Alona SA unang dalawang linggo ko sa pag aalaga kay Wayne ay nasasanay na ako sa pagiging hyper nya minsan. Nasasanay na rin ako na may bukol sa ulo at minsan pasa sa pisngi. Ang gusto nya lagi ay laro at harutan. Mukhang nawili na sa pakikipag harot sa akin dahil ang sabi nila Lorna ay hindi naman sya nakikipag harutan sa ibang mga yaya nya noon. Mukhang nakukuha ko na daw ang kiliti ni Wayne. Nakukuha ko na nga, lagi naman akong may bukol. Minsan may tantrums sya pero hindi naman grabe. Kapag nauto ko na sya ay tumitigil naman sya. Madalas na rin nya akong tawaging yaya. Mahirap at laging may bukol at pasa pero nag e-enjoy naman ako sa pag aalaga kay Wayne. Naiibsan ang pagkamiss ko sa bahay at sa aking mga pamangkin. Sa dalawang linggo ko na rito ay naging ka-close ko na ang mga kas

