[2] Hired Lady

3101 Words
[2] Hired Lady ---- Selena's Pov Nagising ako dahil sa sunod-sunod na pagkatok ng malakas sa pintuan ng apartment na matagal ko ng nirentahan. They sure have some guts to knocked this loud early in the morning. Pagagalitan na naman ako ng landlady ko nito panigurado. "Oo na. Andyan na, just please stop banging my door. Nakaka.. I was petrified when I got assaulted by a huge body after I opened the door. Shocks. Kailangan ko pang tumingala para makita ang mukha nito. He's too bulky. Wrestler ba ang lalaking 'to? "What is it? Anong kailangan mo?" I glared. "You better back off kung wala kang importanteng pakay dito." Napadilat ang mga mata ko ng maramdaman ko ang baril na itinutok nito sa may ulo ko. What the actual f**k? What is this? Kidnap for ransom? Hindi na ako nakaangal pa ng kaladkarin ako nito palabas ng apartment ko. Kinaladkad talaga ako nito. Tss. Walang respesto. Bumungad sa akin ang mga kapitbahay kong nakikiusyoso at nagbubulungan sa tabi. "Mukha silang mga loan shark." "May utang ba ang batang 'yan? Tatawag na ba tayo ng pulis?" Tumawag na nga kayo! Kita niyong papatayin ako ng mga ito. Parang awa naman kahit ngayon lang tulungan niyo naman ako. "Huwag. Mga armado ang mga 'yan. Baka madamay pa tayo sa gulo ng batang 'yan." Napasimangot ako. Habang bumababa na kami sa lumang hagdanan ay nakatingin lamang sa akin ang mga mababait at concern kong mga kapitbahay. Tss. Huwag niyo nga akong tignan ng may awa sa inyong mga mata? Tusukin ko 'yang mga mata niyo, eh. The f**k? Hindi ko kailangan ng awa niyo! Naiintindihan niyo! Sa huling dalawang baitang ay pinilit kong makatakas sa mahigpit na hawak nito pero it was all futile. s**t! Anong gagawin ko? Tumigil kami sa harap ng itim na kotse. Nakasandal roon ang isang kasamahan nito na nakasuot ng ray ban habang naninigarilyo. "Let's go!" aniya sabay buga ng usok. Biglang akong nagpanic. "No. No. f**k. Let go of me. Anong bang kailangan niyo sa akin?" pagsisigaw ko. "Huwag ka ng mag-aksaya pa ng lakas binibini," sabi pa nito at tinapakan ang upos ng sigarilyo sabay binuksan ang pintuan ng kotse. "Ipasok mo na siya, Greg." Tumango naman ang lalaking may hawak sa akin at ipinilit akong ipasok sa kotse. Pero hindi ako makakapayag na wala akong gagawin. I tried again to escape. Ginawa ko na lahat. Sinipa ko ito, hineadbang, kinagat ang kamay, kiniliti pero ang lahat ay walang epekto sa kanya. Sa huli ay na-kidnap parin ako. Dammit! Wala namang magraransom sa isang katulad kong orphan. Nagkakamali kayo ng kinuha. ---- "Hey! Saan niyo ba ako dadalhin? Kung kidnap for ransom ang balak niyo. Wala kayong mapapala sa isang katulad ko. I'm an orphan, y'know?" Napatingin ako sa katabi ko at kay wrestler guy na siyang nagmamaneho ng sasakyan. Wala man lang reaksyon ang natanggap ko sa kanilang dalawa. Tikom-bibig lang sila habang parehong tutok sa daan. Hindi ba nila narinig ang sinabi ko? Mga bingi ba ang mga 'to? "Hey!" sigaw ko sa mas malakas na boses. "Tumahimik ka, pwede ba? Kung ayaw mong mapasukan ng bala yang bibig mo!" pagbabanta ng katabi ko. Napa-zip gesture ako sa bibig ko at lalo pang isiniksik ang sarili sa pintuan. Makalayo lang sa kanya. s**t, he's glare is so deadly. Para siyang nanlalapa ng tao. Yikes. Pero, bala talaga sakanya eh no? Pwedeng langaw na lang muna? ---- Naalimpungatan ako ng biglang mabundol ang ulo ko sa bintana ng huminto ang sasakyan. I was drooling at kaagad ko itong pinunasan. s**t. Nakatulog pala ako. Napatingin ako sa labas. Nasaan na ba kami? "Hey! Get your ass up outta here." said the ray ban guy. Hindi ko naman kilala ang lalaking 'to kaya hayaan niyo na kung anong itatawag ko sa kanya. Tahimik akong lumabas ng kotse at isang malawak na kagubatan ang bumungad sa akin. Sobrang lawak at nagtataasan ang mga punong kahoy na may iba't ibang klase. So wild and green. Actually, sobrang ganda ng paligid. Kundi lang sana ganito ang posisyon ko. Baka nag-eenjoy pa ako. Hindi nagtagal ay kinaladlad ulit ako nung Greg papasok sa loob ng gubat. Don't tell me. Dito ang kuta nila? I saw a rabbit pass on our way. Waaah. Rabbit. "Bilisan niyo ang paglalakad." Bumigat ang pagkakahawak ni Greg sa akin. s**t. Sigurado akong magkakapasa ako nito. Mga ilang minuto rin kaming naglakad hanggang sa marating namin ang isang maliit na bahay. Pinagmasdan ko ito nang makalapit kami. May naka-engrave na malaking initial dito. N Just N. Pumasok kami sa loob pero ngayon hindi na nakahawak sa akin si Greg. Unang pumasok si ray ban guy, sumunod ako at panghuli si Greg. Napadilat ang mga mata ko ng muli ay nakatapak na naman kami sa gubat. Anong nangyari? Napalingon ako. Huh? Isang front lang ang bahay na 'to? "Let's go. Naghihintay na si mistress sa'yo." malamig na sabi ni Greg at muli nitong hinawakan ang braso ko. Shit. Ano ba talagang kailangan nila sa akin. At sinong mistress ang tinutukoy nila? "Hey. Wala talaga kayong mapapala sa akin. I'm just nobody, y'know?" ani kong muli baka magbago ang isip nila at iba na lang kidnapin. "Oh? Is that so young lady." Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa may gilid nang may narinig akong nagsalita. Boses babae ito. Hindi ako nagkamali, may isang babae nga ang nakaupo habang may hawak na pamaypay na ginawang pantakip sa ibabang bahagi ng mukha nito. Katabi nito ang isang lalaki na formal ang suot (pati aura) at may suot na salamin. Ito na ba ang mistress na tinutukoy nila? "Come here, young lady." malambing na sabi nito. Tinitigan ko ito ng madiin at napadako ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa may gilid niya. Aba inayusan lang ako nito ng salamin na tila ba nagbabanta na kapag hindi ako sumunod ay malalagot ako sa kanya. Tsk. Sino ba siya sa akala niya? Sino ba sila sa akala nila? Napabuntong-hininga ako. Dahil sa wala narin naman akong magagawa sa estado ko ngayon. Sinunod ko nalang ito at lumapit sa kanya. "You grew fast!" masayang sambit nito pagkalapit ko habang tiniklop ang pamaypay. Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi nito. Ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to? As if naman nakita na niya ako noon. At isa pa hindi naman pamilyar sa akin ang mukha nito. Wow, feeling close si madame. "Hahaha. Hindi mo siguro ako natatandaan dahil bata ka pa noon," she clapped. Pero ganun parin ang reaksyon ko. "Oh? Am I being rude? Are you uncomfortable?" Wala parin talaga akong naiintindihan sa sinasabi nito. Kilala niya ba talaga ako? "Let us first introduce ourselves, shall we? Well then young lady. I'm Michelle Natsume. Nice to meet you," pagpapakilala nito. "Again." dagdag pa niya sabay ngiti. Natigilan ako sa kinatatayuan ko. No! No way. How could I? Napangisi ito. "Whats wrong, young lady? Naaalala mo na ba ako ngayon?" tanong nito sa akin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na ito. Maaasar ba ako sa ngiti nito o sa mismong buong pagkatao niya. Natsume-gumi. Remember is not the appropriate term to use for in the first place I haven't even forgotten them since the day that they took my family away from me and left me nothing but orphaned. "Remember?" I gritted my teeth. "Seriously? You b***h! You killed my family!" sigaw ko at sinugod ito but was stop midway by a strong grip. "Let go off me! Ano ba!" pagwawala ko. Pero hindi sapat ang lakas ko para makawala sa pagkakahawak ni ray ban guy. Letse! Bakit ang lalakas nila? "My. My. Such an unladylike manner you have there." sabi nito habang nakatakip ulit ang pamaypay niya sa kanyang bibig. "Tsk! You!" I tried to pry my way out but to no avail. I glared at her. "Calm down, young lady! You're here to know the truth." kalmang pahayag nito. Tsk. Truth? Baka naman ang ibig mong sabihin kasinungalingan? "Natsume-gumi and I didn't kill your family. That's the truth." Biglang kumulo ang dugo ko. "Liar!" sigaw ko sa kanya. Agad naman akong binatukan nitong bwisit na lalaki. Bwisit! Makawala lang ako. Humanda talaga sa akin ang isang 'to. Makakaganti rin ako! "Oh? I'm not born to tell lies, young lady! As I was saying, you are here to know the truth. Nothing but the truth," malamig na sabi nito. "Now if you'll just sit down and listen calmly?!" Biglang nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan ko dahil sa titig at tono ng boses nito. Pwersahan akong pinaupo at hindi na ako pumalag para kasing bigla akong tinakasan ng enerhiya sa katawan. "Good. Now then, Natsume-gumi didn't kill your family." Pssh! Lies. Lies. Lies. Napayuko ako. Hindi ako maniniwala sa sinasabi nito. "Instead, they took their own lives." Napadilat ang mga mata ko. No! They can't do that. Alam nilang naghihintay ako sa pagbabalik nila. My family won't abandoned me. "What? What did you say? Heh! Are you kidding me? Hindi sila ganung mga tao. Please, stop spouting nonsense." I choked out. "I'm not kidding here, young lady!" No! Akala naman niya paniniwalaan ko siya? Anong tingin niya sa akin? Uto-uto? Hindi no! Kilala ko ang mga uri nila. Bumuntong-hininga ito saka biglang tumayo at inalis at tiniklop ang kanyang pamaypay. "Kung ayaw mo paring maniwala sa akin. Then, come with me and I'll show you, Ms. Selena Black. Ng sa ganun ikaw na mismo ang makaalam sa totoong nangyari sa mahal mong pamilya." Inilahad nito ang kanyang palad. Paniniwalaan ko ba ang babaeng 'to? She's lying, right? Tell me! Mama! Papa! ---- "Hey! Selena." Nabalik ako sa realidad ng tawagin ako ni Tina, kababata ko. "Ah. Y-yes?" tanong ko sa kanya. "Kanina pa ako nagsasalita rito pero parang ang layo ng iniisip mo. Well, ano na pala ang status niyo ni kuya Tino?" tanong niya na para bang nakakita ng madaming pera sa daan o sa wakas ay nanalo sa lotto. Seriously? "Tsk. Ano bang paki ko dun sa kakambal mo." sagot ko. Bigla naman siyang nalungkot sa sinabi ko at napabuntong-hininga. "Alam mo ba, Selena. Kuya Tino always calls your name. Kahit pa nga sa panaginip niya." sabi niya habang nakatingin sa akin na para bang gusto niyang iparating sa akin ang nararamdaman nang kakambal niya. "Oo na. Sabi mo eh." saad ko. Napabuntong hininga na lamang ito sa ikadalawang pagkakataon at binaling ang tingin sa palabas. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Ang tagal naman ng sundo ko. Kanina pa dapat siya nandito. Bumalik nalang ulit ako sa panunuod ng Tom and Jerry. Kawawang pusa hindi parin mahuli-huli ang daga. Tsk. Tsk. ---- "What the hell is happening here?" tanong ni mistress Michelle sa mga dogs niya. Nandito kami ngayon sa Natsume-gumi's Lair dito sa Japan. Gaya ng sinabi nito, ipapakita niya ang katotohanan sa nangyari sa pamilya ko pero parang may p*****n na nangyayari sa loob dahil sa mga sigawan na naririnig namin sa loob ng gusali. "M-mistress Natsume. L-lady Michiko is on rampage!" saad ng isang lalaking may tattoo sa braso. The insignia of Natsume-gumi. At nagkaroon ito ng malaking hiwa roon. Michiko? Sino naman yun? "What?" hindi makapaniwalang tanong ni mistress. "DIE BASTARDS! ALL OF YOU!" Boses mula sa loob. Bigla namang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Who's that? "Michiko," bulong nito. "I'll go inside. Selena, stay here." habilin nito bago tuluyang pumasok sa loob. Ano bang nangyayari? "What a devil young lady." rinig kong sabi nung lalaking tinanungan ni mistress Michelle kanina. "Shut up! Or else I will kill you!" mariing sabi ni Bob rito. Napatungo nalang 'yung lalaki. Nabahag yata ang buntot. Ang angas naman kasi nitong si Bob kahit kailan. But, a devil he said? Gusto ko ring makita kung sino ito. Naiintriga ako. "Hey! San ka pupunta?" sigaw na tanong ni Bob ngunit nakapasok na ako sa gusali. Nilingon ko ito at nginisihan. ---- "Are you ready?" tanong sa akin ni Bob at binuksan ang pinto ng passenger's seat. "Yes. I'm ready." determinado kong pahayag. I'm ready yet nervous at the same time. I will face the devil herself, again! ---- "What on earth?!" sambit ko habang nakatingin sa mga walang buhay na nakakalat sa daan. Brutality as its finest! Who the hell did this?! "Calm down, Michiko." rinig kong pagsusumamo ni mistress Natsume. "I DON'T WANT TO!" Muli kong narinig ang naghihinagpis niyang boses! Puno ito pagkasuklam. Lahat ng balahibo sa katawan ko ay nagsitayuan dahil sa nararamdaman kong kaba at takot. Ngayon ko lang ito naramdaman. Kinikilabutan talaga ako sa kanya. ---- "We're here." Umiling ako upang hindi ko na maalala ang madugong nakaraan na 'yun. Napatingin ako sa labas ng bintana. What the? This is a huge gate. "Ano? Ihahatid pa ba kita sa loob?" Napailing ako. "Nah. No need. Thanks Bob." Bumaba ako ng kotse at kumaway kay Bob. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang naglakad. Simula sa araw na ito. Makakasama ko na siya. Good luck Selena. You can do this. "Good morning, Mr." bati ko agad sa guard pagkarating ko sa malaking black gate at may nakaukit ritong insignia ng Natsume-gumi. Tinaasan naman ako nito ng kilay 'aba ang taray ni manong' kaya wala na akong nagawa kundi ipakita ang code sa kanya. "I'm sorry for my rudeness. Good morning, young lady." magalang na aniya at pinagbuksan agad ako nito ng gate. Nagpasalamat naman ako at kaagad pumasok. Wow! Just wow! Dito na ba talaga ako titira? Nilakad ko na agad ang mahabang daan papuntang mansion. Ang layo-layo pa. Wala man lang bang masasakyan? Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay narating ko narin ang mansion. May kaagad namang sumalubong sa aking dalawang maids bago ako tuluyang bumagsak sa marmol na sahig. "Are you okay, young lady?" tanong sa akin ng isang katulong. Kinakapos ako ng hininga. Nauuhaw ako. "Yeah. I just need some water, please." hinihingal kong saad. "Right away, young lady." Inalalayan naman ako nung isang maid na makapasok sa loob ng mansion. Hindi nagtagal ay inabutan ako ng isang basong tubig. "Thank you." Agad kong ininom ang tubig. Man! I'm exhausted! Iniwanan naman ako nung maids dahil marami pa daw silang aasikasuhin. Kaya naglibot-libot muna ako. Napahinto ako sa malaking portrait. Wow. What a beautiful lady. I can really say she's a devil dressed like an angel. Narinig ko 'yung mga bati ng mga maids at butlers kaya napatingin ako sa naglalakad. What a beautiful hair she has. Lahat na yata napapansin ko. "Good morning, lady Michiko." bati ko sa kanya. Tinignan niya ako ng matiim. Napalunok tuloy ako ng laway bigla. "You're new, am I right?" pati boses niya nakakaintimidate rin. "Y-yes lady Michiko." sabay bow ko ng unti. "May I know your name?" "Oh? Selena my lady. Selena Gonzales." Yes. You heard it right. I'm not Black now. Matagal ko ng hindi ginagamit ang surname ko. Instead ang middle name ko na ang ginagamit ko. "Okay. I'm Michiko Natsume. It's nice to meet you." sabay abot niya ng kamay sa akin. Tinanggap ko naman ito. "My pleasure lady Michiko." May sasabihin sana siya kaso bigla namang dumating si mistress Natsume. "Oh? So you two already met?" tanong nito. "Good. Good." "Young lady. I want you to be friends with my daughter, Michi." sabi nito sa malambing na boses. "Yes mistress." "By the way, you can call me Michi." Eeeh? "Aah. Y-yes la. M-Michi." nauutal kong sabi. Feeling ko nag-iinit na ang mukha ko ngayon. I didn't expect her to be like this. Is she not a devil? Habang kumakain kami. Nakikinig lang ako sa usapan nilang mag-ina. Gosh. Hindi ako mapakali. Knowing that the devil is near me. Just beside me. Pero sa nangyari kanina. Iisipin ko talagang angel siya. Ang gentle niya kasi at masayahin pa. 'Yung aura niyang maliwanag. Siguro kong 'di ko lang nasaksihan yung madugong eksenang 'yun sa nakaraan. Hindi ko talaga aakalain na devil siya. Ang mga ngiti niyang full of sincere and so genuine. ---- "We're here." Hello again Sakura University. Nang pumasok na kami ang dami ng estudyanteng nandito. Narinig ko naman 'yung pag-uusap ng dalawang babae. Kaya nung mapalingon din sa gawi nila si Michi bigla silang nailang at umalis. "Michi?" "Yes?" "Tara na?" Nagpatuloy na nga kami sa paglalakad. At kitang-kita ko sa mukha ni Michi ang pagkamangha sa paligid. Napangiti ako. Agad kaming tumungo sa opisina ni dean. Pagkarating doon ay nahintay lamang kami sa lounge sa labas ng opisina nito. "Selena." Napatingin ako sa gawi ni mistress nang tawagin ako nito. "Yes?" "Bantayan mo si Michi habang nandito siya." seryosong habilin nito. "Ilayo mo siya sa ano mang gulo. Dahil alam mo na kung ano ang mangyayari." Napatango ako. "Opo mistress." Alam ko kung paano magalit si Michi. Pero nakakapagtaka naman? Bakit dito pa niya pinag-aral si Michi kung ayaw naman niyang mapalapit si Michi sa gulo? Eh ang eskwelahang ito.. "Ahahaha. Stop calling me mistress. I'm fine with tita. Hindi ka na bago sa akin." Nabigla naman ako sa sinabi niya. "It's official!" biglang sulpot ni Michi at niyakap si mis- ah este si tita pala. "I'm happy for you, baby." Tumayo narin ako. "Welcome to the Sakura University, Michi." bati ko sa kanya. Nabigla naman ako dahil niyakap rin ako nito. "We're going to celebrate!" biglang sabi ni tita. "Wait. How about the tour?" nakataas kilay niyang tanong. Uh-oh! "Come on, Michi. Marami ka pang days para malibot ang university na ito. You can take your time. Besides kasama mo naman si Selena. She'll help you, right Selena?" At tinignan ako ni tita ng nakangiti. Napatingin naman si Michi sa akin. "Yes mis- tita's right." pagsang-ayon ko saka ngumiti sa kanila. "I guess. Okay." nakangiting litanya nito. What a beautiful and sincere smile. She may be the devil I know but that was before. Now I only see an angel with full of happiness. Simula ngayon kahit na bumalik pa siya sa pagiging ganun hindi na ako magdadalawang-isip pa. Tatanggapin ko siya kahit na demonyo man siya o anghel. What matters now is the loyalty I have for the Natsume-gumi. Hindi ko uulitin ang ginawa ng mga magulang ko. Nagawa nilang hindi maging tapat at nang marealize nilang mali pala sila ng kinampihan ginawa nalang nila ang dapat nilang gawin. Ang maglaho na ng tuluyan. Ang kitilin ang kanilang sariling buhay dahil sa ginawa nilang kahihiyan. Kung mangyari rin sa akin ang ganun, gagawin ko rin ang ginawa ng mga magulang ko. Pero hindi ko na hahayaang umabot pa ako sa puntong 'yun. I will never betray Michi. I swear.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD