NAGISING ako sa kung ano mang bagay na nakapatong habang nakapulupot sa aking baywang. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata saka ko marahang inilibot. Subalit mabilis akong natigilan nang tuloyan ko ng nakita ang kabuoan ng silid na aking kinaroroonan dahil ang silid na ito ay hinding-hindi ko kailanman makakalimutan. Ang silid na ang naging saksi noong unang beses kong inihain ang aking sarili sa lalaking noong araw rin iyon ko napagtanto ang tunay kong nararamdaman para dito, ngunit ang damdaming iyon ay ganoon din lamang kabilis nabalewala o binalewala ng lalaking iyon. abilis akong napalingon sa aking tabi. Sa taong mahimbing na natutulog sa aking tabi habang nakapulupot ang kamay sa aking baywang. At parehong walang ano mang saplot ang aming mga katawan. Malakas na pagkabo

