Nakaupo sila habang kinukuhanan ng salaysay ang mga tao sa bahay. Tulog na tulog naman si Julliane at si Aqua sa sofa, nakita niya ang paglapit ni Red sa kaibigan niya. "Dito nalang kayo magpalipas ng magdamag guys." sabi ni Mama sa mga kaibigan. "Naku nakakahiya naman po, pero di ko na po tatanggihan yan." sabi ni Jana na napahikab na. "Susie, ihatid mo na sila sa guest rooms." utos nito sa mga kasambahay. Di niya pinansin si Polo, bahala siya sa buhay niya total di naman ito namamansin sa kanya simula kahapon. Tumayo siya at nagpasyang umakyat na ng maalala ang dalawang bata. "Gayle!" halos magkakasabay na sigaw nila ng makita ang mabilis kung pagtakbo paakyat. Nakita ko ang pagsunod ni Polo sa akin, alam na niya ang sekreto nito. Isa itong retired navy seal, di niya lang sure ku

