Wallace "NO! No! No!" "Sige na naman Wayne, kumain ka na. Masarap ito. Di ba paborito mo to." "No!" "Ay!" Binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Wayne ng marinig ang tili ni Lorna. Nakita ko ang plato at nagkalat na pagkain sa carpet. "What's happening here?" Tumingin sa akin si Lorna. Namomroblema ang bukas ng kanyang mukha. "Ser, ayaw pong kumain ni Wayne." Tiningnan ko si Wayne na parang wala lang na nilalaro ang laruan nyang bulldozer. Wala syang pakialam sa paligid at parang bumalik sya sa dati. Bumuntong hininga ako at napahilot sa sentido dahil sa pagpitik ng ugat doon. May hangover pa ako. "Kumuha ka ng bagong pagkain Lorna. Ako ang magpapakain sa kanya pagkatapos ay linisin mo na rin ito." Utos ko sa kasambahay. "Opo sir." Tumayo na si Lorna bitbit ang tray na may

