Huwag Mong Pasukin
Mainit ang hangin sa Isla Guadalupe, pero hindi ito sapat para i-distract si Salvi mula sa matinding inip na nararamdaman niya.
Tatlong araw na siyang nakakulong sa islang ito. Wala siyang phone. Wala siyang internet. At mas lalong wala siyang kakampi. Kung hindi siya naglilinis ng sahig, naghuhugas ng plato, o pinapagalitan for breathing too loudly, umiikot lang ang utak niya sa tanong na: bakit ako nandito?
Nakahiga siya sa kama, suot ang isang puting tank top at maikling shorts. Nakatingin sa kisame, habang pinapakinggan ang katahimikan sa labas.
Until… something caught her attention.
Mula sa bintana ng kwarto, natanaw niya si Hector Salvador, nasa veranda. Nakahubad ang pang-itaas, suot lang ay maikling shorts habang nagdidilig ng halaman gamit ang hose. Tumutulo pa ang tubig sa dibdib nito habang pinupunasan ng maliit na tuwalya ang leeg.
Napakagat-labi si Salvi.
Diyos ko… anong klaseng Ninong ‘to?
Hindi niya kinayang hindi pagmasdan ang toned muscles nito, ang tahimik pero authoritative na kilos, at kung paano para itong eksena sa isang Calvin Klein ad — pero live. Mainit, literal at figuratively.
And they expect me not to feel anything? she thought. Test of patience talaga ‘tong isla na ‘to.
Hector turned slightly, revealing a glint of sweat on his back, and for a wild second, Salvi imagined things she shouldn’t.
Stop. Stop that. STOP!
“Aware ba siya na halos maghubad na siya sa harapan ko?” aniya na iiling-iling, pilit na ayaw tumingin. Kung ibang guys pa ito, baka pagpiyestahan na niya. Ngunit si Hector Salvador ito, ninong niya, isa sa mga investor ng kanilang Negosyo at ang taas na ng edad nito!
Pero sa halip na umatras, mas lalo pa siyang lumapit sa pinto ng kwarto, tila sinasaniban ng curiosity at… delikadong excitement.
“May kakaiba talaga sa lalaking ito…” bulong niya habang pinagmamasdan itong gumalaw.
She enjoyed the tempting scenes when she noticed it. The forbidden door. The one at the end of the hallway. Naalala niyang sinabi nito. “And one thing, Salvi. You are allowed to use any of the rooms in this house, except that,” turo nito sa isang nakasaradong pintuan na malayo sa mga silid. “Why?” wala sa sariling tanong niya. “No questions, Salvi. You are not allowed to enter or open that door. It’s always lock, so there’s no way you can open it!”
Usually locked and always off-limits ito. But now? Bahagyang bukas.
Kung ano ang bawal… yun ang dapat tuklasin, bulong ng demonyito sa isip niya.
Tahimik siyang lumakad papunta sa dulo ng hallway. Dahan-dahang tinulak ang pintuan.
Click.
Pumasok siya sa loob ng study. Mabango — amoy lumang papel at cedarwood. May mga estante ng libro, isang malapad na mesa, at ilang framed photographs na nakaayos sa ibabaw.
Agad siyang lumapit. May isang maliit na Polaroid ang agad na tumawag ng pansin niya.
Isang batang babae. Mga limang taong gulang. May mahabang buhok, suot ang pink na dress, hawak ang stuffed toy.
Huminto ang mundo ni Salvi.
Teka lang… ako ba ‘to?
The girl looked like her. The same eyes. Same faint dimple. Same playful smile.
She flipped the photo. May sulat sa likod.
“For H. – Keep her safe.”
Keep her safe?
Bakit hawak ni Hector ang ganitong photo? Sino ang batang ito? At bakit sobrang kamukha niya?
Bago pa niya maitanong sa sarili ang kasunod—
“I didn’t know I invited a thief.”
Her heart stopped.
“You shouldn't be in here.”
Mabagal siyang lumingon. At sa may pintuan, naroon si Hector — nanlilimahid pa ang katawan, mukha pa ring bagong ligo sa araw, nakasuot pa rin ng shorts pero wala pa ring pang-itaas.
At sa presensya nito, mas lalo siyang natuyuan ng laway.
Hindi galit ang mukha nito, pero malamig. Matigas. Mapanganib.
“I—I didn’t mean to snoop,” sabi ni Salvi, tinatago ang larawan sa likod ng katawan niya.
“Then why is that in your hand?” tanong ni Hector, tinuro ang kamay niya.
Hindi siya kumibo.
“Put it down, Salvi.”
Hindi siya gumalaw.
Hector took a slow step forward. “I said put it down!” sigaw nito.
Napilitan siyang ibaba ang larawan sa mesa. Pero hindi pa rin siya umatras.
“Sino ‘yung bata?” tanong niya, diretso sa mata niya tumingin.
“You don’t need to know that.”
“She looks like me.”
“Coincidence.”
“Don’t lie to me.”
Napuno ng tensyon ang hangin. Lumapit pa si Hector — hanggang magkalapit na ang katawan nila.
“You always do this,” he said low, voice deep and rough. “You cross lines, then test if I’ll break.”
Salvi’s breath hitched. Her heart thudded so loud, she swore he could hear it.
“And will you?” she whispered.
Hector’s hand moved to her wrist, then slowly to her cheek. His thumb hovered over her lower lip. Their faces — just inches apart now.
“You don’t know what you’re playing with,” he murmured.
“Then teach me,” bulong niya, mata hindi kumukurap.
He stared at her — intense, struggling, tempted.
For a moment, akala niya hahalikan siya nito.
But instead, he stepped back.
Firm. Controlled. As if pinipilit niyang hindi magpadala.
“Get out,” he said hoarsely.
She didn’t argue. Hindi rin siya ngumiti. Tahimik siyang tumalikod, iniwan ang larawan sa mesa, at lumabas ng silid—dala ang init sa dibdib na hindi niya alam kung saan ilalagay.
Nanatiling nakatayo si Hector sa loob ng study, titig na titig sa larawan ng batang babae.
“You weren’t supposed to look like her,” bulong niya. “And I wasn’t supposed to feel this.”