[WARNING SPG!] Tatica NAPAKURAP kurap ang mata ko habang nakatitig sa screen ng cellphone ko particular sa isang profile picture na nag sent friend request sa akin. Totoo ba ito? Tumingin ako kay Conrad na busy sa pagtatype sa laptop. Suot nya ang eye glasses nya. Bagay din talaga sa kanya ang may salamin. Lahat naman bagay sa kanya eh. May damit man sya o hubad. Tahimik akong napahagikgik sa huling naisip. Tumikhim ako para kunin ang atensyon nya at nagtagumpay ako. Tumingin sya sa akin. "Bossing, may peysbuk ka na pala." Mariing naglapat ang labi nya at sinimangutan ako. "Last week ko pa ginawa yan. Ikaw ang una kong in-add tapos ang tagal tagal mong mag accept pero si Gavin in-accet mo agad." Tila masama ang loob na sabi nya. Napakagat labi naman ako at naguilty. Isang bese

