Chapter 28

2394 Words

Gising ako pero nakapikit pa rin ako. Nakayakap si Wayne sa akin at ganun din ako sa kanya. Tuwing kikilos ako, lalo niyang hihigpitan ang yakap. Kaya malamang ay gising na siya. Kapwa pa rin kaming walang saplot. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan. Komportable ang pakiramdam ko. Dam ko rin ang kanyang paghinga. Nakapatong ang aking ulo sa kanyang braso bilang aking unan. Sweet... sabi ng isip ko. Ngayon ko lang naranasan ang ganito at masasabi kong iba pala talaga ang pakiramdam kapag mahal mo ang isang tao. Kaya mong isuko sa kanya ang lahat. Inalala ko ang ginawa namin kagabi. Hindi ko alam kung paano kami natapos at ang huli ko na lamang naalala ay hinalikan niya ako sa noo bago man ako makatulog. Masakit ang aking likuran. Hindi ko alam na ganito pala ang making love.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD