The Second Life

1925 Words
Kabanata II "Stable na ang kanyang kalagayan wala namang tinamaan na mga vital organs at nerves ang sugat niya sa dibdib at ulo subalit medyo may kalaliman ito na kelangan ng pahinga at pag -iingat". "Mabuti naman, maraming salamat talaga doc". "Walang anuman! Sa ngayon hintayin nalang natin siyang magising." Ito ang mga nauulinigan kong boses hindi ko kilala. Pilit kong minumulat ang aking mga mata pero medyo malabo pa. Sino ang mga ito? Nasaan kaya ako? "Si Freah, ang pamangkin ko!" Usal ko. "Hija wag mo na munang piliting gumalaw o umupo. Malaki ang sugat sa iyong ulo at dibdib. Magpahinga ka muna hanggang humilom ang sugat mo." Naaaninag ko ang mukha niya sa tantiya ko nasa kwarenta na ang edad nito. "Ma'am kayo po ba ang nakakita sa akin?" "Oo, Hija nakita ka namin sa tabing dalampasigan na walang malay at halos maubusan na ng dugo.Ang akala ko nga di kana namin maililigtas", Salamat sa Diyos at dininig niya ang aking panalangin. Maluha-luha nitong sabi sa akin. Sobrang bait niya, grabi ang pag-alala niya sa akin kahit di niya pa ako kilala. "Maraming salamat po sa kabutihan ninyo." Pero maitanong ko po sa inyo ma'am may nakita rin po ba kayong bata na nasa limang taong gulang po kasama ko po siya sa lumubog na bangka." "Sorry Hija tanging ikaw lang ang aming nakita." Nalaman ko na halos isang linggo na pala ako dito sa ospital at walang malay.Tinanong niya kung ano pangalan ko at saan ako nakatira. Nagpakilala siya sa akin. Siya pala si Victorina Esrael byuda at wala ng ibang kasama sa buhay maliban sa kanyang mga buddy guards. Kababalik niya lang galing Italy dahil may mga restaurant siya doon bumalik lang siya ng Pilipinas dahil aayusin niya ang kanyang mga naiwang ari-arian dito. Nalaman ko rin na mayroon siyang nag-iisang anak pero sa kasamaang palad na wala daw ito sa Isla. Maaring nalunod o may kumuha. Matagal na niyang pinapahanap ang bata pero wala parin nakakapagturo kung saan ito. At ito pala ang dahilan kung bakit naroon ito sa isla noong panahong natagpuan ako. Sa Mysterious Island din pala nawala ang kanyang anak. At ikinuwento ko narin sa kanya ang buong pangyayari. Mabilis na napalagay ang loob ko sa kanya at para siyang si Inay. Hindi mo makitaan ng kahit kunting kasungitan. Maluha-luha na naman ako ng maalala ko si Inay. Sana Inay kung ligtas ako sana ligtas din si Freah ang apo ninyo. Umalis saglit si ma'am Victorina, may pupuntahan lang daw siya saglit at babalik din daw siya. Ipagbili niya narin daw ako ng mga damit at iba pang mahahalaga kong gagamitin. Sobra-sobra akong nagpapasalamat sa kanya at sobra-sobra na ang tulong na ibinibigay niya sa akin. Pinagbuksan niya ako ng TV manood daw muna ako para di ako mabagot. Maya-maya'y bumalik na ito. Marami siyang bitbit. May isang basket na puno ng prutas, mga damit na ang gaganda at mukhang mamahalin. At pati mga personal things ko, binilhan niya rin ako ng make up kit kahit ang totoo di ko alam kung paano gagamitin yun. " Nag-abala pa po kayo kahit mga damit sa bangketa lang po okay na po sakin yon." Maraming salamat po talaga napakalaking utang na loob ko po sa inyo. Sobra -sobra na po ang abalang naidulot ko sa inyo. Pasensya na po". "Ano kaba! Ituring mo nalang ito na regalo ko sayo sa pangalawang buhay mo". Sinubuan niya ako ng prutas dahil hindi ko maigalaw ang aking dalawang kamay dahil sa swerong nakatusok sa magkabilang pulso ko. Dextrose sa kabila at dugo naman sa kabila na sinasalin sakin dahil marami daw dugo na nawala saakin dahil sa mga sugat ko. Kasalukuyan kaming nanonood ng palabas sa hapon ng biglang may sumingit na Flash Report. "Natagpuan na ang ilan sa mga sakay ng bangkang lumubog malapit sa Mysterious Island. Kinilala ang isa sa natagpuan na si Angie Salvador subalit patuloy paring pinaghahanap ang iba pang mga kasamahan nito. At napag-alaman rin na may kasama itong biktima ang kanyang limang taong gulang na anak at ang tiyahin nitong 15 anyos. Sa ngayon patuloy parin pinaghahanap ang dalawang bata." Halos hindi ako makahinga sa mga aking mga narinig. Patay na si ate Gie at di parin nakikita si Freah. Sana'y Ligtas siya. Sana' buhay siya.! "Arrah! huminahon ka! Arrah!.. Sigaw ni ma'am Victorina. Nawalan pala ako ng malay sa sobrang emosyon ko. Sabi ng doctor wag daw ako magpastress dahil makakaapekto ito sa paggaling ko. Nangako naman si Ma'am Victorina na tutulong rin daw siya sa paghahanap magpapadala daw ulit siya ng mga tao para suyurin ang isla. Lumipas ang isang linggo at unti-unti naring gumagaling ang mga sugat ko subalit di parin natagpuan si Freah. Nag-paalam ako kay ma'am Victorina uuwi na ako sa amin. Para matulungan narin ang kuya ko sa paghahanap kay Freah at pagpapalibing kay ate Gie. Noong una'y ayaw pang pumayag ni ma'am Victorina baka mapano daw ang sugat ko at sabi niya sumama nalang daw ako pabalik ng Italy. Pero hindi ko kayang talikuran ang pamilya ko lalo na sa kalagayan ni Kuya ngayon. Niyakap ako ng mahigpit ni ma'am Victorina at sobrang naiyak din ako at labis na nagpapasalamat dahil nakilala ko ang isang napakabait na katulad niya. Binigyan niya ako ng papel nakasulat ang address ng bahay nila kung sakaling luluwas ako ng Maynila ay puntahan ko lang daw siya. Malaking halaga rin ang inabot niya sa akin para makatulong daw sa libing ni ate gie at sa paghahanap sa aking pamangkin. Mahigit dalawang oras din ang aking beyahe bago nakarating sa bayan namin. Pagdating ko ay bumungad sa akin ang maraming tao na nakiramay kay kuya, naroon narin ang pamilya ni Ate Gie. Nagulat si Kuya ng makita ako. "Nasaan si Freah? Kasama mo ba siya?" Umiiyak na tanong ni kuya sa akin. "Kuya! Tanging nasambit ko nalang sa sobrang panlulumo. Nanlambot ang mga tuhod ni kuya at biglang napasubsob sa lupa. "Freah! Anak ko nasaan kana? Tinulungan ng mga taong naroroon si kuya pinakalma nila ito. At halos mag-iyakan ang aking mga kaibigan nang makita nila akong buhay lalong-lalo na si Joana. "Maraming salamat best. Dininig ng diyos ang panalangin ko. Ligtas ka." Tumakbo si Joana papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit, napangiwi ako ng maipit ang mga sugat ko sa dibdib. " Baka hindi ako namantay sa pagkalunod namatay naman ako sa yakap mo dahil bumuka na ang sugat ko." Pabiro kung sabi sa kanya. Napabitaw siya sa akin at maingat na sinilip ang mga tahi ko sa dibdib. "Grabi ang laki best". "Kawawa naman ang best ko". Pero sobrang saya ko talaga best na nakaligtas ka. Halos ayaw ko ng matulog at di rin ako pumasok sa school sa labis na pag-aalala ko sayo." naiiyak nitong sabi sa akin. Niyakap ko siya at di na namin naipigilang mag-iyakan sa sobrang saya. Kinabukasan ihahatid na namin sa huling hantungan si Ate Gie. Nag-uumapaw ang emosyon ni kuya na halos mawalan ito ng malay sa simbahan na pinagmisahan bago ang libing. Hindi ko magawang aluin si kuya dahil simula dumating ako hindi niya na ako kinikibo. Hindi ko alam kung galit siya dahil ako lang ang nabuhay o dahil di ko man lang nailigtas si Freah. Hinayaan ko nalang muna si kuya baka pag pinilit ko siyang kausapin ay lalong magalit lang ito sa akin. Mas lalo akong inuusig ng kunsensya ko na hindi ko man lang nailigtas ang pamangkin ko. Sobrang bigat sa kalooban minsan hiniling ko nalang na sana ako nalang ang nawala hindi sana nagdadalamhati si kuya ng ganito. Natapos na ang padasal at kami nalang ni kuya ang naiwan sa bahay di niya parin ako kinikibo. Itinigil narin ng mga coast guard ang paghahanap kay Freah parang gusto na nilang tanggapin na wala na siya. Pero hangga't wala akong nakikitang katawan ni Freah hindi ako titigil sa pag-aasang makikita namin siyang buhay. Maging si kuya nawalan narin ng pag-asa na makita si Freah sa halip itinuon nito ang sarili sa paglulong sa alak. Halos araw-araw itong umiinom at uuwi ng bahay na lasing na lasing. Isang gabi niyaya ko siyang maghapunan. "Kuya, kumain na po tayo. Ilang araw ka nang di kumakain halos alak nalang ang laman ng inyong tiyan. Hindi po maganda yan sa kalusugan ninyo". "Pakialam mo ba?". "Mamatay kung mamatay wala naman silbi ang buhay ko". " Kuya huwag po kayo magsabi ng ganyan." Marami pa kaming nagmamahal sayo." "Hahahaha! tumawa ito ng napakalakas. Nagmamahal? E ampon ka lang naman e, simula dumating ka sa buhay namin nagkandaletse-letse na ang buhay namin. Malas ka! Dapat ikaw nalang ang namatay". "Kuya tama na!" Awat ng isa kong kuya nasa pintuan na at kararating lang nito. Sinundan ang panganay naming kuya dahil nakita niyang lasing na lasing ito. "Bakit ayaw niyong sabihin sa kanya na ampon lang siya para mabawasan ang pasanin natin sa buhay". Ang Malas e! "Pero wag naman sa ganitong paraan kuya." Naging kapatid narin natin siya dahil si Inay at Itay na ang nagpalaki sa kanya." "Totoo po talaga na hindi niyo ako kapatid?" Na ampon lang po ako?" "Ou ampon kalang! Ampon ka! paulit-ulit na sambit ng panganay kong kuya hindi ko na mapigilang mapahagulgol sa aking mga narinig. Hindi ako naniniwala noon dahil akala ko tsismis lang ang mga sinasabi ng aming mga kapitbahay. Pero ngayon nanggaling na mismo kela kuya ang katotohanan. Sobrang sakit. Nakapagdesisyon na ako hahanapin ko ang totoo kong pamilya. Pinipigilan ako ng pangalawa kong kuya pero sabi ko sa kanya mapapanatag lang ang loob ko kung makikita ko at makikilala ang totoo kong mga magulang. Gusto ko rin alamin ang dahilan bakit nahiwalay ako sa kanila. Sobra akong nagpapasalamat sa kanila dahil tinuring nila akong pamilya. Iniwan ko rin ang perang ibinigay sa akin ni Ma'am Victorina para sa paghahanap kay Freah. "Kuya tanggapin niyo po ang perang ito para panggatos po sa paghahanap kay Freah." At para pansimula mo narin po. Maraming salamat po sa pagmamahal at pag-alaga niyo sa akin. Hinding-hindi ko po iyan makakalimutan. Babalikan ko po kayo kapag nahanap ko na ang totoo kung pamilya." Hindi na ako nagpaalam ng personal, tanging sulat at sobre nalang iniwan ko kay kuya dahil ayaw kong sumama pa ulit ang loob niya sa akin. Inipit ko ito sa ilalim ng kanyang unan para madali niyang makita. Lumuwas ako ng siyudad para doon magsimulang maghanap. At unang sumagi sa isip ko ay si Ma'am Victorina kahit magsilbi ako sa kanya kapalit ng tulong niya sa akin at hihingi ulit ako ng tulong para mahanap ang totoo kong mga magulang. Kahit imposible pero umaasa parin ako na makikita ko sila. Kinuha ko sa aking bulsa ang address ng kanyang bahay at kahit papano hindi naman ito madaling hanapin. Napakalaki ng kanyang mansion. Tatlong palapag ito subalit sa kabila ng karangyaan tila ba nababalot ng kalungkutan ang buong kabahayan. Pinindot ko na ang door bell. Lumabas ang medyo may edad na babaeng kasambahay. "Dito po ba nakatira si Ma'ma Victorina Esrael?" "Sino po sila? Hindi kasi ako pweding magbigay ng detalye maliban nalang kung magkakilala kayo". "A, e ako po yong minsan niyang tinulungan na taga probinsiya, wala po ba siyang ibinilin sa inyo? "Wala neng e."At wala dito si ma'am ngayon nasa Italy na siya noong isang linggo pa". "Nasabi po ba niya kung babalik pa siya ng Pilipinas?" "Walang kasiguraduhan neng e kasi halos apat hanggang limang taon bago umuuwi si ma'am ng pilipinas. "Sige po maraming salamat po." Nanlulumo ako saan at paano ako magsisimula?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD