Wallace DINAMPOT ko ang bote ng whiskey at muling nagsalin sa baso. Dinampot ko ang baso at binagsak ang likuran sa leather chair. Dumekwatro ako at sinimsim ang alak sa baso. Balewala lang sa akin ang pagguhit ng pait sa aking lalamunan. Bumuntong hininga ako at napatiim bagang. Kinuyom ko ang kamaong nangangati pa rin. Kung hindi lang ako inawat kanina ni Gado at Reed ay pinulbos ko na sa bugbog ang gagong Jay na yun. Kanina ko pa napapansin ang kakaiba nyang tingin kay Alona. Kahit kausap ko ang mga ka-batchmate namin kanina ay hindi ko sya nilalayuan ng tingin dahil iba ang kutob ko. At hindi nga ako nagkamali. Nilapitan nya si Alona at kinausap na ikinangitngit ko. Nakita ko ang pagkailang sa mukha ni Alona kaya lumayo sya. Pero ang gago sinundan pa sya at papatulan pa ang anak k

