Pag pasok ko sa kwarto namin ay nakahiga na ito, pero gising pa naglalaro ito ng apps sa cellphone nito. "Ang tagal naman, halika na tolog na tayo." aya nito na tinapik ang kabilang bahagi ng kama kung saan siya nakapwesto palagi. "Mag sisipilyo lang ako." sabi ko. "Okay pakibilisan, namimiss na kita." sabi ng lalaki na nakangiti. Pag ganun ito ay tila nag jumping jumping ang aking kaluluwa este ang aking pusong marupok. Kung bakit kasi di uso dito ang commitment, yun nalang kasi ang kulang sa kanila sa mga nakalipas na buwan. Kontento at masaya siya sa piling nito, kaya lang ay di naman maaring ganito nalang lagi, batid niyang darating ang sandali na kinakailangan niyang malayo at mapahiwalay sa mga ito, lalo at wala naman siyang permanenteng pwesto sa buhay ng mag ama. Di niya alam

