Wallace PAGBABA pa lang namin ng sasakyan ay agad ng sumalubong ang pinsan ko. Pero hindi ako ang sinalubong nya kundi si Gado. "Daddy Gado my loves!" Parang palakang tumalon sya at yumakap kay Gado. Nakayakap pa ang dalawa nyang binti sa bakakang nito. Hindi naman malaman ni Gado kung ano ang gagawin. "Ma'am Lilliana bumitaw kayo sa akin nakakahiya." "Ayoko nga! One year tayong hindi nagkita at ngayon lang ako nakabalik dito kaya susulitin ko na to. Ihh! Super miss na miss kita Daddy Gado kahit nakakainis ka dahil hindi ka nagrereply sa mga text at chat ko. Siguro naman hindi ka nag-girlfriend habang wala ako no. Dahil kung nagkagirlfriend ka kakalbuhin ko yun." Napangisi ako ng halos di na maipinta ang mukha ni Gado. Ayaw pa ring bumitaw sa kanya ng pinsan kong patay na patay s

