Tatica PARANG susugod sa gyera na pumasok ako ng store. Kasunod ko si Kuya Emil. Pakiramdam ko ay umuusok na ang bumbunan ko sa galit. Gusto kong manampal at manabunot ng impaktang kahera. Hinanap agad ng mata ko si Desiree. Nandoon pa rin sya sa counter nya at nakatingin sa salamin nyang maliit. Tumingin sya sa akin at tinaasan ako ng kilay sabay ngisi. Matalim ang tingin na binigay ko sa kanya. Lalo akong nabwisit sa kanya. Halatang proud sya sa ginawa nya. Pwes, pamamagain ko ang mukha nya ngayon. Malalaki ang hakbang na lumapit ako palapit sa kanya sabay sampal ng malakas sa pisngi nya. Nagulat ang lahat sa ginawa ko. Pero isang sampal pa ulit sa kabilang pisngi ang binigay ko sabay sabunot sa kanya. Panay naman ang aray nya. "Walang hiya kang impakta ka! Talagang malaki ang gali

