"Kuya??? Is that you??" bungad sa akin ni Kristan. "Kristan?" sabi ko naman at agad siyang nilapitan.. Hindi ko inaasahang makikita ko siya dito sa studio ngayon. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Namiss ko ang kapatid kong ito. "Teka. Sino kasama mo at anong ginagawa mo dito?" "Si Kuya Liro. Siya ang nagdala sa akim dito. Sabi niya, magtetake lang siya ng pictures daw. Kaya sinama niya ako. Sabi niya kasi nandito ka daw eh." sagot niya. Nilingon ko ang paligid at nakita kong nasa gilid lang si Liro. Nakangiti ito sa akin. "Hi. Kamusta?" ngiting tanong niya sa akin. "E.. Eto okay lang naman." utal kong sagot. Ewan ko ba. Parang iba yung aura niya ngayon. Bukod sa napakagwapo niya sa suot niyang damit at mga accessories sa katawan eh, iba ang tingin niya. Nakoconcious ako sa mga ti

