Chapter 40

2881 Words

"Wayne!" napabalikwas sa kinauupuan si Mrs. Villacorta ng makitang nagmulat ng mga mata ang kanyang anak sa mahaba nitong pagkakahimbing. Maging si Liro at Jaira na naroon ay napatayo at gumuhit ang ngiti sa kanilang mga labi. "Tumawag kayo ng doktor bilisan niyo." utos ni Mrs. Villacorta sa kaniyang mga anak. Agad naman na tumakbo palabas si Liro para tawagin ang mga nakatoka nurse o ang doktor ni Wayne. "Thank God! Gising ka na, anak. Salamat talaga Diyos.!" bulaslas ni Mrs. Villacorta. "Kei.." mga salitang namumutawi sa bibig ni Wayne. Pabulong lamang yun at hindi niya makumpleto. Dahil na rin ito sa matagal niyang pagkakahimlay sa kanyang kalagayan. Bigla naman dumating ang mga doktor at saka sinuri si Wayne. Maratapos ang ilang minuto ay kinausap ng Doktor ang pamilya ni Wayne.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD