Ilang gabi ng di halos makatulog si Gayle, walang gabi na di siya umiiyak. Gusto man niyang mag open up kay Allyson ngunit mas pinili niyang solohin ang sakit na nararamdaman lalo at alam niyang halos pareho lang naman silang nasasaktan ngayon. "Hoy di ka na naman kumain?" sita ni Allyson sa kanya. "Wala kasi akong ganang kumain e." sagot ko dito. Alam kung lalong namayat ako simula nung napunta sila sa lugar na iyon. Sa halip na malibang sila ay tila lalong nakakapag paalala pa sa mga kapaitan niya sa buhay ang lugar. Halos di siya makatulog sa kakaisip na baka ikinasal na ngayon si Polo dahil wala ng Gayle na maaring humadlang sa kasal nito. Masakit sa kanyang isipin ang ganun. Dinadaan niya sa pag iyak ang lahat na tila ay wala na siyang ibang pwedeng gawin kundi ang umiyak nalang.

