Conrad PATINGIN tingin ako kay Tati habang nagtsitsek ako ng mga emails sa laptop. Busy sya sa ginagawa at hindi man lang sumusulyap sa akin. Kahapon pa nya ako hindi pinapansin at kinakausap. Kakausapin lang nya ako kapag may itatanong sya at sasabihin tungkol sa mga papel. Di rin sya sumasakay sa sasakyan ko pauwi. Kanina ngang sinundo ko sya sa kanila doon sya ulit sumakay sa sasakyan nila Pancho. Bumuntong hininga ako. Kasalanan ko rin naman kung bakit malamig sya sa akin ngayon. Alam kong mali ang ginawa ko kahapon na sinigawan ko sya sa harap ng mga tauhan ko. Di ko kasi napigilan ang sarili ko. Idagdag pa na mainit ang ulo ko kahapon dahil nagaway na naman kami ni papa sa tawag. Naguilty din ako ng makitang umiyak sya. Para ngang gusto kong suntukin ang sarili kahapon dahil pinai

