Tatica HUMINTO ang sasakyan sa harap ng bahay namin. Tinanggal ko na ang seatbelt. Hinawakan ni Conrad ang kamay ko at hinalikan ako sa pisngi. Nilingon ko naman sya at hinawakan ang pisngi nya at hinaplos. "Di na ako bababa. Hinihintay ako ni papa sa bahay. Kita na lang tayo bukas ok." Malambing na sabi nya. Tumango naman ako at ngumiti. "Ok." "Love you." Inusli nya ang nguso. Dinampi ko ang labi sa nguso nya. "Love you too, ingat ka sa pag uwi." "Sure baby." Bumaba na ako ng sasakyan at kumaway sa kanya. Hinintay ko munang makalayo ang sasakyan nya bago ako pumasok sa loob ng bahay. "O anak, nandyan ka na pala." Bati sa akin ni tatay na prenteng nakaupo sa kahoy naming sofa habang nagse-cellphone at nanonood ng tv. Multitasking yarn? Umupo ako sa tabi ni tatay. Mukhang tap

