ANALYN "Kumusta ka na, Ana? Alam mo, 'di talaga ako makapaniwala no'ng nag-chat ka– may dala nga pala akong kere-kere este kare-kare!" Tumayo ito habang tumatawa, saka nito inayos ang pagkaing dala. Si Jenniel. Ang aking nag-iisang kaibigan sa university. Pang-apat na araw ko nang namamalagi rito sa hospital dahil sa nangyaring insidente sa aking pinagtatrabahuhang grocery store. At laking pasalamat ko na lang dahil hindi rin ako pinabayaan ng may-ari ng store. Sinagot nito ang lahat ng gastusin ko sa ospital, at ayon din dito ay wala akong dapat ipag-alala dahil bayad pa rin naman daw ang mga araw ko kahit hindi ako nakakapasok sa trabaho. Bumuntonghininga ako. "Oo nga, eh. Akala ko katapusan ko na no'ng araw na 'yon, buti na lang may tumulong din sa amin nang oras na 'yon– at alam mo

