CHAPTER 10-ADMISSION

1838 Words
MALIYAH POV Wala akong sapat na tulog. Pagkagising ko kinaumagahan maaga parin akong bumangon para pumasok sa eskwelahan. Naligo na agad ako, hindi ko na alintana ang ginaw ng tubig sa balat ko. Minadali ko ang bawat kilos, bukod sa malamig ang tubig, ay gusto kong hindi abutan ni Mama sa kusina. Balak ko rin dalawin si ate at magbigay ng pera kahit paano. Meron naman ako naipon kahit konti. Alam kong ayaw niya akong makita. Pero wala akong pakialam. Pagbaba ko sa kusina nag timpla agad ako ng milo at kumuha ng tatlong pandesal na pinalaman ko ng peanut butter.Mabilisan ang kilos ko ngayon doon nalang ako titigil kina Alexander habang hinihintay siya. Nang maubos ko ang agahan ko, bitbit ko ang backpack po hawak ko sa kaliwang kamay ko ang dalawang librong dala ko. Nakita ko si Papa na nag gagayak na papuntang bukid. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ako alintana. Lumapit ako sa kanya. “Um, Pa– papasok na pa ako. Paalam ko kay papa, agad niya akong hinarap na malamlam ang kanyang mga mata, dumapo ang mata niya sa noo ko kasi tinanggal ko ang akin benda at tuyo na naman ang tahi ko doon. “Mag-iingat ka Maliyah, pagpasensyahan mo nalang ang Mama mo” Tumango nalang ako kay Papa , at ngumiti. Wala naman akong sama ng loob kay Mama ganun naman si Mama, gusto niya lang makatapos ako. Siguro magbabago narin ang pagtingin ni Mama sa akin mula ngayon. Tanggap ko naman, alam kong mahihirapan akong suyuin si Mama, pero hindi ko naman pwedeng pabayaan si Ate mag isa lalo pa kasama si Tonton. Nasa tapat na ako nina Alexander, alam kong hindi pa ito ready kaya pumasok na ako sa loob ng bahay nila, umupo ako sa upuang bakal nila may bakal din na mesa doon, apat ang upuan. Iginala ko ang mga mata ko sa mga halaman ng Mama ni Alexander, ang hilig din nitong mag tanim. Ang pinaka gusto yung pinakasulok ng bahay nila na puro orchids at vanda na ibat ibang kulay. Meron pa itong UV net. Sarap sa mata, ang nakakatuwa pa organized ang halaman, mula sa gumamela, rose, hydrangea, meron din sa kabilang bahagi na puro sunflower lang. Sarap din tumambay kina Alexander, maraming halaman at mga puno. Maya maya pa, lumabas na si Alexander sa bahay nila. Agad niya akong nilapitan at niyakap. Niyakap ko siya pabalik at doon tumulo ang luha ko. Hinagod niya ang likod at bumulong siya sa akin. “Everything will be okay besh, tatagan mo lang ang loob mo. Grabe naman kasi si Tita Corazon sayo”. May halong inis sa mga boses pero hindi ko nalang yun pinansin. Kumalas ako sa kanya at pinahid niya ang mga luha ko sa pisngi. Nahihiya ako dahil nasaksihan pa nila na pinag buhatan ako ni Mama ng kamay. “Um– , ayos lang ako Alexander” Pilit kong pinasigla ang boses ko. Kahit sa totoo lang mabigat ang dibdib ko sa nangyari. Hinila na ako ni Alexander palabas ng bakuran nila. Daanan pa namin si Terry. Nang nasa tapat na kami ng bahay ni Terry si Alexander na ang tumawag. Parang wala akong gana. Tapos na ang exam namin kahapon. Nag dala ako ng dalawang libo ngayon dahil balak kong ibigay yun sa ate, kahit isang libo lang kahit pambiling ulam at bigas , magagamit nila yun kahit ilang araw lang. Tanaw ko agad si Terrence at Terry magkasunod na lumabas ng bahay. Agad akong yumukod dahil nahihiya parin ako sa kanila. Walang may umimik sa amin lahat. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko sa kanila bukod sa nahihiya ako, gusto ko nalang kalimutan ang ginawa ni Mama. “Tara Let’s go na, baka ma-late pa tayo.” Masiglang yaya ni Alexander hinila na niya ako, sumunod naman si Terry, naiwan si Terrence sa kanila alas otso din ang pasok niya pero may sasakyan naman yun. Alam kong naawa siya sa akin. Kaso wala naman itong magagawa. Pagdating namin sa paradahan, sumakay agad kami. Ilang sandal pa,nasa tapat na namin ng main gate ng school namin. Deretso na agad kami sa room namin, at ipinag pasalamat ko na walang Jerome na humarang sa amin. Walang Clint akong nakasalubong. Pag pasok namin sa room umupo agad ako, at kinuha ang phone ko na de keypad. Binuksan ko yun at sunod sunod ang pag tunog nito. Agad ko itong nilagay sa silent mode. Dahil napaka-eskandalo ng tunog. Nang mag angat ako ng tingin mag kasalubong ang kilay nang dalawa kong katabi. Napapagitnaan ako nila Alexander at Terry. Iniabot sa akin ni Terry ang isang puting box, nagtataka akong napatingin sa kanya. May hinala na ako kung ano yun pero hindi ko yun naisatinig ka kanya. “Besh for you” nakangiti ito ng ubod tamis sa akin. “Huh?” Wala sa loob kong sagot sa kanya, isa pa itong gusto ko kay Terry, mapag bigay ito sa akin sa mga gamit niya. Lagi niyang sinasabi na hindi na niya kailangan kaya ako nag mamana ng mga pinag lumaan niyang gamit. Kinuha ko yun at binuksan. Tumambad sa akin ang dati niyang cellphone. Samsung ang brand noon, at touch screen. “Ba–bakit mo ito ibinibigay sa akin?” Nagtataka kong tanong sa kanya. At kinuha niya sa bulsa ng bag ang latest nya na cellphone, at Iphone yun. Nanlaki ang mga mata ko pati si Alexander. “Pinadala ni Papa para sa akin, kaya hindi ko na kailangan yang phone ko sayo nalang.” Masayang masaya ito at pinag mamalaki niya ang kanyang bagong model na Iphone. Hindi halos mapuknat ang mga ngiti nito sa kanyang magandang mukha. Agad akong umiling sa kanya na hindi ko matatanggap ang bigay niya sa akin. Alam kong gusto niya lang akong pasayahin. “Beshie , uhm–hindi ko ito matatangap, wala pang isang taon itong binili mong phone diba? Ibenta mo na lang kaya para magkapera ka”. Pinandilatan niya ako ng mata, alam ko agad na ayaw niya, na tumanggi ako sa bigay. Pero hindi ko naman maatim na tumanggap ng ganito kamahal na cellphone. Isa pa meron naman ako hindi lang kagandahan pero nagagamit ko pa naman. “Kapag tanggihan mo yan magagalit ako at hindi na kita kakausapin” Banta nito sa akin. Wala na akong nagawa, kinuha niya ang de keypad ko na phone at binasa ang mga messages doon. Nanlaki ang mga mata niya. Hindi ko alam kong bakit . Wala naman akong tinatago sa kanila. “Oh my Geee, O my Gee Maliyah totoo ba ito?” Hindi ko alam ang pinagsasabi niya, kaya napatingin nalang ako sa kanya na nakakunot ang noo. Binasa niya yun sa amin From: Clint [ Good night, Mayah] From: Clint [ Good morning Mayah] From: Clint [Enjoy your day Mayah,] From: Clint [Mayah, may I invite you for lunch today?] May kalakasan ang pag babasa ni Terry sa text, kilala ko kong kanino galing ang mga text na yun, iisang tao lang naman ang nag bansag ng pangalan ko na Mayah. “Kelan mo balak sabihin sa amin, na may komunikasyon, noong bagong prof ng eskwelahang ito?” Bulong sa akin ni Alexander sapat na para marinig namin ni Terry ang tanong. Pinaikot ko nalang ang mga mata ko dahil wala naman akong masabi. Hindi ko yun nabasa. “Hindi ko alam yang text na yan, kita mo naman kanina ko lang binuksan yang phone” Pabalang kong sagot sa kanya, alam naman niya ang nangyari sa akin kagabi pag uwi may time pa ba ako na mabuksan yung phone ko? Pinatay ko nga yun para walang istorbo. Pinatay na ni Terry ang phone ko at kinuha niya ang sim ko sa phone at inilagay niya doon sa bagong bigay niya sa akin na phone. Ilang oras na kaming nag hihintay ngunit walang prof na dumating sa mga subject namin sa umaga. Nagyaya na si Alexander kumain ng lunch. Iniabot na rin ni Terry ang bagong phone niya sa akin. Maraming nang app doon at iilan lang naman ang alam ko, email lang at social media. Hinila ako ni Alexander sa counter para mag order kami ng lunch, iniwan namin si Terry sa mesa para may mag babantay. “May crush ka pa doon sa prof na yun Maliyah?” Prangkang tanong sa akin ni Alexander, hindi ako makatingin sa kanya, pero hindi ko rin sinagot ang tanong niya sa akin. Hindi talaga ako aamin. Dahil kapag ginawa ko yun bantay sarado ito. “Huh?Wa–wala akong gusto doon, alam mo naman si Mama diba? Wala sa loob kong sagot sa kanya. “Bakit ang dami niyang text sayo, at saan niya nakuha ang number mo?” May pag dududa sa bawat tanong nito sa akin. At naiinis ako, hindi ito ang tamang oras at lugar para sagutin ang walang sense na tanong niya sa akin. “Sa dami ng problema ko sa pamilya ko Lex, may oras pa ba ako sa ganyan, gusto kong tulungan si Ate , gusto ko siyang bumalik sa bahay. Pwede nyo ba ako samahan mamaya?” iniba ko na ang usapan. Tumango nalang ito, buti nalang turn na namin para mag order, alam na ni Alex ang order ni Terry, simple lang ang inorder ko isang pritong manok, isang gulay na trenta pesos at isang kanin. Bumili na din ako ng sampung pisong palamig. May dala akong tubig kaya hindi na ako bumili. Buhat buhat namin ni Alexander ang pagkain namin pabalik sa mesang kong nasaan si Terry. Napatigil ako ng lakad nang may humarang sa dinadaan ko. Naka kunot ang noo kong nakatingin sa kanya. Pero ang kabog ng dibdib ko ay sobrang lakas na. “Mayah? Why aren't you replying my text” kunot noong tanong ni Clint sa akin. Napatigil si Alexander at nilingon ako. “Maliyah let’s go I’m hungry” inis na yaya sa akin ni Alexander nag salubong ang kilay nito sa akin. “Ah–oo andiyan na.” Mabilis kong sagot sa kanya. Lumiban ako ng daan para lampasan si Clint pero bago pa yun hinawakan na niya ang siko ko, mainit ang mga kamay niya ramdam ko ang kakaibang kuryente na dumadaloy mula doon. Tiningnan ko ang kamay niya sa siko ko agad naman niyang binitawan yun. Napakamot siya ng batok na tila nahihiya sa ginawa niya. “Ah –sorry Mayah, pwede ba kitang makausap mamaya? ” pilit itong ngumiti sa akin. “Hindi, please lang tigilan mo na ang pagtetext sa akin, hindi ako interesado. Prof ka dito at mananatili yun. I will not entertain your text nor your request”. Taas noo kong sabi sa kanya, gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil sa husay ko sa mga salitang binitawan ko. Iniwan ko na ito ng hindi ko hinintay ang sagot. Pag kaupo ko tumirik agad ang mata ni Terry at ni Alexander. Hindi ko nalang yun pinansin at inumpisahang kumain. Gutom narin ako..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD