Umaga palang ay aligaga ang mga tao sa labas at loob ng mansion ng pamilya, walang tigil ang pag dating ng mga sasakyan. Habang siya ito taga masid lang, nasa isang sulok at nakatanaw umalis ang mga kababaehan sa pamilya kanina para magpaayos para sa party mamaya. Malaking party ang magaganap para sa ama ni Polo. May mga gasgas sya pero tago naman, nagkakasiyahan ang mga kasama nila sa bahay. Although magkatabi silang natulog ni Polo ay tila iwas na iwas ito sa kanya. Di naman siya mamimilit kung ayaw na nito sa kanya. Sa buhay natin sa umpisa lang naman ang mahirap. Maaring maging napakasakit sa kanya oras na pakawalan na siya nito pero alam niyang makakaraos din siya. Di niya lang maiwasan na di sumama ang loob sa lalaki, ayon sa dinig niya kanina si Marga ang partner ni Polo. Kaya b

