ANALYN "Jen, kailan day off mo?" Out of the blue kong tanong kay Jenniel habang tinutuktok ko ang hawak kong ballpen sa ibabaw ng aking desk. "Huh?" simpleng tugon naman nito na waring naguguluhan habang nakatikwas pa ang kaliwang kilay. Bumuntonghininga ako at tumayo na lamang saka ko ito inayang pumunta sa canteen. "Tara!" Pag-aaya ko kasabay nang marahan kong paghila rito palabas ng aming classroom. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Halos dalawang buwan na akong parang mababaliw sa kakaisip. Kakaisip kay Sandino at sa lalakeng nagbigay sa akin ng bulaklak sa trabaho habang nakasuot ito ng itim na facemask at cap. Nalilito ako, ngunit isa lang ang sigurado ko nahuhulog na ang damdamin ko sa baklang kaibigan ni Jenniel na si Sandino. "Ano bang nangyayari sa 'yo, Ana? Para kan

