MULA sa loob ng kotse ay tahimik lang akong nakatitig sa aking asawa habang abala ito sa trabaho. Paglabas pa lang nito ng university kasabay si Jenniel ay hindi ko na ito nilubayan ng tingin. Palihim ko itong sinusundan hanggang sa makasakay ito ng Jeep pauwi sa bahay. Maging ang muli nitong paglabas ng bahay papasok sa trabaho ay patuloy ko pa rin itong palihim na sinundan. Nakakatawa mang isipin na hindi ko na dapat pang ginagawa ang mga ganitong bagay dahil ano mang oras ay puwede ko itong kunin at iuwi sa aking mansyon kung saan ito nararapat, ngunit sa pagkakataong ito ay wala akong ibang choice kundi ang magtiis at palihim itong sundan at panoorin ang bawat galaw mula nasa malayo. At hintayin na lang ang tamang oras kung kailan puwede ko na itong kunin upang makasama. Mula sa mal

