MALIYAH POV Unti-unti nagkakaroon, ng magandang resulta ang phlebotomy procedure ni Tonton, sana maging tuloy-tuloy na ang improvement niya para kahit papaano hindi na masyadong problemado si Ate Maze kasi nasa final exam na niya, ilang linggo na lang gagraduate na siya. Konting tiis nalang, maayos din ang lahat. Tumatakbo ang diwa ko ng hindi ko namamalayan na nasa tabi ko sir Clint. “Are you deft, Mayah? I've been calling like hundreds of times now.” Nayayamot na ang tono ng boses niya pero hindi naman ang mukha niya. “Huh!? Tinatawag mo ba ako?” Maang kong tanong sa kanya, totoo naman talaga hindi ko sya naririnig. “Ay hindi,” pabalang na sagot nito. “Eh hindi naman pala eh!” Padabog kong sagot sa kanya, sabay sipa ng electric wheel chair niya. “Kanina pa nga kita tinatawag hindi

