Alona
PAGDATING sa opisina ni Gov. Andrada ay may ilan na ngang nakapila na gaya ko rin ay humihingi ng tulong. May nanghihingi para sa burial, pampa laboratory, food assistance at medical assistance. Pumila ako sa window three kung nasaan ang medical assistance. Tamang tama isa lang ang nakapila doon at kinakausap na ng isang staff. Mabilis lang naproseso ang papel nya pagkatapos ay ako na. Mabait ang staff at mabilis ding naproseso ang mga papel ko. Kapag kumpleto naman ang mga papel na kailangan ay mabilis naman nilang maaprubahan. Binigyan na nila ako ng petsa ng payout. Next month pa iyon. Matagal pero ayos lang. At least next month ay hindi na ako maghahagilap ng pera para sa gamot ni nanay.
Maayos ko ng binalik ang ibang mga papel na di na kailangan sa plastic envelope habang naglalakad pababa ng hagdan. Mabuti na lang at maaga aga ng punta kaya maaga din akong makakauwi.
May naulinigan akong mga bulungan.
"Ay yung anak ni gov dumating at may kasamang babae."
"Bagong kasintahan yata."
Bumilis ang t***k ng puso ko ng marinig ang tungkol sa anak ng dating gobernador. Nag angat ako ng ulo at eksakto namang tumambad mismo sa harapan ko ang lalaking kanina lang ay laman ng isipan ko. Si Wallace Andrada. Tila ako nabato balani at sya na lang ang nakikita kong tao sa paligid.
Ang gwapo gwapo nya lalo ngayon. Bagay talaga sa kanya ang may balbas at bigote. Mas lalong ang hot nyang tingnan. Tamang tama nga talaga ang punta ko dito dahil pumunta din sya. Ihh! Kinikilig talaga ako!
Masayang masaya na sana ako na nakita ko si Wallace kung hindi lang may sawang nakalingkis sa braso nya. Isang maganda at matangkad na babae ang nakahawak sa braso nya ngayon at matamis silang nangingitian. Malagkit pa ang tingin nila sa isa't isa tila walang pakialam sa mga taong nasa paligid nila at nakatingin sa kanila.
Bumuntong hininga ako. Well, sanay naman na ako na iba ibang babae ang kasama nya. May pagkababaero din naman kasi sya. Sa sobrang pagkababaero nga nya may naanakan sya.
Gumilid ako ng padaan na sa harapan ko ang dalawa. Nag uusap sila at nagtatawanan pa. Mabilis na mabilis naman ang t***k ng puso ko habang papalapit sila sa akin. Pipi akong humihiling na sana ay tapunan nya ako kahit sulyap lang.
"Magandang umaga ho Sir Wallace." Bati ng isang matandang babae.
"Magandang umaga ho naman." Nakangiting balik bati din ni Wallace.
Nagsunod sunod na ang mga bumati sa kanya. Ako naman ay titig na titig lang sa kanya. Ang sarap kasing titigan ng gwapo nyang mukha at masarap sa tenga ang malaki at lalaking lalaki nyang boses.
"Naaasikaso ho ba kayo ng mga staff?"
"Naaasikaso naman ho ser."
"Mababait po ang mga staff nyo."
"Mabuti naman kung ganun. Kung may problema pa kayo wag kayong mahihiyang lumapit. Laging bukas ang tanggapan ng aking ama para sa inyo."
"Maraming samat ho Ser Wallace."
Pagdaan nya sa harapan ko ay nalula ako sa tangkad nya at laki ng katawan. Umaalingasaw din ang pabangong gamit nya. Hindi ito masakit sa ilong at lalaking lalaki ang amoy ng pabango nya. Pero sumasapaw sa pabango nya ang matapang na pabango ng babaeng kasama. Ang sakit sa ilong.
Hanggang sa makalampas na sila ay hindi man lang sumulyap sa akin si Wallace. Mabuti pa yung ibang tao na bumabati sa kanya, tinitingnan nya at nginingitian. Oo nga pala dapat binati ko din sya. Eh kasi naman mas gusto kong titigan lang sya.
Bumuntong hininga ako at ngumiti na lang. Well sino ba ako para pagtuunan nya ng pansin. At least nakita ko sya ngayong araw. Sapat na sa akin yun. At ikukwento ko yun kay Girlie pag uwi.
Sinundan ko ng tingin si Wallace at ang kasama nyang babae. Paakyat na sila sa second floor ng building kasama ang tatlong bodyguard at ilang mga staff na aligaga.
Inayos ko na sa pagkakasukbit ang sling nag ko at kinipkip ang plastic envelope at bumaba na sa hagdan. Pero sa kasamaang palad pagtapak ko sa huling baitang ay dumulas ang isa kong paa sa malumot na parte. Hayun! Plakda ang beauty ng lola mo.
"Aray." Nakangiwing daing ko. Iniinda ko ang pagbagsak ng puwitan ko.
"Miss ayos ka lang?" May isang lalaking lumapit sa akin at inalalayan akong tumayo.
Dahan dahan naman akong tumayo habang nakangiwi pa rin at alalay ng lalaki. Pakiramdam ko nabugbog ang puwitan ko. Tumingin ako sa paligid. Nakatingin sa akin ang halos lahat ng tao. Nakakahiya. Lumipad ang tingin ko sa second floor ng building. Nakatingin din sa akin ang mga taong naroon lalo na si Wallace na nakataas pa ang isang kilay. Mabilis akong nag iwas ng tingin. Mas lalong nakakahiya na nakita nya akong pumlakda. Sumulyap nga sya sa akin pero sa gitna ng kahihiyan na inabot ko.
Shucks! Lupa lamunin mo ko now na!
Inabot ng lalaking tumulong sa akin ang tumilapon kong plastic envelope.
"Salamat kuya." Kinuha ko ang envelope at tiningnan ang lalaking tumulong sa akin. Napaawang ang labi ko ng makilala ang lalaki. Isa rin sya sa mga staff sa loob at crush na crush ni Girlie.
"Ayos ka lang miss? Ang dumi ng pantalon mo o." Aniya at tinuro ang parte ng pantalon ko sa bangdang puwitan. Oo nga madumi nga ito at may bakas pa ng basang lumot.
"Ayos lang ako kuya." Nakangiwing sabi ko. Pero napapaisip ako kung paano sasakay ng jeep na madumi ang pantalon. Nakakahiya.
"May dala ka bang panyo? Punasan mo na lang yang dumi." Suhestiyon ng lalaki.
Lalo akong napangiwi. "Wala akong dala eh."
Umiling iling ang lalaki at may hinugot sa likurang bulsa ng pantalon. Inabot nya sa akin ang panyo.
"Nasa likuran nitong building ang banyo. Magpunas ka muna."
Saglit na tinitigan ko ang malinis na panyo. "Naku, wag na. Nakakahiya naman."
"Mas nakakahiya kung maglalakad ka palabas na madumi yang pantalon mo. Sige na magpunas ka na." Giit pa nya.
Kumagat labi ako at kinuha na ang panyo. "Salamat. Lalabhan ko na lang tong panyo sa bahay tapos pagbalik ko sa payout ibabalik ko rin to sayo."
"Ikaw ang bahala. Sigurado ka walang masakit sayo?"
Umiling iling ako. "Medyo masakit lang ang puwitan ko pero nawawala naman na."
Tumango tango sya. "Sige maiwan na kita. Maglinis ka muna sa banyo bago umuwi."
"Salamat ulit."
Tumango lang sya at umakyat na sa hagdan. Mabait naman pala sya. Akala ko masungit talaga. Siguradong matutuwa si Girlie at maiinis kapag kinuwento ko sa kanya mamaya ang tungkol sa crush nya. Ako naman masaya rin na nakita si Wallace pero di ako masaya na nakita nya ang kahihiyang inabot ko kanina.
Bumuntong hininga ako at tumungo na sa likod ng building kung nasaan ang banyo para maglinis.
-
"Talaga?"
"Oo nga!"
Panalo ako ni Girlie sa braso at sumimangot. "Sabi ko naman sayo sasama ako eh."
Ngumiwi ako at hinimas ang brasong pinalo nya. Mabigat talaga ang kamay ng babaeng to.
Kinuwento ko kasi sa kanya ang nangyari sa akin kanina sa labas ng opisina ni gov. Kaya ayan nagmamaktol sya dahil hindi ko sya sinama kanina eh di nakita nya sana at nakausap ang palalabs nya.
"Kailangan talaga mamalo?"
Ngumuso sya. "Eh kasi naman di mo ko sinama. Hayan tuloy di ko man lang nasilayan ang irog ko."
"Eh nagmamadali ako eh. Saka ang bagal mong kumilos no. Kung hihintayin pa kita siguradong mahaba na ang pila."
"Ihh kasi naman! Ang daya daya mo talaga Alona." Pagiinarte nya.
Umiling iling ako at dinukot ang panyo na binigay sa akin ng palalabs nya. Binigay ko yun sa kanya.
"O hayan, panyo yan ng palalabs mo. Pinahiram nya sa akin ikaw na maglaba."
Agad naman nya iyong hinablot sa kamay ko at dinikit sa ilong. Wala lang sa kanya kahit madumi iyon dahil pinunas ko sa puwitan ng pantalon ko. Ngunit agad din nyang nilayo ang panyo sa ilong at ngumiwi.
"Bakit amoy lumot?"
"Eh pinunas ko yan sa puwitan ng pantalon ko eh. Sa sementong may lumot ako bumagsak."
"Kadiri ka naman! Tapos binigay mo pa to sa akin." Reklamo nya.
"Gaga! May amoy pa nya yan. Kung ayaw mo eh di akin na lalabhan ko na yan." Akmang hahablutin ko ang panyo pero mabilis nyang iniwas ito.
"Ako na maglalaba nito pero uubusin ko muna ang amoy nya."
Ngumisi ako. "Adik."
"Teka, nakuha mo ba ang pangalan nya."
"Hindi."
"Ay, bakit hindi mo kinuha?"
Tinaasan ko sya ng kilay. "At bakit ko naman kukunin? Crush ko ba sya? Ikaw ang may crush sa kanya di ba?"
Nanghaba na naman ang nguso sya. "Sana kinuha mo na para sa akin."
"Uunahin ko pa ba yun eh lintek na ang kahihiyan ang inabot ko doon. Nakita pa nga ni Wallace ang pagkaplakda ko eh. Nakakahiya talaga." Himutok ko.
"Oo nga nakakahiya talaga yun. Sayang di ko nakita." Humagikgik sya.
Inirapan ko sya at kunwaring sinabunutan. Tatawa tawa lang sya.
"Ang saya ko kasi nakita ko sya kanina. Pero medyo nalungkot ako kasi hindi nya ako napansin. Napansin lang nya ako noong nadulas ako. Siguro ang pangit ko talaga para di nya ako mapansin."
Pabirong sinabunutan nya din ako. "Gaga! Kung pangit ka eh ano pa ko."
Ngumuso ako.
Maraming nagsasabi na maganda ako at sexy. Hindi ako kaputian at hindi rin kaitiman. Parang pinaghalong kape at gatas ang kutis ko pero makinis naman ako. Best asset ko daw ang mata ko na parang nangungusap at may malalantik na pilikmata at ang labi ko na medyo pouty. Marami nga ang naiinggit sa labi ko dahil natural ng pouty at hindi na kailangan magpafillers. Maliit at matangos naman ang ilong ko na bumagay sa maliit kong mukha na hugis bigas. Sabi nila malakas daw ang appeal ko. Totoo nga siguro yun dahil marami ding nanliligaw sa akin. Hindi ko lang sila ini-entertain dahil busy ako sa pagtatahi at kay nanay.
Beinte kwatro anyos na ako at nbsb pa rin. Talo pa nga ako ng ilang mas bata sa akin na anak ng mga kapitbahy namin. Sila teenager pa lang pero nagbibilang na ng boyfriend. Tinutukso na nga ako ng mga pinsan ko na baka tumandang dalaga ako. Dahil nasa edad na daw ako na dapat ay may asawa at anak na. Bata pa kaya ang beinte kwatro at mas focus ako kay nanay ngayon. Iniisip ko rin kasi kapag nag asawa ako at nagkaanak paano si nanay? Syempre mahahati na ang atensyon ko.
"Ay sya nga pala mate, nabalitaan mo na ba, bumalik na ang grupo nila Russell. Nakalaya na pala ang gago. Kunsabagay mapera naman yun."
Nawala ang ngiti ko sa sinabi ni Girlie. May kabang sumipa sa dibdib ko.
"Mag iingat ka mate. Wag kang lalabas lalo na sa gabi na mag isa ka lang. Kung need mo talagang lumabas sabihan mo ko sasamahan kita."
Tumango na lang ako sa sinabi ni Girlie.
Si Russell at ang grupo nya ay kilalang siga dito sa baranggay namin. Mga dakilang tambay sila na mahihilig uminom at makipag away. Lagi silang laman ng baranggay. Pero pati baranggay sumusuko na rin sa kanila. Ama ni Russell ang kapitan ng baranggay. Dahil hindi na rin kaya ng kapitan na suhetuhin ang anak kaya sya na mismo ang nagsuko dito sa pulis noong nakaraang buwan na nakipag riot ito ng lasing. Isang buwan din itong nasa piitan kasama ang grupo nito at isang buwan ding tumahimik ang baranggay. Pero ngayong nakalaya na ang mga ito ay siguradong nangangamba na naman ang lahat ng mamamayan ng baranggay gaya ko.
Wala pa namang ginagawang hindi maganda ang grupo ni Russell sa akin. Pero si Russell ay isa sa masugid kong manliligaw. Tinatakot nga nya lahat ng manliligaw ko eh. Mabait naman sya sa akin at sa nanay ko kapag umaakyat sya ng ligaw. Yun nga lang kapag nanliligaw sya kasama buong grupo nya. Pero hindi pa rin ako kampante sa kanya. Natatakot pa rin ako sa kanya. Binasted ko na nga sya eh. Sadyang makulit lang sya.
Naku wag naman sana syang pumunta sa bahay mamaya. Maaga akong magsasara ng bahay at maglo-lock ng pinto at mga bintana.
*****