Naku, Mesake, it's Sol not soil!" biglang banat ni Manang.
"Hay naku, Manang!" sabay na lamang naming nabanggit ni Miyuki at saka kami nagsipagtawanan.
Matapos ng panunuod at kulitan ay nag-dinner na rin kami at saka nagsi-pagtulog na.
"Ohayou Gozaimasu!" pagbati ko habang bumababa ng hagdan. Nandoon na si Miyuki na kumakain na, habang si Manang naman ay nagse-serve.
"Oh, Mesake? Halika na at kumain na dine at baka kayo ay mahuli pa sa inyong mga klase."
"Hay naku, Manang Sol! Tawagin niyo na lang ho kaya akong Sasuke," nakangusong sabi ko at saka umupo. Tumawa naman nang bahagya si Miyuki at si Manang naman ay pumamaywang at seryoso kaming tiningnan.
"Kayo ha? Huwag kung saan-saan pumupunta. Magpaalam kung aalis at kung saan pupunta. Huwag kayong maghihiwalay--"
"At palaging magkasama," sabay naming pagputol ni Miyuki kay Manang sa kaniyang sasabihin, at saka kami bahagyang tumawa.
"Hay naku! Kayo talagang mga bata kayo, oo! Hindi dapat ginagawang biro ang mga sinasabi ko! Hala, sige tapusin niyo na ang kinakain ninyo at saka magsipasok na kayo at ako ay maglilinis pa," sabi ni Manang, at nilayasan na kami at naglinis na siya.
Nagtuloy lang kami sa pagkain nang walang kibuan, pagkatapos ay nagpunta na rin papasok sa school.