Chapter 7

1919 Words
Alona "HI." Nakangiting bati ko kay Lorna ng tumingin sya sa akin pagpasok ko ng kwarto ni Wayne. "O narito ka na pala Alona. Akala ko di ka na dadating eh." "Na-late lang ako matraffic kasi sa may crossing." Maingat kong sinarado ang pinto. "Mabuti di ka pinagalitan ni ser." Ngumiwi ako. "Nasermonan lang ng very light. Kasalanan ko naman." Tumingin ako kay Wayne. Nilalaro nya ang kanyang laruan na tren. Habang pinapausad nya ito ay nilalagyan pa nya ng tunog. "O pano, ikaw na bahala dito. Nasabi naman sayo ni ser kahapon ang lahat tungkol kay Wayne di ba?" Tumango tango ako kay Lorna. "Basta kapag may di ka alam tanong ka lang sa akin o kay Ate Melinda." "Oo." "Teka, magaling ka bang umilag?" Kumunot ang noo ko sa tanong ni Lorna. "Bakit?" "Naku, kung hindi ka marunong umilag pag aralan mo na. Spotter pa naman yan si Wayne, tiyak may bukol ka." Ngumiwi ulit ako. "Pinapakaba mo naman ako Lorna eh." "Kuh, wag kang kabahan. Dapat maging alerto ka. Dahil yang si Wayne may habit yan na bigla na lang namamato. Lalo na kapag may tantrums yan naku! Ang hirap pakalmahin. Lahat ng mga naging yaya nyan umaalis dito sa mansion na puro bukol at pasa sa mukha. Kami ngang lahat na mga kasambahay nakatikim na ng bukol dyan eh. Lalo na si ser. Kaya maging alerto ka. Sayang naman ang maganda mong fez kung magkakapasa lang." Humugot ako ng malalim na hininga. Kinakabahan man ay pilit kong tinatagan ang sarili. "Sige ako ng bahala dito Lorna. Gagawin ko ang makakaya ko." "Ok, good luck sayo. Kapag nakatulog naman yan pwede kang bumaba at makipaghuntahan sa amin sa kusina." "Sige." Lumabas na si Lorna at naiwan na lang ako kasama si Wayne. Muli akong humugot ng malalim na hininga at lumapit kay Wayne. Nasa mga laruan pa rin ang atensyon nya at tila hindi ako napapansin. Dahan dahan akong umupo sa carpeted floor ng pa-indian seat. Binanat ko ang labi sa isang malapad na ngiti. "Hi Wayne." Masiglang untag ko sa bata. Sumulyap lang sya sa akin. Bumuntong hininga ako at mas lalo pang pinasigla ang boses. "Ako si Yaya Alona. Ako na ang mag aalaga sayo simula ngayon. Good boy ang baby na yan di ba?" Hindi pa rin nya ako pinapansin at tuloy lang sa paglalaro. Kaya ako ay nakatingin lang sa kanya at nag iisip kung ano ang susunod na gagawin. Ngunit maya maya lang ay nakangiti syang tumingin sa akin at tinaas ang hawak na laruan. Mabilis naman akong umilag. Pero tinawanan lang nya ako. "Tsug! Tsug!" Sambit lang nya. Napahawak ako sa dibdib dahil sa sumalakay na kaba. Akala ko ibabato nya sa akin. "Tsug! Tsug!" Muli na naman nyang sambit. Humugot ako ng malalim na hininga at ngumiti. "Gusto mong magplay tayo?" Hindi sya sumagot at ngumiti lang. Mukhang gusto nya yatang makipag laro. Dahan dahan akong lumapit sa laruan nyang tren tren. May isa pang tren doon na hindi nya ginagalaw. Hinawakan ko yun at pinadausdos sa plastic na riles. Ginagaya ko pa ang tunog ng tren. Mukhang natuwa naman sya dahil panay ang hagikgik nya. Mabilis naman nyang pinadausdos ang tren nya, hinabol ko naman ito ng laruang tren na hawak ko at kapag nakalapit ay bahagya ko itong bubungguin sa likuran. Tawa naman sya ng tawa. Pati ako ay natatawa na rin. Sa isang oras na magkasama kami sa kwarto nya ay gusto lang nyang makipag laro sa akin. Inaabutan nya ako ng ibang laruan at yun naman ang lalaruin namin. Pero mabilis syang magsawa sa laruan at ibabato nya ito sa pader. Isa yun sa ugali nya na napapansin ko. Bigla na lang ibabato ang laruang ayaw na nyang laruin. At kapag ganun ang ginagawa nya ay tumatalon ang puso ko. Pero mainam na yung pader ang binabato nya at hindi ako. Pagpatak ng alas onse y medya ay pumasok ulit si Lorna at may dalang tray na may lamang pagkain. Nilapag nya iyon sa mesita at nagpaalam ng lumabas. Mamayang pananghalian ay papalitan daw nya ako saglit para makakain ako. Hindi naman ako nahirapang pakainin si Wayne. Lahat ng sinusubo ko ay kinakain nya. Naubos nga ang laman ng plato nya. Sana lagi lang syang ganito na hindi mahirap alagaan. - "O kamosta ang alaga mo day?" Tanong ni Ikang sa tonong may punto pagpasok ko ng kusina. Nagpupunas sya ng counter. Hindi ko na nakita sila Ate Melinda, Lorna at Denden. Baka nagpapahinga na sila sa servants quarter. "Hayun nakatulog na." Sabi ko at kumuha ng baso sa dashboard. Nagsalin ako ng malamig na tubig na nasa pitsel. "Mabuti at wala ka pang bokol day." "Wala pa naman. Mabait naman si Wayne ang cute cute pa." Sambit ko at hinugasang ang basong ginamit. "Kuh, wag kang magpapabodol sa kakyotan ng batang yun. Mabait yon sa ngayon pero kapag yan senompong nakow! Parang senapean ng dimunyo." "Grabe ka naman. May sakit kasi sya kaya ganun." "Eh sa totoo naman eh. Kaya walang nagtatagal na yaya sa kanya. Ewan ko lang ikaw." Bumuntong hininga na lang ako. "Sige balik na ko sa kwarto baka magising pa yun." Tumango na lang sya. Lumabas na ako ng kusina at dinukot ang cellphone sa bulsa ng scrub suit na suot ko. Iti-text ko si nanay at Girlie baka nag aalala na sila sa akin. Sasabihin kong nandito na ako at tatawag ako mamayang gabi. Pagbalik ko sa kwarto ni Wayne ay tulog na tulog pa rin sya. Niligpit ko na lang ang mga laruan nyang nakakalat, ng matapos ay umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ang mahimbing na tulog nya. Naalala ko ang mga pamangkin kong maliliit. Makukulit kapag gising at kapag tulog naman ay mga mukhang anghel sa amo ng mga mukha. Gaya ni Wayne. Mukha syang mabait na bata. Kung normal lang na bata sya ay nasisiguro kong mabait sya at malambing. Bumuntong hininga ako at napaisip. Nasaan kaya ang mommy ni Wayne? Wala namang nababanggit si Wallace tungkol sa ina ni Wayne ganun din ang mga kasambahay. Ang alam ko lang ay hindi sila nagsasama at nasa pangangalaga ni Wallace ang anak. Yun lang. Tanungin ko kaya si Lorna? Kaya lang nakakahiya. Baka magmukha pa akong tsismosa. Hinaplos ko ang buhok ni Wayne. "Sana gumaling ka na baby boy at maging normal na bata. Sana wag mo kong pahirapan sa pag aalaga sayo. Pero wag mag kang mag alala gagawin ko naman ang lahat para alagaan ka at ibigay ang lahat ng atensyon na kailangan mo." Mahinang sabi ko. Humikab ako. Nakaramdam ako ng antok. Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa dami ng iniisip. Humiga ako sa tabi ni Wayne at nilabas ang cellphone. Tamang tama may reply na si nanay at si Girlie. Kinakamusta nila ako dito. Nagselfie naman ako at sinend sa kanila. Panay na ang hikab ko at bumibigat na ang talukap ng mata ko. Nag offline muna ako at tumagilid paharap kay Wayne. Iidlip muna ako saglit.. . . "Aww!" Nagising ako ng may pumukpok ng matigas na bagay sa noo ko. Sinapo ko ang noo at namaluktot sa sakit. Mahina pa akong napamura. May narinig akong tawa ng isang bata. Doon ko lang naalala na katabi ko sa kama si Wayne. Bumangon ako at nilingon si Wayne habang sapo ang noo. Tatawa tawa naman sya habang hawak ang isang laruan na penguin. Malamang yun ang pinukpok nya sa noo ko. "Wayne." Tawag ko sa kanya sa nagbabantang boses. Pero humagikgik lang sya at bumaba ng kama at tumakbo. Gusto nya uling makipaglaro. Bumuntong hininga ako. Ramdam kong umuumbok na ang parte ng noo kong pinukpok nya. "Wayne naman eh. Gusto mo lang naman palang makipaglaro pinukpok mo pa ko. Tingnan mo si yaya o. Hindi pa tapos ang unang araw ko may bukol na agad ako." Pero ang makulit na bata tinawanan lang ako sabay bato sa akin ng laruan. Mabuti na lang mabilis ko yung nailagan. Tama nga ang sabi ni Lorna. Spotter nga sya. Ang sakit nyang makipaglaro. Umalis na ako sa kama at umambang hahabulin sya. Tumitiling tumakbo naman sya at gumapang sa ilalim ng kama nya. Nilapitan ko naman sya at hinila ang paa nya palabas. "Huli ka! Gaganti ako akala mo ha!" Tinihaya ko sya at pinagkikiliti sa tiyan. Panay naman ng hagikhik nya habang nagpapasag. "O ano? Ito gusto mo di ba, laro." Natatawa na rin ako habang patuloy syang kinikiliti. Ng makita kong namumula na sya at napapagod na ay tinigilan ko na. Pero ang makulit na bata na akala ko ay pagod na ay tumayo at umikot sa likuran ko sabay damba at yakap ng maliliit nyang mga braso sa aking leeg. Gusto pa nya ng harutan kaya pinagbigyan ko na. Dahan dahan akong humiga patagilid at umikot. Sya naman ngayon ang nasa ilalim at pinagkikiliti ko ulit. - Pagpasok namin ng kusina ni Wayne ay tumuon sa amin ang mga mata nila Ate Melinda. Palipat lipat ang tingin nila sa amin ni Wayne na tila namamalikmata. Binuhat ko naman si Wayne at iniupo sa high chair at iniusod ito paloob sa counter para hindi sya malaglag kung sakaling maglikot. Pagkatapos ng harutan namin kanina ay binihisan ko na sya dahil pinawisan. Dahil bata sya alam kong nagutom sya sa pagod kaya inaya ko na syang lumabas ng kwarto at pumunta dito sa kusina para magmeryenda. "Ate Melinda nagugutom na yata si Wayne." Sabi ko. "Heto na nga nire-ready na ang meryenda nya. Pero himala sumama sayo yan dito sa baba." Nagtaka naman ako. "Bakit? Ayaw po ba nyang bumaba?" "Bababa lang sya kapag kasama ang daddy nya at sila Ser Melchor at Ma'am Jacinta. Pero sa aming kasambahay ayaw nyang sumama. Mabuti nga at sumama sayo yan." "Inaya ko kasing bumaba para magmeryenda. Hindi naman sya sumagot at humawak lang sa kamay ko. Napagod siguro sa harutan namin." Wika ko. Umawang naman ang labi ng apat na para bang may nakakabelieve sa sinabi ko. "Bakit?" Kyuryosong tanong ko. "Wala day, nannibago lang kame." Sagot ni Ikang. Tinuloy na nila ang mga ginagawa nila. Si Lorna naman ay binigay na ang meryendang egg sandwich kay Wayne. Paborito daw yun ni Wayne. Pati ako ay inabutan din ni Lorna. Dahil nagutom din ako sa harutan namin ay tatlong kagat ko lang ang sandwich. "Anong nangyari dyan sa noo mo Ate Alona? Namumula at may bukol pa yata." Tanong ni Denden na tinuro pa ang noo ko. Tumingin naman sa akin sila Ate Melinda. Hinimas ko naman ang noong may bukol. Nakalimutan ko pang humingi ng yelo. "Ah eto ba? Eh di nabinyagan na ako ng mahal na prinsipe." Nakangising sabi ko. "Binato ka?" Tanong ni Lorna. "Hindi. Nakatulog kasi ako sa tabi nya tapos nagising lang ako ng pukpukin nya ng laruan nyang penguin ang noo ko. Kaya heto may bukol." Natatawang sa sabi ko at nagsalin ng tubig sa baso. Umawang na naman ang labi ng apat at nagtinginan pa sila. "Pahingi pala ako ng yelo pantapal dito sa bukol ko para umimpis." "Teka lang day, may cold compress tayo dito." Agad namang tumalima si Ikang at binuksan ang drawer sa ilalim nvg counter. Binalingan ko naman si Wayne na paubos na ang kinakain. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi nya. Tumingin sya sa akin at pacute pang ngumiti. Ngumisi na lang ako at pinsil ang pisngi nya. Inabot na sakin ni Ikang ang cold compress. Kinuha ko yun at nilagay sa bukol ko. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD