Tatica NALULUHA ako habang pinagmamasdan ang puntod ni nanay. Halatang alagang linis ito. Sabi ni tatay, isang beses sa isang linggo sila pumupunta dito ni Kuya Jomel. "Nay, nandito na po ako. Pasensya na po kung ngayon lang ako nakadalaw sa inyo." Sumisinghot na sabi ko at hinaplos ang ibabaw ng puntod ni nanay. "Pangako po, palagi ko na kayong dadalawin." "Loida nandito na ang bunso natin, nakauwi na. Pangako aalagaan ko ang bunso natin. Walang makakapanakit sa kanya dito." Sabi ni tatay. "Gabayan mo sana kami sa itaas nanay at lagi ka rin naming ipagdarasal." Sabi naman ni Kuya Jomel. Nanatili pa kami ng halos isang oras sa puntod ni nanay bago umalis. Dito at sinariwa ang mga alaala na kasama si nanay. Dumaan muna kami sa palengke para bumili ng ulam. Ipagluluto daw ako ni ta

