Chapter 22 Ilang minuto na ng umalis si Louise sa aming lamesa simula ng ayain sya ni Armie kanina. Tumayo ako at binalak na pumunta ng CR para sana icheck kung naroroon sya ng makita kong sumalubong si Paul kay Luis. Kunot ang noo nito at halata ang pagaalala sa mukha. “Fvck Lou where are you?” Tanong nito at nakatitig kay Luis. Kinabahan ako hindi lang sa tanong niya kundi pati na rin sa reaksyon ng mukha niya. Saan naman pupunta si Louise? Nandito lang sya at kasama si Armie kanina. Nang inilingon ko ang mata ko sa paligid ay namataan kong kasama ni Armie ang kanyang mga magulang sa lamesa and there are no signs of Louise. “Warren.” Tinapik nito ang tyan ng kaharap. “Warren got her. Come on!” Napabaling ang mata ko sa kanila at agad ko silang hinarang sa sobrang

