PROLOGUE
I'm Sandino Galliguez, and I was born with a golden spoon in my mouth, but I didn't have the life I deserved because those riches and luxuries were stolen and denied to me by people who were greedy for money and power.
A 30-year-old Mafia boss whom everyone fears. Arrogant, cruel, dominant, and powerful, but there is one woman I will never forget. Seven years ago, a seventeen-year-old girl captured my heart. And she was the one I was most afraid of losing.
☆☆☆
Hawak ko sa aking mga kamay ang batas. At lahat ng mga taong nagkakasala ay aking pinarurusahan. Hindi ako tao dahil hindi ko kilala ang salitang awa at patawad.
Hindi ako tao kung pumatay. Sa mga kamay ko dumadanak ang dugo, ngunit ang mga taong dumadaan lamang sa aking mga kamay ay ang mga taong karapat-dapat lamang mamatay. Ang mga taong salot sa lipunan at mga basurang dapat lamang sunugin. Mga kriminal.
Hindi ako marunong magmahal at para sa akin ay laruan lamang ang mga babae. Mga babaeng tanging hangad lamang ay ang aking pera at kapangyariha, tulad ng babaeng umangkin at nagnakaw ng karapatan sa amin ng aking ina. Ang babaeng ngayon'y1 nagtatamasa sa pera at karangyaan sa piling ng aking ama.
Subalit isang araw ay nagising na lamang akong waring hindi ko na kilala ang aking sarili simula nang makita ko ang isang dalagang walang malay na biktima ng human trafficking.
Natutunan ko kung ano ang ibig sabihin ng salitang pag-ibig at kung paano tumitibok ang puso para sa taong minamahal. Ngunit sa kabila ng pagbabagong iyon, hindi ko rin maitatanggi ang takot na aking nararamdaman para sa babaeng umpisa pa lamang ay nagmamay-ari na ng aking puso. Ang tanging babaeng minamahal ko.
Natatakot akong maging ang dalaga ay mawala sa akin tulad ng aking ina dahil sa trabaho at pagkataong mayroon ako. At sa mga taong walang ibang hangad kundi mapabagsak ako. Ang isang Sandino Galliguez. Ang pangalawa sa pinakamataas na hanay ng mga Mafia na kinatatakutan ng lahat at niluluhuran ng mga taong nakapalibot sa mundong aking ginagalawan.
CHAPTER 1
•YEAR 2015•
"What happened to her?" tanong ko kay Dolfo habang mariing nakatitig sa walang malay na dalaga na nasa mga bisig nito.
"Inabutan po naming walang malay habang nakahiga sa kama at nakatali ang mga kamay at paa." Imporma nito. Lumapit ako at tititigan ko ang mukha ng dalagang walang malay.
Hindi maitatanggi ang taglay na ganda ng dalaga, ngunit dahil sa mga demonyong iyon na gustong sumira sa buhay nito at ng iba pa ay nabangasan ang maganda nitong mukha at makinis na balat.
Namumula ang tigkabila nitong pisngi na marahil ay mula sa malakas na pagkakasampal, habang sa gilid naman ng labi nito ay bakas pa ang dugo at sariwang sugat ang makikita. At bahagya pang nagkukulay ube ang kaliwa nitong mata.
Tumango ako kasabay ng malalim kong pagbuntong hininga. "Take all of the victims to the hospital for examination, and call their parents once the authorities have finished speaking with them."
Tumango naman sina Dolfo at Amida. Ang dalawang ito lamang ang mas higit kong pinagkakatiwalaan sa lahat ng aking mga tauhan.
Tangka na sana akong tatalikod nang bigla naman akong tinawag ni Amida. "Boss, confirmed po, si Miss Cassandra Arguillez ang sakay ng kotseng pula at nakipag-usap sa leader ng kabilang sindikito."
Mariing napakuyom ang aking mga kamao mula sa impormasyong sinabi ni Amida. Matagal na namin itong pinaghihinalaan ngunit hindi namin magawang galawin maging ng Shadow Organization na katuwang ko sa paglinis sa mga basura sa lipunan dahil wala pa rin kaming hawak na konkretong ebidensya laban kay Cassandra Arguillez Monteverde.
"Hawak na rin po nina Lieutenant Lopez at Director Oxford ang lahat ng kopya ng CCTV footage at ang mga tauhang nahuli."
Tumango ako. "Good. Mag-set ka ng meeting bukas para sa kanila." Utos ko at agad na ring sumakay sa kotse.
Habang nasa kalagitnaan ng biyahe ay muling sumagi sa aking isipan ang magandang mukha ng dalaga kanina. At sa puntong iyon ay para bang may kung anong kakaibang damdamin sa akin ang sumibol na bago lamang sa aking sistema kasabay nang malakas na pagkabog ng aking dibdib na para bang may kung anong mga bagay ang nais mag-alpasan mula sa loob.
Bumuntong hininga ako at lumingon kay Dolfo. "Diretso tayo sa hospital, Dolfo. Alamin mo kung saang hospital dinala ang mga biktima."
Tumango ito at agad namang kinuha ang cellphone, saka nito tinawagan ang ilang opisyal na hawak ko.
PAGDATING namin sa Delgado's Hospital ay agad na ring sumalubong sa akin si Amida at sinabi kung nasaan ang mga babaeng nailigtas namin kanina mula sa mga bentahang nagaganap sa pagitan ng mga sindikato at mga parokyano.
Mariin akong nakatitig sa dalagang hanggang ngayon ay wala pa ring malay. At sa hindi ko maintindihan ay lalo lamang lumakas ang kabog ng aking dibdib kumpara sa naramdaman ko kanina habang mariin ko itong tinititigan.
I own you now, lady.
Impit kong sambit sa aking isipan kasabay nang pagsilay ng aking ngisi, saka ako lumapit sa dalaga at marahan kong hinaplos ang mga bakas ng karahasan sa maganda at makinis nitong mukha.
"Boss, sabi po ng doktor na sumuri sa kanya ay wala naman daw pong malaking pinsalang natamo ang dalaga. At maya-maya lang ay maaari na rin daw pong magising ang dalaga." Imporma ni Amida mula sa aking likuran.
Humarap ako rito at agad naman itong bahagyang yumukod maging si Dolfo. "Good! Ipaalam n'yo agad sa akin oras na magising na s'ya. Kontakin n'yo agad ang pamilya n'ya at dalhin n'yo sa akin."
"Okay po, boss." Tugon ni Amida, at agad na kinuha ang cellphone.
Muli akong bumaling ng tingin sa dalaga. Katam-taman lamang ang tangos ng ilong nito na medyo bilogan ang pisngi, taliwas naman sa katawan nito na hindi mo kakikitaan ng laman o taba. At ang medyo may kakapalang hugis ng labi nito na waring ang sarap halikan at angkinin ng paulit-ulit.
Sunod-sunod akong napalunok kasabay ng bahagyang pagkabuhay ng aking sandata dahil sa tinatakbo ng aking isipan. Mabilis akong nag-iwas ng tingin dito at muling bumaling kay Amida.
"Ilipat mo s'ya sa malaking silid at tiyakin mong magiging komportable s'ya habang nagpapagaling."
"Yes, boss. Gagawin ko po. Nakausap ko na po ang ilang nga tauhan. Ipinapaasikaso ko na po ang mga magulang n'ya. Asahan n'yo po ang pagdating nila bukas ng umaga."
Tumango na lamang ako at dumiretso na rin palabas ng silid nito.
"Dolfo, sa mansyon tayo at magpadala ka ng mga babae." Utos ko at agad na ring sumukay sa loob ng kotse.
Tumango ito, saka nito kinuha ang cellphone at tinawagan ang ilan sa mga tauhan ko bago pa man ito sumakay sa kotse. Napabuntong hininga na lamang ako at marahang napisil ang aking p****i upang kahit paano ay mabawasan ang pagwawala nito dahil lamang sa magandang hugis ng labi ng dalaga na hanggang ngayon ay hindi mawala sa aking imahinasyon na para bang ang sarap angkinin ng paukit-ulit at huwag tigilan hangga't hindi ko pinagsasawaan.
"D*mn it!" mariin kong sambit kasabay ng muling pagpisil sa aking p****i dahil lalo lamang iyong nagwawala sa halip na kumalma.