Tatica "KALOKA ka naman bakla. Bakit hindi mo sinabi na si Boss Conrad pala ang amo natin." Sita ko kay Iyek habang naglalakad kami papunta sa terminal ng traysikel. Pauwi na kami ngayon. "Ay bakit? Need ba?" Nakataas ang kilay na tanong ni Iyek habang kumakain ng kwek kwek. "Oo. Alam mo naman na imbyerna ako sa taong yun dahil sa ginawa nya kay Kuya Jomel." "Ay bakla, ang tagal na nun ah. Di ka pa nakakamove on?" "Hindi! Hindi ko makakalimutan ang ginawa nyang pambubugbog sa kuya ko. Nakatanim na yun sa isip ko habang buhay at hindi ko sya mapapatawad. Galit ako sa kanya. At kung nasaan man sya, mabulunan sana sya, madapa sya, mamatay na sana sya." Inis na inis na sabi ko sabay irap. Malakas yata ang boses ko kaya nakatingin sa akin ang mga taong nadaraanan namin. Hindi ko na lan

