Chapter 50

2276 Words

Tatica MALALAKI ang hakbang ni Conrad habang papasok ng mansion. Dahil hawak nya ang kamay ko ay halos tumakbo na ako makasabay lang sa lakad nya. Ang hahaba naman kasi ng mga biyas nya. Lahat na lang sa kanya mahaba. "Naku Conrad mabuti naman at dumating ka na." Salubong sa amin ni Manang Fe na bakas sa mukha ang pagkabahala at pagkataranta. "Nasaan si lolo at si papa manang?" "Nasa library office sila. Kuh, nag aalala ako sa don dahil baka atakehin siya dahil sa papa mo." Humawak ako sa braso ni Conrad. Nag alala din ako kay Lolo Mati. Marahas na bumuntong hininga si Conrad at hinila ako. Dumiretso kami sa library office. Hindi pa kami nakakapasok ay dinig na dinig na namin ang sigawan nila Lolo Mati at Sir Juancho dahil bahagyang nakaawang ang pinto. Tinulak ni Conrad pabuka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD