KABANATA 2

1701 Words
ALLY'S P.O.V. Hindi maipinta ang mukha ko ng makababa ako sa ground floor, kitang-kita ko si Frits na kausap ang Babaing nasa Information desk sa may lobby. "Sir, sino po ang kasama niyo?" pahawak-hawak pa ang babae sa kamay ni Frits habang kunwari kinukuha ang access card, todo pa-cute pa siya sa asawa ko. "Aba't ang landi." Nagmartsa ako papalapit sa kanilang dalawa, hindi nila ako napansin dahil abala sila sa landian talks nila. Gigil na gigil kong hinawakan ang kamay ng babaing 'yon. "Pwede ba! Pumili ka ng lalandiin higad!" inangat ko ang kamay niya at pagkatapos pinisil ko. "Araayy!" sigaw ng babae. "Allyson, Stop!" warning sa'kin ni Frits. Nagpantig ang tenga ko sa sinabi ni Frits, what you think matatakot ako sa kanya? My gosh! Not me? Never! Halos mapatay ko si Frits sa mga titig ko, "So wala ng Wife ko? Dahil ba diyan sa higad na babaing pinaglihi sa puting alikabok." "Wag mo akong subukan Allyson." Seryosong sabi niya. Nakipagtitigan ako sa kanya. "Mas lalong hindi ako nakiki-pagbiruan." Bumuntong-hininga si Frits at pagkatapos nilamukos niya ang mukha niya dahil sa asar sa'kin, anong akala niya magpapatalo ako sa kanya. "Umuwi na tayo!" hinawakan niya ang braso ko pero umiwas ako sa kanya. "Don't touch me!" sabay hila ko sa kamay ko, mabuti na lang talaga at walang masyadong pumapasok sa ganoong oras kung hindi maririnig nila ang pagtaas ng boses ko. Binaling ko ang tingin sa babaing nasa information. "Bago ka lumanding babae ka! Siguraduhin mo'ng kasing ganda kita. Ang lakas mo'ng landiin asawa ko!" Sa halip na sagutin ako ng babae, umalis siya sa pwesto niya at ibang tao na ang humarap sa'min. "Wife ko, let's go! Nagtago na yung babae." I glared. "Bwiset ka! Gustong-gusto mo naman!" Namartsa ako palabas, at nilampasan ko si Frits. Hindi ko siya pinansin nakaka-badtrip kasi, malandi na nga yung babae, mas malandi pa si Frits. "Wife ko! Ano ba! Hintayin mo ako!" habol niyang sigaw. Tapos kakamot-kamot siyang sumunod sa'kin. Nakasimangot ako habang nasa biyahe kami at pauwi ng mansyon, kanina pa ako kinakausap ni Frits pero hindi ko siya pinapansin. Nakakainis kasi siya mas pinagtanggol niya ang higad na 'yon kaysa sa'kin. "Kakauwi ko lang ng manila tapos ganito ang pasalubong mo sa'kin, miss na miss pa naman kita tapos aawayin mo lang ako." Ani Frits, habang nakatuon ang mata niya sa kalsada. Kasing taas ng building sa makati ang kilay ko ng lingunin ko siya. Ang unggoy pagkatapos ko siyang pagbigyan maka-score, ako pa ang lumalabas ng masama? Hindi yata pwede 'yon! "So ako pa ang lumalabas na mali, gano'n ba?" "Hindi naman Wife ko, pero kasi masyado kang nag-iisip ng masama na ikakagalit mo." "Ako pa! Ako pa talaga! Ibang klase ka rin e, ang tagal ng babaing 'yon hinahawakan ang kamay mo, hinihimas pa nga tapos hindi mo napapansin? Yung dibdib niya kulang na lang ilusot niya ang ulo mo do'n, tapos ikaw? Kunwari deadma, The F*ck! Wag ako Frits." Sinadya ko talagang banggitin ang pangalan niya upang malaman niyang galit ako sa kanya. "I swear to God, hindi ko napansin ang dibdib niya may tinatanong siya about sa products natin." Itinaas ko ang kamay ko upang malaman niyang hindi ako interesado sa paliwanag niya. "Ayokong makinig sa paliwanag mo." Sabay talikod ko sa kanya. Narinig ko ang buntong-hininga niya tapos nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Mommy! Mabuti naman at dumating na kayo." Bungad na sabi sa'kin ni John Ace ng salubungin niya kami. "Nasaan si John Axle?" "Nasa kwarto niyo po, iyak po siya nang iyak." "Sige, ako na ang bahala sa kanya matulog ka na at may pasok ka pa bukas." "Okay Mommy, goodnight." "Wife ko.." Dire-diretso akong umakyat patungo sa silid namin hindi ko siya pinakinggan. Pagpasok ko ng silid nakita ko si John Axle na maga na ang mata sa kaka-iyak, agad ko siyang niyakap. "Mommy, why you left me?" paos na paos ang boses niyang sabi. Pinahid ko ang mga luha niya gamit ang kamay ko, "Masakit ang tiyan ni Mommy kaya pumunta kami ng Hospital." Tapos niyakap ko siya upang tumigil sa pag-iyak. "I'm scared, don't leave me again Mommy." "Sorry baby, let's go! Matulog ka na ulit." Tipid pa akong ngumiti. Sa gilid ng mga mata ko napapansin kong nakatingin lang sa'min si Frits, hindi siya lumalapit sa'min, nakasunod lang siya sa'min hanggang sa humiga kami ni John Axle sa kama. "Sleep tight baby bunso." Hinihimas ko pa ang likod niya upang mabilis siyang makatulog. Nakaugalian na kasi ni John Axle na nakayakap sa'kin upang himasin ko ang likod niya, pampatulog kasi niya 'yon. "Sorry na kung nagalit ka, hindi naman, sinasadya.." Naririnig kong kinakanta 'yon ni Frits, kaya matalim ko siyang tinitigan. "Sorry na Wife ko." Pagsusumamo niya sa'kin. "Wag kang maingay baka magising si Baby bunso." Inis kong sabi. "Hindi ko kayang matulog ng hindi tayo nagkaka-ayos. Sorry na please!" "Ayoko! Galit ako sa'yo. Matulog ka na lang diyan." Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagnanais na magkabati kaming dalawa. Alam kong may mali rin naman ako, pero nakaka-inis lang kasi kanina parang mas kinakampihan pa niya ang babaing higad na 'yon. "Sa labas na lang ako matutulog." Sabay bangon niya sa kama at lumabas ng silid. Sinundan ko lang siya ng tingin. Isang oras na ang lumipas, hindi ako dalawin ng antok, kapag naiisip ko kasing nasa labas si Frits, parang nadudurog ang puso ko. Ilang beses kong tinangkang lumabas ng silid para puntahan si Frits, pero pinipigilan ako ng pride ko at galit ko. "Bahala nga siya! Kasalanan naman niya." Nagtalakbong ako upang makatulog ako. Ngunit ilang minuto ko pa lang ipinipikit ang mata ko, tumunog ang cellphone ko. Pangalan ni Zyrus ang rumehistro sa screen ng cellphone ko. Nakaramdam ako ng kaba, ngayon lang naman kasi tumawag si Zyrus ng alanganing oras, alam kasi niyang magagalit ako sa kanya kung tatawag siya ng alanganing oras lalo na kung hindi naman importante. "Bakit ka napatawag?" "Nag-away naman ba kayo ni Frits peklat?" tanong niya. Sumimangot ako, kahit kasi may asawa at mga anak na ako, tinatawag pa rin niya akong peklat sa kinis kong ito, gano'n ang tawag niya sa'kin. "Tumawag ba sa'yo para magsumbong?" "Nope, nandito siya sa bahay at nang-iistorbo sa pagtulog ko, nagyayang uminom ng alak, hindi ako pumayag iniwanan ko siya sa living room, after thirty minutes lasing na lasing na, ginawa ba namang tubig ang liquor." Napamura ako sa hangin dahil sa asar kay Frits, akala ko pa naman nasa labas lang siya dumayo pa talaga ng inom. "Susunduin ko siya diyan." "Wag na, ipapahatid ko na lang siya sa driver ko, abangan mo na lang diyan sa labas niyo, hindi na niya kayang tumayo sa sobrang kalasingan." "Thank you Zyrus." "Okay sige, ibaba ko na ang telepono, bye!" "Thanks Zyrus." Sabi ko, bago ibaba ang tawag. Sinuot ko ang robe, tapos sinilip ko muna si John Axle kung tulog pa rin, tapos lumabas ako ng kwarto upang abangan ang lasingero kong asawa. Ilang saglit pa narinig ko mula sa labas ang busina ng kotse, agad kong sinilip 'yon at nakita kong driver ni Zyrus ang bumubusina. Agad namang pinapasok ng security guard ang kotse. "Ma'am Allyson, si Sir Frits po sobrang lasing na lasing, pinahatid po siya sa'kin ng Amo ko dito." Paliwanag ng driver. "Salamat, paki-alalayan na lang po siya papasok sa loob." Sumunod naman agad ang driver ni Zyrus ang bwiset na si Frits, lasing na lasing hindi na nga niya magawang maglakad mag-isa dahil sa kalasingan. "M-my wife.." anas niya habang nakatihaya sa sofa. Nameywang ako, "My wife ka diyan! Sipain kita e, dumayo ka pa ng inom nakaka-inis ka!" "I'm sorry.." "Sorry your Ass! Bahala ka sa buhay mo. Matulog ka diyan sa sofa." Pumihit ako patalikod upang muling bumalik sa kwarto. Iniisip ko kasing baka magising na naman si John Axle, umiyak ulit. "Stay with me." Sabay hila niya sa braso ko, sa sobrang lakas ng pagkakahila niya sa'kin nasubsob ako sa balikat niya. Bago pa ako makapagreak bumangon siya upang umikot para ako ang nasa ibaba niya. Namilog ang mga mata ko, akala ko kasi kanina lasing na lasing siya. Kumunoot-noo ko dahil sa inis, na-loko ako. "Bwiset ka! Bumangon ka diyan at naiipit ako. Ano ba!" "I can't, sabihin mo munang bati na tayo." Sabi niya, namumungay pa ang mga mata niyang habang nakatingin sa'kin. "No way! Bumango ka diyan Frits, amoy alak ka!" Pilyo siyang ngumiti. "Yeah, amoy alak ako, gusto mo ba akong tikman?" Nagkulay kamatis ang mukha ko, iba na naman ang takbo ng utak ng asawa kong ito, p*****t talaga, "Ako pa talaga ang may gusto!" pinipilit kong itulak siya pero sadyang mas malakas siya sa'kin. "Kung ayaw mo, ipapatikim ko sa'yo ng free." Bigla niya akong siniil ng halik. Halos mahilo ako sa lasa ng halik niya, idagdag mo pa ang amoy alak din niyang hininga. Hindi ko tuloy alam kung saan ako nalasing, kung sa halik niya O dahil sa lasang alak niyang ininom. Naramdaman ko ang pag-angat ng katawan ko kaya naman kumuyapit ako sa kanya. Napasigaw ako ng malakas ng bigla kong naramdaman ang tubig na tumama sa katawan ko. "Sh*t bakit ka tumalon sa pool!" inis kong sabi. Tumawa siya ng malakas. Tapos muli siyang lumapit sa'kin, tinitigan niya ako. "Para mawala ang init na nararamdaman mo." He wink. Hinampas ko siya balikat. "Kanina mo pa ako inaasar, akala ko lasing na lasing ka!" "Malalasing ba ako sa tatlong shot ng Tequila?" "Pero ang sabi kasi ni— oh, sh*t! Pinagkaisahan niyo ako ni Zyrus." Inis na inis kong sabi. Niyakap niya ako ng mahigpit, "Bati na tayo ha? Wag kang magalit sa'kin, hmm.." hinalikan pa niya ako sa noo." "Oo na!" marahan ko siyang tinulak upang umahon ako, nilalamig kasi ako, pero bago pa ako makaahon muli na naman niya akong hinila palapit sa kanya at kinulong sa dibdib niya. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga. "Promise ko sa'yo wife ko.. hindi ka makakaramdam ng lamig kahit nasa pool tayo, magpapainit tayo." Sabay halik niya sa leeg ko. Bumilis ang kabog ng dibdib ko, pagkatapos unti-unting umakyat ang kuryenteng dumadaloy sa katawan ko. Gagawa kami ng apoy sa tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD